Draft Ten

298 13 4
                                    

10.

Hapong-hapo akong naupo sa sala ng apartment. Pagod na pagod ako sa maghapong pagsunod-sunod sa isang papasikat na celebrity para lang makakuha ng scope dahil nagsisimula ng umakyat ang pangalan niya at pinag-uusapan siya ng halos buong sambahayan. Ang siste ay may pumunta sa opisina kong saan ako ng o-OJT at sinabi na nakikipagrelasyon daw ang isang papasikat ng young actress sa isang matandang politician. Nakakaloka. Hindi ko naman talaga trabaho ang ginagawa ko kaso gusto kong magpabango. Maswerte akong makapasok sa isa sa pinakasikat na magazine sa buong bansa. Gusto kong piliin nila ako at kuhanin upang magtrabaho na sa kanila. Mas maganda kasi ang iaabsorb ka ng kumpanya dahil dito ka nag o-OJT. Mahirap ang pinagdaanan kong screening para lamang makapasok. Dalawa kameng napili. Nasa editorial section ako. Kadalasan nag-eedit lang ako or nag tatype ng pinapatype ng mga writers, photographers.

"grabihan te" umupo sa gilid ko si bilog. Nagladlad na talaga siya. Dati akala ko pwede pa siyang maging lalaki. Kaso wala na yata talagang pag-asa.

"Bi, ikaw ba nagkakagusto parin sa babae?"

"aba syempre naman, pero mas lamang ang lalaki. Bakit mo naman natanong?" nagkibit balikat ako

"sayang ka kasi eii" hinampas ako ni bilog sa aking balikat. At ngumisi siya ng nakakaloko

"nagkakagusto ka rin sa akin" pinandilatan ko siya

"asa ka naman"

"hi guys" pumasok si maria na kakarating lang. Magandang maganda sa suot na highwaisted shorts at off-shoulder na damit. Naka heels pa siya at naka make up. Nag go-go see siya. Busy siyang pasukin ang pagmomodelo. Kaya mas mukha kameng alalay ni bilog kesa sa kanya. Inirapan nmin siya at sabay kameng tumayo ni bilog at pumunta sa kanya kanya naming kwarto.

"bakit ang haggard naten te. Samantalang yung iba jan fresh na fresh parin" nginitian ko si bilog at kinindatan

"maligo kana, Sabay sabay na tayong kumaen"

Sabay-kameng nakapagtapos na tatlo. Nasa fashion industry si bilog. Fine arts kasi ang kursong kinukuha niya. Kaya pala noong una palang ay may something sa dalawa. Bilog is the son of a wealthy politician from Davao. Ayaw niyang sabihin kong sino. Basta taga Davao daw sila at gobernador ang tatay niya. Kaya pala afford niyang mag fine arts. Te ang mahal kaya ng course na yun.

Maria is a socialite daughter. Anak daw siya sa labas ng nanay niyang may asawang politiko. Anak daw siya sa isang businessman na nakarelasyon ng nanay niya kahit na may asawa na eto. Both parties know that she exist , para tuloy tuloy ang maging suporta sa kanya ay kailangan niya lang hindi magpakita at magpakilala sa mga ka anak ng nanay niya. Hindi naman bitter si maria. Basta palage niyang sinasabi na wala siyang pakialam. Kahit malaman pa ng buong mundo kong kaninong anak siya. Ang nais niya lang ay makapagtapos. Sa kabilang banda naman ay mabait ang tatay ni maria. Kilala niya nga ang mga kapatid nito sa ama ei, civil lang sila. Kahit iniirapan siya ng asawa ng tatay niya kapag napagkikitaan ay ayos lang dahil hindi naman daw namamahiya ang babae at hindi siya kinakausap. Hayaan nalang daw ang irap.

Nagtuloy-yuloy ang pagmomodelo ni Maria.

Lumipat kame sa isang condominium. Same floor pero magkaiba na kame ng unit. Halos hindi na kame nagkikitaan. Sinisigurado namin na nagkakaroon kame ng time para sa isa't isa. They were my friends. Both ups and downs. Nagdadamayan kame palage. Nauunawaan namin ang isa't isa.

"kainis tong tikling na to. Tumigil kana nga sa kakalaklak ng alak. Baka ma indigestion ka. Diba may ramp ka pa three days from now. Kaloka ka" nasa unit kame ni maria. Nag-ayang mag-inuman. Mabuti nalang at wala akong sinusubaybayan na scope ngayon at free ako.

Star Magazine Hired me, suportado ako ng mga kaibigan at pamilya ko. Gusto sana ni daddy na mag-masteral ako ng Communication arts sa US kaso tigas ang tanggi ko. Hindi dahil sa takot ako ky tiya Luciana. Sa tingin ko lang ay nadadagdagan ang edad ko at wala parin akong experience. Saka gusto ko ang trabaho ko kahit nakakapagod at mahirap.

