Chapter 29: Beyond Comprehension

1.1K 65 1
                                    

"The limit of the possible can only be defined by going beyond them into the impossible." Arthur C. Clarke

****************************

Kate's POV

Gusto kong sumigaw dahil tila naninikip ang dibdib ko dahil sa walang tigil na pagtakbo. Hindi ko man makalkula ng isang daang porsiyento kung ilang oras na akong tumatakbo pero alam kong kanina pa ako tumatakbo sa tila walang katapusang daan na aking inaapakan. Wala ako ni katiting na ideya kung saan ako naroon at kung paano ako napunta sa isang tila disyerto na puro lupa at buhangin lamang ang makikita mo, ni isang halaman o damo ay wala kang makikita. At lalong wala akong ideya kung bakit ako tumatakbo ng tumatakbo sa direksiyon na hindi ko alam kung saan ako dadalhin. 

Napapikit ako saka napayuko habang hawak-hawak ang dalawang tuhod. Ramdam ko ang paglandas ng pawis na nagmumula sa aking noo pababa sa aking leeg maging ang panlalagkit ng aking pawis ay ramdam ko rin. Napakatindi ng init ng araw na halos tatagos sa buo mong kalamnan ang dulot nito. Napamulat ako ng mata nang may maulinigan sa may di kalayuan. Nag-ayos ako ng tayo at napalinga-linga sa paligid para hanapin ang tinig na tumatawag sa pangalan ko.

"Kate! Bilisan mo ang pagtakbo."

Natuon ang paningin ko sa unahan, nag-aalalang mukha ni ante Mayet ang nakita ko. Kinakawayan niya ako na para bang gusto niya akong sumunod sa kinaroroonan niya.

Ibinuka ko ang bibig ko para tawagin siya nang muli siyang tumalikod at tumakbo palayo sa akin. Ngunit laking gulat at pagtataka ko nang hindi ko man lang magawang sumambitla kahit isang salita. Parang walang tinig na gustong lumabas sa lalamunan ko. Muli ay sinubukan kong magsalita kahit mahina pero ganoon pa rin, kahit ako ay hindi ko marinig ang sarili kong boses. 

Nag-umpisa na namang manikip ang dibdib ko at ngayon ay dahil sa takot na hindi na muling makita ang tanging tao na pwede kong makasama sa panahong ito na wala akong ni isa mang kasama sa lugar  na ito na hindi ko man lang alam kung nasaan. Dahil hindi ko na makita ang imahe ni ante ay nagpatuloy na ako sa pagtakbo. Hindi pwedeng hindi ko siya makita dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa lugar na ito.

Kahit pinagpapawisan at nahihirapan ay pilit pa rin akong sumunod sa daan na tinatahak niya. Muli ay napatigil ako at napahangos dahil sa matinding pagod. Napakunot na naman ang noo ko nang hindi ko na naman makita ang ante ko. "Saan kaya siya nagpunta?"

Habang humahakbang paabante ay palinga-linga rin ako sa paligid at napalingon sa pinagdaanan ko, naniniguro kung tama ba ang daan na tinatahak ko. Tama naman ang direksiyon na tinatahak ko pero bakit hindi ko na naabutan ang ante ko, hindi ko na rin marinig ni mahinang boses niya.

"Kate! Anong ginagawa mo, bilisan mo ang pagtakbo. Maaabutan na tayo ng dilim sa lugar na 'to!" 

Napatitig akong mabuti sa unahan ko nang marinig ko ang boses ni Aisel. Paano siya napunta sa lugar na ito? Sinubukan ko na namang ibuka ang bibig ko para sana magsalita pero ganoon pa rin, wala pa ring lumalabas na boses mula sa bibig ko. Kahit anong sigaw ang gawin ko ay walang lumalabas na boses sa bibig ko. This situation is very frustrating.

"Wait, hintayin mo ako Aisel," gusto ko sanang sabihin pero hindo ko masabi. Nagpatiuna na naman siya sa paglakad-takbo.

 Nanginginig na ang dalawa kong tuhod dahil sa pagod sa pagtakbo. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang humakbang kahit ni isang hakbang. Magkaganunman, sinubukan ko pa ring humakbang.

"Kate! Come on, hurry up!" Si Mike 'yon, hindi ko alam kung saan siya nanggaling, ang tanging napansin ko lang ay humakbang siya paatras kay mula sa kinatatayuan ni Aisel para kausapin ako. Matapos masabi ang gusto niyang sabihin ay sumunod na siya kay Aisel sa pagtakbo.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora