FORTYNINE

95 3 4
                                    

DJ'S POV

Agghhhh! Sabi ko kay Lelay na pag dumating si Zharm, sabihin niyang may binili lang ako eh!

*flashback to chapter FORTYEIGHT*

"Kuya Daniel, san ka pupunta?" Lelay

"Basta. Pag dumating si Zharm, sabihin mo may binili lang ako" Ako

*end of flashback*

Tss. Napaiyak ko nanaman si Zharm. This time, tapos na talaga. Hindi ko na siya hahabulin. Ayoko narin naman talaga kasi. Nakakasawa na yung away. Mabuti narin 'to. Pipikit ko na sana ulit yung mata ko nang biglang may nagbalibag ng pinto ko.

"DANIEL!!" aghhhhhh at ito na nga si Mama. 

Pinikit ko na mata ko at nagkunwaring hindi siya narinig.

"HOY DANIEL ALAM KONG NARIRINIG MO 'KO BUMANGON KA NGA DIYAN!!" sabay pingot sakin para bumangon

"A-aray naman Ma!!" bumitaw naman si Mama kaya hinimas ko yung tenga ko

"Anong aray?! Kulang pa yan sa mga ginawa mo kay Zharm!! Ako, hindi ako nagsasalita pag kung sino sinong babae yang nilalandi mo, pero utang na loob naman, mag sorry ka man lang sana kay Zharm!!" Mama

"Oo na Maaaa!!" hihiga na ulit dapat ako ng piningot nanaman ni Mama yung tenga ko para bumangon ako

"HOY DANIEL, DI PA TAYO TAPOS MAG USAP." Mama

"Aray Ma!! Matatanggal na yung tenga ko niyan eh!!" bumitaw na ulit si Mama at hinimas ko nanaman yung tenga ko

"Yung Nika na yun, kabarkada niyo din yun diba?" Mama

"Oo." Ako

"Wag mo sabihing lahat ng mga kabarkada niyo, tutuhugin mo?! Alam mo, kung nagawa mo kay Zharm, gagawin mo din kay Nika." iritang irita na sinabi ni Mama

Lalambingin ko na nga 'to para tumigil na.

"Mama.. Sige na.. Tama ka, mag s-sorry na 'ko kay Zharm, at aayusin ko na kay Nika.. Wag ka na magalit sakin Mama, alam ko namang love mo parin ako kahit ganito ako eh, diba?" sabay halik ko sa cheek ni Mama

"Heh! Tigilan mo ko Daniel! Di mo 'ko madadaan sa paglalambing mo ngayon!!" konti nalang bibigay na si Mama

"I love you, Mama" Ako

"Ewan ko sayo! Magtino tino ka na Daniel kundi makakatikim ka ulit sakin" tumayo na si Mama at lalabas na ng kwarto ko

"Mama?" malambing kong sinabi

"Ano nanaman yun?!" Mama

"I love youuuu!" sabay ngiti ko sakanya

"HEH! Ano kailangan mo?!" Mama

"Pa-load naman Ma, pleeeease?" sabi ko sabay pout

"HEH!" at tuluyan ng umalis si Mama

 Tch. Mama talaga. Hay, itutulog ko na nga lang 'to. Papikit na 'ko nang biglang

*bzzzzt*

batman

You have just been loaded P21 by +63917*******

Yes!! Sabi na di ako matitiis ni Mama eh.

"Thank you Mama! I love you!!" sigaw ko galing sa kwarto ko

"Tigilan mo na ko!" sigaw naman ni Mama pabalik

Nice. May load na 'ko.

"morning :) alam na niya :))))))))" 

*message sent

*bzzzzt*

Bilis naman mag reply nito!

Nika: What the hell. How?! What did you do, DJ!!!!

DJ: wala eh. nalaman lang niya. ano, punta ka dito?

Nika: Ok. ;)

At ang bilis din nito kausap. Kaya gusto ko 'to eh. Walang drama. Finally, I'm free!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The One That Saves MeWhere stories live. Discover now