May mga pagkakataong naiisip ko parin si pierre. I've never had a boyfriend again. Binuhos ko ang buong pagkatao ko sa pagtatrabaho. I wanted to aim the top. Gustong gusto kong maging editorial chief.

Nagpatingin ako sa mga kilalang espesyalita. I wanted to confirm na hindi ako baliw noon. Gusto kong malaman kong bakit nakikita ko si pierre at nakakausap. Sa isang kilalang psychiatrist ako nirecommend ni daddy. But the doctor tells me that maybe it is just in my subconscious. Minsan nga daw my mga five to seven years old na nakikipag-usap sa hindi naman nakikita. They insist na meron. Because they were lonely they tend to enhanced those imagination. Nakakabuo sila sa imahinasyon ng isang tao na makakausap nila. So the psychiatrist told me to keep my friends and continue talking with them. Normal lang daw iyon sa taong nasasaktan. Ang magmukhang baliw.

"nakita ko siya girl. Lumabas sa isang hotel kasama ang isang magandang babae" humagulhol si maria ng iyak. Tinungga ko ang laman ng boteng hawak ko. Sa paglipas ng buwan at taon, nakasanayan ko ng inumin ang san mig light bilang pampatulog. Kaya hindi na ako tinatablan masyado hindi kagaya noon na tatlong bote palang ay tulog na ako.

Maayos ang naging samahan naming tatlo. Mas marami kameng biyahe na ginawa. We almost travel most of the times to enjoy and relax our minds. Nanatiling pribado ang mga buhay nmin kahit sikat na si maria sa larangan ng pagmomodelo. Pili lang naman din ang pinapapasok niya sa buhay niya. Ganoon din ako.

Hindi ako nakikipaglapit kapag alam kong nagiging interesado na ang isang lalaki sa akin. Umiiwas na ako. I am still afraid of getting hurt. But then I already forgot what it feels to be in love again.

Naging close na kame ni ate chloe. Mabuti nga at hindi na siya binuntis ulit ni tom. Nakinig sa sinabi ko ang ungas. We were friends. So everything's fine.

"hindi ko maintindihan ang ipinagpuputok ng botse mo maria. Mygosh. FB mo lang naman yun kong makaasta ka parang kayo" pinandilatan ko si bilog. Inikot niya lang ang kanyang mata.

"I thought. I thought we're okay"

"ay te jan nagsisimulang umasa ang isang babae. Wag pangunahan kasi. Bakit sinabi niya ba na gusto ka niya. Wag tanga te. Hindi ko nga maintindihan jan sa kokote mo kong bakit pumayag kang maging Fuck Buddy ng isa sa pinaka palikerong lalaki sa larangan ng negosyo at industriya" tumayo si bilog . Hindi ko alam kong saan siya pupunta. Hinayaan ko nalang. Ubos narin ang pulutan namin. Anim pa ang natirang bote ng san mig light. Malapit ng pumikit ang mata ko.

Wala na ang hikbi ni maria. Tulala lang siyang nakatingin sa kawalan

"hoy, ayos ka lang ba"

"why' can't I be like you andeng. You already pinned your heart. Parang ang hirap hirap mo ng paamuin samantalang noon ang lambot lambot mo. Ako, eto paulit-ulit parin na nagmamahal. Sa parehas na lalaki parin. Mula noong sixteen ako hanggang ngayon ay siya parin. Ang akala ko magiging kame. Mahilig kasi talaga akong umasa ei.Kaya ayun para lang makapasok ako sa puso niya ay pumayag akong maging FB niya. Kaso mali yata ang naging desisyon ko. Mas ako ang nahuhulog kesa siya sa akin" may kumirot sa puso ko. Habang tinitignan ko ang miserableng anyo ni maria ay mas natatakot akong sumugal at magmahal ulit.

Ganito ba ako noon? Ganito ako ka miserable? It pained me to see her like this. She's been jolly most of the times

"nandito lang kame palage maria" pinunasan ko ang pawis sa kanyang noo at niyakap siya ng mahigpit. Wala man akong kaibigan noon na makakapagpagaan ng loob ko at handang damayan ako ay sinisigurado ko na nandito lang ako para kay maria.

"oh-" hinagis ni bilog ang isang magazine. Dinampot ko eto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang cover ng magazine. Nagsimulang kumabog ang aking puso

"latest edition ng the Bachelors yan. Nanjan ang sinisinta ni maria. Baka kahit papaano gumaan ang loob niyan kapag nakita si niccolo. Jusko day, nakakaloka ka"

Tatlo ang lalaking nasa cover. All of them were bachelors. Kilalang tuso sa larangan ng negosyo at pagpapalit-palit ng babae. Nanatili ang mata ko sa nag-iisang lalaking kilalang-kilala ko. Pierre Alexander Monte Alegro.

She's in Love with a Ghost ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon