Draft Seven

241 8 0
                                    

7.

Madaling araw ako bumiyahe pabalik ng maynila. Kahit kinakabahan ay pinilit kong tatagan ang aking loob. I need to confirm something so I won't think that I'm crazy. Hapon ang napag-usapan naming pagkikita.

Nagbook ako sa malapit na hotel ng lugar na aming napag-usapan. I don't have yet the courage to face my parents. Kailangan ko munang malinawan ang aking isipan.

Nauna akong nakarating sa magpinsan. Mga bente minuto bago sila nakita na magkasunod na pumasok sa loob ng coffee shop.

Napataas ang kilay ko. Bartolome Madlangbayan doesn't look exactly gay. Nakashorts siya na hanggang tuhod ang haba, vans shoes, clean cut hair, the last time I saw him which is days ago is mahaba ang kanyang buhok. I didn't exactly stare at his features back then, but looking at him now siguradong magiging kaisa ako ng mga babaeng nandito rin ngayon sa coffee shop na eto. Man' those girls were ogling over him. His an eye catcher. But my heart did't even have its tiny beat when I laid my eyes on him, even when our eyes met. Wala talaga pagkabog akong nararamdaman. Just plain beating of the heart telling me that I am still alive and kicking

Mary Lindiwei or Maria wore her t-shirt and short short with ease. Mukha lang siyang nakapambahay but she sure did carry her self perfectly well. This guys speaks off something.

"ganda nandito kana agad" hindi ko mapigil ang pagkatulala dahil sa boses na tinawag sa akin ni Bart. Which reminds me that I should ask what to call him

"Bilog. Bilog ang itawag mo sa akin" natatawa ako kasi lumapit at bumulong pa talaga siya. Tapos yung pagtawag niya sa akin ng ganda ay mahina lang.

"dito sa manila, lalaki ako. Wag mong ipagkalat. Secret lang nating tatlo yun" can't help but to be amuse by his wittiness. Umismid si maria

"plastic" bulong pa neto

"ano nga palang gusto mong itanong sa amin. Alam mo bang parang tanga tong si Bilog at putak ng putak-"

"anong putak ng putak. Ano ako babae. Bwisit na to" umirap si bilog. Natawa ako. Sumama pa yata ang kanyang loob dahil sa sinabi ni maria.

"uhm, have you seen the guy I'm with noong nakita niyo ako sa baguio?"

"ay te, yun bang nakaputing t-shirt, mahaba ang buhok tapos nakapantalong maong?" nanlaki ang mga mata ko. Kumabog ng mabilis ang aking puso.

"-yes, yes-"

"noong iwan ka niya likod niya ang nakita namin. Hindi namin nakita ang mukha. Tapos nung lumabas kana parang may kinausap ka. May third-eye ka ba?'

Sinapok at sinamaan ng tingin ni maria si bilog. Pinandilatan naman siya ni bilog

"kasi may kausap ka pero wala naman kameng nakikitang kausap mo. Sabi ko nga dito kay maria ang ganda gandang babae kaso ang weird weird naman"

Pigil pigil ko ang aking hininga. Shit! So he really is true.

"na-nakita niyo talaga ang lalaki-"

"oo nga teh, yung likod niya lang. Nakita namin ni maria pero kasi tatlo kameng sumilip. Dalawa lang kame ni maria ang nakakita kasi yung isang baklang kasama namin hindi daw nakita. Pinagpipilitan na wala nmn daw. Nada! Hindi nalang kame nakipag-away. Sarap nga sabunutan nung baklang yun kong hindi lang kalbo eii "

Pakiramdam ko ay lumubo ang aking puso. Totoo siya. Totoo talaga siya. And then it hit me. He was just a soul. A lost soul at hinding-hindi na siya babalik. Parang may malaking kamay na kumurot sa aking puso. I cannot see him again. Much more I cannot hug him. Tell him everything. Bakit feeling ko sobrang napakalungkot ang mag-isa. Ang saklap bes.

"ganda, ayos ka lang ba?" bilog tap my shoulder. I blink. Nagtataka ang tingin nila sa akin

"your spacing out" nakikiramdam na sabi ni maria. Nginitian ko sila. Parang hapong-hapo ako. Feeling ko tumakbo ako ng pagkalayo-layo at tumalon ako ng pagkataas taas.

"nag-order na kame. Uminom ka muna ng tubig" Kahit ang creepy ng mga nangyayari sa buhay ko. Kahit na nanatili ang takot at kaba ay di ko parin maiwasang magpasalamat kay pierre. He help me achieve what I am today. Hindi man buo pero paunti-unti ay nakakabangon ako.

Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko. Kinuwento ko kay maria at bilog ang nangyari sa buhay ko sa nakalipas na tatlong taon. Mataman at seryoso silang nakinig sa kwento ko. Maria low down her guard at naging at ease siya nang tinignan ako ng may pang-unawa. Pumalatak si bilog. Totoo nga ang sinabi ni maria. Dinaig niya pa ang isang babae sa kakaputak.

"grabe ka naman magmahal ganda. Ang hard. Pero jusko day, wala naman palang nangyari sa inyo kong makapag reak ka wagas. Mabuti sana kong napilas niya ang iyong virginity. Sandali virgin ka pa ba?"

Namula ako sa diretsahang tanong ni bilog

"grabe ka bakla. Hinay hinay naman sa mga katanungan mo. Naloka si andeng sa iyo" sinapak na nmn ni maria si bilog. Pinandilatan na nmn ni bilog si maria. I can't help but stare to the both of them. They look cute together.

Tumikhim ako.

"kayo ba, -"

" Ay ay alam ko yang mga ganyang questions. Ganda, wag mo na kameng gawan ng isyu. Hindi ako tomboy. Babae ako. BABAE. Cross my heart, mamatay man si maria" sinabunutan ni maria si bilog

"kapal ng mukha ng baklang eto"sinampal sampal ni maria si bilog sa mukha

"tigas ng mukha oh" from staring at them. Bigla nalang akong natawa hanggang sa ang tawa ko ay naging halakhak na. sure they know how to make a person at ease and comfortable by their only presence.

"I thought your cousins"

"duh' sinabi ko lang yun. Madami kasing nanliligaw dito ky maria. Mamaya masaktan na naman to. Tanga pa nmn-" and I laugh again. Sinampal at sinabunutan na nmn ni maria si bilog.

"ang brutal mong bakla ka. Bwisit"

"ay totoo lang ako. Ang totoong kaibigan nanlalait"

"ewan ko sayo. Bakla"

I ask them to live with me. Nagdodorm silang dalawa at graduating sa Amorsolo University. I need to start living my life and the first of the list is to make friends where I can trust the most. Cherish the most and Love the most. They both agreed. Napag-usapang sila ang maghahanap ng apartment na titirhan namin near Morayta.

She's in Love with a Ghost ✔Where stories live. Discover now