Draft Five

229 11 0
                                    


5.

Matagal ang biniyahe namin papuntang Ilocos. Eto daw ang huling destination namin bago kame uuwi.

Nag taxi kame papuntang Java Hotel. Nagbook ako ng isang kwarto na dalawa ang kama. Pagkatapos ay nagpa room services. Mag gagabi na kaya hindi na kame lumabas ni pierre.

Nakaupo ako sa kama at sinusuklay ang basang buhok habang nag aantay ng aming pagkaen. Umupo si pierre sa aking tabi. Kinuha niya ang suklay at siya na ang nagsuklay ng aking buhok.

"your getting there andrea" mahina lang ang pagkakasabi niya pero rinig ko dahil magkalapit lang kame. I felt some tingling sensation when I felt his hands on my nape. May pakiramdam si pierre na ibinibigay sa akin. Pakiramdam ng kapayapaan.

I face him at ngumiti ako ng pinong-pino.

"yes pierre, I am getting there kaya wag mo akong iiwan. You'll be my strength from the day you approach me, hmmn"

Nilapat niya ang likod ng kanyang palad sa aking pisngi. Pumikit siya na parang nahihirapan.

"you will be alright on your own andrea, I am always watching you" naguguluhan ako. Nangungusap ang matang nagtataka kong bakit niya sinasabi ang mga salitang iyon.

I cupped his face. Bakit parang parehas kameng nahihirapan sa sitwasyon. I saw how it pained him. Hindi ko alam kong bakit siya nasasaktan? Sa anong dahilan?

"I'm sorry andrea" kahit hirap ay tinatagan ko ang aking loob.

"w-hat are you talking about?" umiling siya at nag-iwas ng tingin.

"maiintindihan mo din ang lahat. I already serve you my purpose. You need to move on and continue your life"

"bakit saan ka ba pupunta?"

"Break. Live outside your comfort zone. Make friends. Breathe" umalpas na ang luha sa aking mata. Wala na akong naiintindihan. Bakit sinasabi ni pierre ang ganito.

"just wait. I'm saying goodbye" I heard pierre talking at alam kong hindi para sa akin ang sinasabi niya dahil sa iba siya nakatingin. Nagsimulang kumabog ang aking puso. May takot na nananahan sa aking kaibuturan. Ano ang nangyayari?

Tulala akong nakatitig ky pierre. Nangungusap ang kanyang matang lumuluha. Nagpapaunawa na magiging maayos din ang lahat. That I should stay strong.

"please andrea, LIVE. You have to Live and tell my brother I am Sorry" hindi mag sink in sa akin ang mga sinasabi ni pierre.

"ano bang sinasabi mo?" sigaw kong sabi. Tumayo ako sa aking kinauupuan. Punas ako ng punas sa luhang tuloy-tuloy na tumutulo at hindi man lang maampat.

Pierre's eyes is misty. Still soft. His features is hard but his eyes tells different.

Katok sa pinto ang nagpabalik sa aking kamalayan. Masama ang loob na binuksan ko ang pintuan ng hotel room namin

"here's your order mam" pinasok ng bellboy ang pagkaen at ipinakita sa akin.

"bakit isang order lang yan?" nagtataka kong tanong. Kumunot ang noo ng bellboy

"Isa lang nmn po ang inorder niyo. Saka wala naman po kayong kasama unless malakas po kayong kumaen" inikot ng bellboy ang kanyang tingin. Kumabog ang puso ko. Nakaupo lang si pierre sa kama. Bakit hindi niya ba eto nakikita?

"may kasama ako. Hindi mo ba nakikita ang malaking taong nakaupo sa kama?" namutla bigla ang bellboy. Umatras siya at iniwan ang dala niyang cart.

"mam wag niyo po akong tinatakot ng ganyan. Nakita ko po kayo kaninang pumasok pero wala nman po akong nakitang kasama niyo. Ang weird niyo pa nga po kasi nakikipag-usap kayo tapos wala naman kameng nakikitang kausap niyo. Ayaw nga pong dalhin ng mga kasama ko yung pagkaen ninyo kasi natatakot sila. May third-eye po ba kayo? Medium po ba kayo? Ang ganda niyo naman pong medium"

Natulala ako. Bumalik sa akin ang lahat nang nangyari.

Si Nathan na buniksan ang pinto ng kanyang kotse at may nagtatakang tingin sa akin habang kinakaladkad ako ni pierre. Napaupo ako. Umiling-iling. Ang bata sa bus na nagtataka kong sino ang kausap ko. I did't even have any hint. Sa baguio na ang lahat ng pinakiusapan ko ay may mga nagtatakang tingin. Bakit hindi ko alam? I can't describe what I'm feeling right now.

Ang nagtatakang tingin ng binata sa sagada at ang mga pasulyap-sulyap na tingin ng tao sa akin habang nagpapakuha ako ng pictures.

Pictures? Wala sa sariling kinuha ko ang bag ko at hinalukay ang aking camera. Binuksan ko eto at tumambad sa akin ang mga solo kong pictures.

Solo? But pierre was with me in all those pictures. Umiling ulit ako. I can't believe it? Iiling iling na napaupo ulit ako.

"mam ayos lang po kayo?" inangat ko ang aking tingin sa bellboy. Awa ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Mukha ba akong okay? Gusto kong isigaw. Pero hungkag ang aking nararamdaman.

"umupo po muna kayo" inalalayan niya akong umupo. Ramdam ko ang mga titig ni pierre sa akin. Hindi siya umaalis sa pagkakaupo sa kama pero hindi siya nakikita ng taong kasama ko. Bakit ko siya nakikita? Nahahawakan? It doesn't make any sense

What am i?

My heart is empty. My mind is blank. I was lost all of a sudden. Hindi ko na alam ang nangyayari sa buhay ko.

"you need to calm yourself and get it together andrea" sinamaan ko siya ng tingin.

Tumawag ang bellboy at nagpadala ng mainit na tubig. Yeah kailangan kong mainitan para magising ako tapos maiisip to na isang panaginip lang ang nangyayari sa akin ngayon.

"can you slap me?"

"mam-"

"please" kumamot siya sa kanyang ulo.

"kurutin ko nalang po kayo mam" tumango ako. Kinurot niya ako. Yung masasaktan ako na alam kong magpapasa pero hindi ko na ininda. Pumikit ako. Pagdilat ko ay nandoon parin si pierre nakataas ang kilay sa akin.

"I choose you to see me. Please get your act together. I'll tell you everything" huminga ako ng malalim upang payapain ang aking sarili

Nang dumating na ang hininge kong mainit na tubig ay hinayaan ko nang umalis ang bellboy at ang kasama neto. Sinabihan ko nalang na kong may mangyaring masama sa akin ay puntahan nalang nila ako pagkalipas ng isang oras.

"multo ka na ba?"

She's in Love with a Ghost ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon