Chapter 20: In Between

1.8K 116 1
                                    

Kate's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kate's POV

Umupo na agad ako sa tabi ni Aisel saka iniayos ang piyesa sa ibabaw ng chessboard. Sa akin ang white pieces habang kay Aisel naman ang black pieces. Pinausog ko siya sa kabilang corner ng mesa para maging maayos ang pagkaharap naming dalawa at para mas ma demonstrate ko sa kanya ang dapat niyang gawin. Madali naman siyang kausap.

"I assume na may alam ka na sa rules," umpisa ko.


Napapatango lang itong si Aisel habang ngingiti-ngiti. Ba't ang saya niya?

"Pero, kahit ganoon, mag-umpisa pa rin tayo sa basic, kung ano ang gamit nung bawat pieces at kung ano ang purpose nila sa laro," patuloy ko. 

"Okay," aniyang hindi pa rin maalis-alis sa labi ang ngiti.

"Kung rules ang pagbabasehan, madali lang matutunan ang chess but it takes a lifetime hardwork to master. Ibig sabihin, hindi sa pag-alam ng mga rules magtatapos ang paglalaro nito. Dapat alam mo rin kung papaano papaikutin ang mga pieces mo, lagi mong tatandaan na nakasalalay sa kamay ng isang manlalaro ang kapalaran ng bawat piyesa. You can think of it as manipulating a battlefield."


Napapatango lang siya sa mga sinasabi ko.

"Now, sabihin mo sa akin kung ano ang mga nalalaman mo sa bawat piyesa."

Napaayos siya ng upo.

"This is a pawn," aniya saka hinawakan ang isang pawn na nakahilera sa second rank.

"What do you think is its purpose?"


     
AISEL'S POV


Saglit akong hindi nakasagot sa tanong niya. Bigla kasing nag-iba ang tingin ko sa kanya ngayon. Hindi siya gaya ng nakasanayan ko na laging nakasigaw, nakasimangot at nakakunot ang noo. Napaka-smooth ng image niya ngayon at napaka-relax ng bukas ng mukha niya.

Wala sa loob na napailing ako nang maramdaman kong parang nag-uumpisa na naman akong kabahan. Gusto kong maialis sa isipan ko ang kagustuhang hawakan ang kamay niya.

Parang nabalik sa katinuan ang isip ko nang hampasin niya ang mesa.

"Nakatulala ka na naman diyan," kunot-noong sabi niya. Ang sumunod ay napabuntong-hininga siya saka tumingin ng mariin sa mga mata ko. "Okay, I get it. Tatawagin ko nalang si Mike para siya ang magturo sa 'yo," aniya na akmang tatayo pero mabilis kong nahawakan ang kaliwang braso niya para pigilan siya sa pagtayo.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon