Chapter 7: Torn between two hunks

3.1K 194 23
                                    

Someone who really loves you sees what a mess you can be, how moody you can get, how hard you are to handle, but still wants you.
                     ****************************

Kate's POV

Akala ko tapos na ang panggugulo nitong si Mike at Aisel sa buhay ko pero hindi pa pala. Panay ang tawag at text ng mga ito araw-araw. Hindi ko naman magawang palagi e-off ang cellphone ko dahil from time to time ay kino- contact ako ni Mrs. Gomez.  Hindi ko maintindihan kung ano ang problema ng mga 'to at ginugulo ang buhay ko?

Kainis talaga ang magpinsang 'to!

"Pwede ba akong manligaw sa 'yo Kate?" minsan ay tanong ni Mike.

Niyaya niya akong mag McDo ng mga panahong 'yon.

Nag-angat ako ng mukha at deretso ang tingin na tumitig sa mga mata niya.

"Mike, you're a good guy and that's given pero hindi pwede. Pasensiya na."

"May problema ba sa akin?" Parang hindi makapaniwalang tanong niya.

Napabuntong hininga ako. Well, wala naman talagang problema sa kanya. Ayoko lang talaga. Period. 'Yon lang 'yon.

"Hindi mo kasi naiintindihan. Hangga't maaari, ayokong pumasok sa ganyang mga bagay-bagay. Marami pa akong dapat na gawin sa buhay ko ngayon. Ang magpaligaw at pumasok sa relasyon is out on my list!"

"Pero gusto kasi talaga kita, anong magagawa ko dun?"

"Sinasabi mo lang 'yan dahil nabibigla ka lang. You think you are in love with the sentimental notion of being inlove, of romance, but the truth is you are not. Well I do like you Mike, but as a friend – as a friend, I can't go beyond that limit."

Nalungkot ang mukha niya.

"I'm sorry pero 'yon ang totoo. You deserve someone better. My life is too complicated at hindi ako ready sa mga ganitong bagay," hinging paumanhin ko saka ginagap ko ang kamay niya. "Hanggang sa pagiging kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa 'yo Mike."

"I understand. Nalulungkot lang ako na sa isang subok ko pa lang ay basted na agad ako," sabi niyang pilit ang ngiti sa mga labi. "Ganyan ka ba lagi?"

Nalukot ang noo ko sa tanong niya.

"Anong ganito ako lagi?" balik tanong ko.

"Ganyan! Ina-analyze lahat ng bagay."

"At bakit mo naman nasabi ang bagay na 'yan?" ako.

"Well, 'yon kasi ang napapansin ko sa'yo. Halos lahat ng sinasabi ko at lahat ng actions ko ay may nakahanda kang sagot, as if you are analyzing things."

Nagkibit balikat lang ako. "Siguro. Hindi naman kasi ako aware sa mga ikinikilos at ginagawa ko. Basta 'yon lang ang nasa isip ko na gawin."

"Pero hindi naman siguro ibig sabihin na dahil binasted mo na ako ay hindi na ako pwedeng makipagkaibigan sa 'yo di ba?" hirit ulit niya.

"Well, oo naman. Ang yabang ko naman kung ang isang kagaya mo ay tanggihan ko ang pakikipagkaibigan di'ba," ang sagot ko nalang saka isang ngiti ang ibinigay ko sa kanya.

At nagpatuloy na kami sa pagkain. At pagkatapos ay inihatid na rin niya ako sa bahay.

                        ********

Nang mga sumunod na araw ay naging abala na naman ako sa mga activities sa school kaya paminsan-minsan ay ginagabi na ako sa pag-uwi. Nakakapagod pero masaya ako sa ginagawa ko kaya ko nga pinasok ang pagiging president ng Student Body dahil gusto kong makita ang worth ko. Ayokong maging idle. 

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon