Draft Six

231 7 0
                                    

6.

"I made a deal with the head of the death. Pinakiusapan ko siyang hayaang makita mo ako sa mga pagkakataong nahihirapan ka. I wanted to comfort you in every way possible"

"pero bakit ako pierre?" suminga ako pagkatapos. Unti-unti nang lumalabo ang aura ni pierre sa aking paningin and it gives me creep. Nanlamig ako sa aking nakikita. Hindi eto totoo sigaw ng isip ko, but the reality is too much to handle

"teka-" nilapitan ko siya at sa nanginginig na kamay ay sinubukan ko siyang hawakan. Tumagos lang ang kamay ko sa kanyang katawan.

"I'm fading andrea. Kailangan ko nang bumalik sa aking katawan. I've been away for too long now. Please. Wag ka munang magsalita. Hear me first" titig na titig ako ky pierre. I wanted to see with my very owns eyes how will he vanish. That this is really true. That this right now really happened. Kahit na natatakot ako sa nangyayari

"Hindi ko matanggap noong una that I was a lost soul. Nilapitan kita noon pero hindi mo ako nakikita. You continue crying. Patuloy mong pinanunuod ang ate at ang ex mo na masaya habang nahihirapan ka. I wanted to do something for you. Kaya kahit bawal sa batas ng mga grim reaper ay pinayagan niya akong magkaroon ng physical contact sa iyo. You've got a lot of priveledge, labs." Sinamaan ko siya ng tingin ng tinawag niya akong labs. He chuckled na para bang ang simple simple lang ng nangyayari sa amin ngayon.

"anyway, my family can't see me. Your memory of me will fade eventually. Gusto kong makita mo kong gaano kaganda ang buhay. Please live for your family and for yourself. I know you will fall in love again. Sinisigurado ko sayo na ang susunod na lalaking mamahalin mo ay mas mamahalin ka ng higit pa sa inaakala mo. I will be watching you both"

"anong ibig mong sabihin? Can't my memory remain. Please I don't want you to erase it" may tinignan si pierre tapos tinignan niya ako pabalik at nagkibit balikat siya.

"enjoy your stay here. Make the most out of it. Magnilaynilay ka"

"are you going already? Saka teka, kilala mo ba kong sino ang lalaking makakatuluyan ko" kumakalma na nman ako sa tingin na kanyang ibinibigay sa akin.

"he won't erase your memories with me but you have to promise first"

"promise?"

"that you will LIVE and enjoy life"

Natulog ako ng gabing iyon na maraming katanungan ang pumapasok sa aking isipan. Hindi mapakali ang aking puso. You can never tell what's inside of this world. There are a lot of miracles happening. Maraming kakaibang bagay ang nangyayari na kahit kailan hindi maipaliwanag ng seyensiya.

The next day, Nagpahatid ako sa Paoay Church. Kakaibang hangin ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa loob ng simbahan. It's as if the church is telling me to let go of all my problems. Umupo ako sa pangalawang aisle. Lumuhod at nagdasal

"papa jesus. I know your watching me. I will wait kong kelan niyo po matatapos ang kwento ng buhay ko. Yung love story po ha. Gusto ko pong mainlove sa taong hindi ako sasaktan pero alam kong imposible po yun. Kaya hihilingin ko nalang po na kong maiinlove man ako ulit ay doon na po sa taong mamahalin ako ng mas higit pa sa kanyang buhay. I will be patient to wait for the right time. Gabayan at bantayan niyo rin po ang mommy at daddy, ang ate at ang kanyang family. Please let pierre be happy also. I've been contemplating and I've come in to a conclucion that maybe all in lifes happening is beyond your reasons.Siguro may purpose po kong bakit niyo dinala sa akin si pierre. Maniniwala at magtitiwala po ako sa inyo-"

Madami pa akong ipinagdasal, pagkalabas ko ng simbahan ay gumaan ang aking pakiramdam.

Pumasok ako sa isang coffee shop at inorder ang mga pagkaeng dinarayo ng mga turistang kagaya ko.

