Chapter 52: The Truth Behind

860 50 1
                                    

"There are no secrets that time does not reveal." by Jean Racine

******************************

AISEL'S POV

Nagkakatuwaan kaming tatlo nina Andrew at Ivan sa loob ng court isang Sabado nang bigla nalang akong sugurin ng malakas na suntok ni Mike. Hindi agad ako nakabawi dahil sa gulat at hindi ko rin namalayan ang pagpasok niya.

Maging ang dalawa kong kasama ay nagulat din dahil sa inasal ni Mike. Puro tanong ang mababakas sa mga mukha nilang dalawa? Kapwa nakakunot ang noo ng mga ito.

Bakit bigla nalang ay sumugod ng ganoon si Mike sa akin?

Ano ang kasalanang nagawa ko sa kanya?

Totoo ba ito o isang prank lang?

Iilan lang 'yon sa makikita sa pagmumukha ng dalawang ito.

"Hindi ako makapaniwala na tinitira mo na ako patalikod, Aisel!" panimula niya na tila umuusok ang ilong sa sobrang galit.

Akmang susugod siya ulit pero agad siyang napigilan ni Ivan.

"Hey, bro! Relax, ano bang problema?" kunot-noong tanong ni Ivan na hindi pa rin pinapakawalan ang pagkakahawak kay Mike.

"Anong problema? Bakit hindi ninyo tanungin itong magaling niyong captain?" aniya saka napalingon saglit kay Ivan, pagkuwa'y napatingin sa akin na nanlilisik ang mga mata.

"Leave us alone," kalmado kong utos sa dalawa kong kasama saka tinanguan ko si Andrew. "Huwag ka na munang magpapasok na kahit na sino dito sa loob ng court. Doon na muna kayo sa labas hangga't hindi natatapos ang pag-uusap naming dalawa ng pinsan ko," dagdag ko.

Napatango lang si Andrew at agad na hinablot ang braso ni Ivan para igiya sa labas ng court. Nakita ko pang nagtatalo silang dalawa na hindi ako dapat na iiwan - kaming dalawa ni Mike. Pero hindi nakinig si Andrew at buong lakas na inilabas sa court si Ivan. Andrew knew me well, alam niya at ramdam niya kung ano ang ibig kong sabihin.

Muli kong hinarap si Mike nang tuluyan ng maisara ang pinto at kami nalang dalawa ang naiwan sa loob.

"I presume that you knew already about me and Kate?" kalmado kong tanong.

"Two weeks - two weeks, Aisel! Naglihim ka sa akin ng ganoon katagal!" Hindi pa rin mawala-wala ang galit sa tinig niya. "You're not playing fair!"

"I'm sorry. I know I'm guilty about it. Wala akong dahilan para magsinungaling sa'yo since nalaman mo na."

"Kung hindi pa sinabi sa akin ni Kate ang tungkol sa inyong dalawa ay hindi ko pa malalaman! At kailan mo planong sabihin sa akin ang totoo?! Kung sawa ka na sa kanya at ipagtatabuyan mo na siya na parang basura gaya ng ginagawa mo sa iba?!"

Bigla ang pagtangis ng bagang ko dahil sa narinig.

"All this time, 'yon pala ang iniisip mo sa akin? Akala ko ikaw ang kauna-unahang tao ang makakaintindi sa akin pero nagkamali pala ako. All along masama na ang tingin mo sa pagkatao ko!" pinigilan ko ang kamao ko na dumapo sa mukha niya. Napaiwas ako ng tingin para maibaling ko sa iba ang galit na nag-uumpisang bumangon sa aking kalooban.

"Just this time! Alam mong sinusuportahan kita sa lahat ng mga ginagawa mo at sa lahat ng mga nagiging desisyon mo sa buhay. But, not this one Aisel!"

"Bakit? Ano ba ang mali sa ginagawa ko ngayon?!"

"Alam mong sa umpisa palang ay gusto ko na si Kate. Alam mong noon paman ay may pagtingin na ako sa kanya! Bakit siya pa? Bakit siya pa ang kailangan mong paglaruan?!" aniyang hindi napigilan ang paglapit sa akin at walang humpay na dinuro-duro ang dibdib ko. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapaatras.

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon