Prologue

347 15 0
                                    

"aren't you tired?"

Pinanunuod ko ang isang masayang pamilya. Nasa isang park kame ng subdivision. Umiling ako pinunasan ang pumatak na luha sa aking pisngi

"are you?" buo ang boses kong tanong.

Nakaakbay ang braso ng lalaki sa balikat ng babae. Karga ng lalaki ang kanilang bunso samantalang pinanunuod nila ang kanilang panganay na anak na nakikipaglaro sa mga kalaro neto. Larawan sila ng isang perpektong pamilya. Hindi nawawala ang inggit na nananahan sa aking puso. Dapat ako yun ei. Dapat ako yung kasama niya at hindi ang kapatid ko.

"we're doing this for six months. Paano ka makaka move on kong palage mo silang pinanunuod" pumalatak siya. Kulang nalang ay yugyugin niya ang balikat ko. Alam ko naman ei. Alam ko na wala ng pag-asa pero hindi ko maturuan ang puso na kalimutan siya. Hindi naman ganoon kadali. Tatlong taon ko na nga tong ginagawa eii.

"nasasaktan ako pierre" bumuntunghinga siya.

"I've only got two weeks to be with you" nahinto ako sa pag-iyak at nilingon ko siya. Nagtataka sa kong ano ang ibig niyang sabihin. Anong two weeks? nagtatanong kong tingin

"can you give your two weeks for me. No Him. Only me" nananantya ang kanyang mga matang nakatitig sa akin ng seryoso. Nakakahipnotismo ang mga eto. Para akong dinuduyan at dinadala sa isang lugar na papakalmahin ako. Isang lugar na hindi hahayaang makaramdaman ako ng sakit. Isang lugar na magiging masaya ako at walang iisipin na problema.

Nanatili kameng nagtitigan. Nakalimutan ko kong bakit naroon kame sa subdivision na iyon. Sinamahan niya ako. Palage naman. Palage niya akong pinagbibigyan. Pinanunuod akong nasasaktan. Binibigyan ng payo at pinaaalahanan. Sinasabi na mas pahalagahan ko ang aking sarili. Pero hindi ako nakinig. Palageng sarado ang isip ko. Kahit gustuhin kong makinig ay taliwas nman ang sinasabi ng aking puso.

Kaya pabalik-balik kame sa parke'ng eto. Hindi niya ako magawang iwan. At sa nakalipas na anim na buwan ay inunawa niya ako. Kahit papaano ay naibsan ang sakit. Pero sumasagi parin sa isip ko at bumabalik ang sakit na parang sugat. Maghihilom pero kapag hinayaan mo at hindi ginamot ay bubuka ulit at magdudugo. Magpipilat.

Nakikita ko ang kanyang paghihirap. Nahihirapan siya dahil sa akin. Alam kong ayaw niyang nakikita akong nasasaktan. Anim na buwan ko pa lamang nakikilala si pierre pero bakit napapagaan niya ang kalooban ko ng ganito kadaling panahon

"please Andrea, give me two weeks" tumango ako nang wala sa aking sarili. 

She's in Love with a Ghost ✔Where stories live. Discover now