Ilocos delicacies - Ilocos empanada, garlic, longganisa, Royal Bibingka, Bagnet-which is the Ilocos version of Crispy pata, Super Crispy Chicharon.

Enenjoy ko ang tatlong araw ko sa pagpunta sa mga sikat at dinarayo na lugar sa Ilocos.

Cape Bojeador Light house, Sapanish Era light house, National museums and arts

I talk pictures with Bangui Windmill at hinayaan ko ring damhin ang hangin at maglakad kagaya ng mga tao noong Spanish Era sa Calle crisologo.

May dadating at may mawawala pero ang heritage na minana pa naten sa ating mga ninuno ay nananatili.

Kong sana kagaya rin ng panahon ang puso ko. Pero nagpapasalamat parin ako. Gumaan ang pakiramdam ko at nagkaroon ako ng purpose sa buhay.

"miss gusto mong magpahula" tanong sa akin ng matandang nadaanan ko sa aking paglalakad. Masarap palang mag-isa paminsan minsan. Damhin ang sarling kalayaan. At eighteen someone broke my heart but someone help me to recover it. Hindi man tuloy tuloy na naghihilom pero alam kong nagsisimula pa lamang ako. We may never know what is ahead of us, what life can offer us.

Umupo ako sa upuang naroon at binigay ko ang aking palad sa matanda.

Pinag-aralan niya ang aking kamay. Nenenerbiyos naman ako. First time kong magpahula at sa buong buhay ko ay curious ako kong totoo ba ang mga hula-hula na yan o produkto lamang ng imahinasyon ng tao.

"nakangiti siya habang pinanunuod kang may masayang mukha at maaliwalas na isipan" napalunok ako sa sinabi ng matanda. Bakit niya eto sinasabi? Ano bang alam niya?

"p-po-" ngumiti ang matanda sa akin

"magiging maayos din ang lahat- yun ang sinasabi niya"

"teka lang po manang. Wag po siya ang pag-usapan naten. Yung love life ko nalang po. Please. Tinatakot niyo ako eii. Nagsisimula palang po ako ulit" tumatawa ang mata ng matanda. Bakit kaya may mga taong kahit hirap na hirap sa buhay ay nanatili paring kakitaan ng kasiyahan sa mga simpleng bagay lamang.

"makikilala mo rin siya. Isang lalaki babaguhin mo ang takbo ng buhay"

"weh, manang, bakit ako ang magbabago ng buhay niya may isip naman siya" tumawa ang matanda

Inayos ko na ang mga gamit ko pagbalik ng hotel. Hindi ko alam kong anong nag-aantay sa akin. Pero walang takot ang aking puso na harapin ang kong anuman ang iniwan ko. I'll talk to my sister, to mom and dad, especially to thomas.

Nalaglag ang isang tarheta habang naghahalungkat ako ng aking gamit.

Tinignan ko eto. Eto yung tarheta ng parlor kong saan ako nagpagupit. OO nga pala binigyan ako noong bakla na nag gupit sa akin ng contact number dahil lilipat daw sila dito sa maynila at balak nilang mag part time on call service kong willing daw ako ay pwede ko siyang kontakin.

Huminga ako ng malalim. I wanted to confirm something.

Nilabas ko ang aking celfone. I dialed his number. Dalawang ring bago may sumagot sa kabilang linya

"hello" lalaking malat ang boses. Kinabahan ako bigla. Tumikhim muna ako

"hello sino po sila?"

"uhm, hi-"

"ay babae pala eto. Sino po sila"

"hmmn, is this Bartolome Madlangbayan's number?"

"ay teh, wag mong buuhin ang pangalan ko. Nakakaloka eto" diko maiwasang mapangiti

"hi this is andrea"

"si miss ganda pla . Bakit po kayo napatawag. Gusto niyo po magpaservice. Andito na po kame sa manila ng pinsan ko" kumabog ang puso ko.

"pwede ba tayong magkita?"

"ay sure teh, sge" sinabi ko ang lugar ng pagkikitaan namin.

She's in Love with a Ghost ✔Where stories live. Discover now