Chapter 18: Confrontation

1.7K 117 0
                                    

"Accept the situation for exactly what it is instead of trying to manipulate it into what you think it needs to be."

****************************

Kate's POV

"Ano 'to? Ano na naman ang ginawa niyong dalawa?"
   
Paano kasi, tumapon ang laman ng nakabukas na chips sa sahig, maging ang tinimpla kong kalamansi juice ay natapon din sa sahig.
    
"Wala na ba talaga kayong ibang gagawin kundi ang gumawa ng gulo?! Kung mag-aaway ring lang kayong dalawa ay mas maigi pa na umalis nalang kayo!" Hindi ko na napigilan ang galit na nararamdaman ko para sa dalawang 'to. Ano ba kasi ang problema ng mga 'to at laging nag-aaway kapag magkasama?
   
"Siya kasi ang nag-umpisa!" sabay pang turan nilang dalawa.
   
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagtuturuan nilang dalawa.
   
Magsasalita sana ako ulit nang tapikin ni ante ang balikat ko. Napalingon ako sa kanya.
   
"Puntahan mo na muna 'yong in-order kong leche flan doon kina Manang Belen. Ako na ang kakausap sa dalawang 'to,"mahinahong sabi ni ante.
 
Napakunot lang noo ko.
    
Tinanguan lang niya ako, senyales na siya na nga ang bahala sa dalawang lalake at kailangan ko ng lumabas ng bahay at umalis.
    
Nag-iwan muna ako ng babala sa dalawang lalake bago ako tuluyang umalis.
    
Napayuko pa rin ang dalawa na animo'y mga bata na napagalitan.

   

Aisel's POV

Napapikit ako habang nakayuko pa rin ang mga ulo. Nakagat ko ang mga labi ko. Ngayon lang ako umakto ng ganito ka childish. Hay, nakakahiya naman talaga ang ginawa ko. Kainis din kasi talaga  itong si Mike. Kung sana kasi kanina pa siya umalis, eh di sana okay ako ngayon.
     
Panakaw akong tumingin sa kanya. Siya man ay nakatingin din sa akin. Nanglilisik ang mga mata.
     
    
"Hahaha!"
     
     
Sabay kaming nag angat ng ulo ni Mike at napatingin sa ante ni Kate. Parehong nakamulagat ang mga mata namin dahil sa tawa niya, hindi ko maintindihan kung bakit niya 'yon ginawa.

    
Magkasabay niyang tinapik ang balikat namin ni Mike saka napailing.

    
"Natatawa ako sa inyong dalawa. Mga bata pa nga kayong dalawa, hindi niyo pa alam kung papaano magseryoso," umpisa niya.

    
"Hindi na po ako bata, tita. I am old enough to make decisions!" depensa ko agad.

    
"Lalo naman ako, di na ako bata!" sagot din naman ni Mike.

Napailing lang si tita Mayet.

"Napaka defensive niyong dalawa." Saka napatawa siya ulit. "Anyway, the reason why I ask Kate to get my order because I really wanted to talk to the both of you." Saka naging seryoso ang tinig niya.

     
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba sa sinabi niya.

     
"Magsiupo nga muna kayong dalawa," utos niya sa amin kaya naman wala narin kaming nagawa ni Mike kundi ang maupo sa sofa.

    
Napabuntong hininga muna siya saka naupo din sa katapat naming upuan.

    
"I know it may sounds weird," umpisa niya. "My niece has this queer personality, ayaw nga niyang ma attach sa isang tao, tinatago man niya sa akin 'yon pero alam ko. Mula pagkabata ay palagi na siyang dumidistansiya sa tao, ayaw niyang maging close sa kahit na kanino dahil ayaw niyang masaktan at ayaw din niyang makasakit ng iba."

    
Walang nagsalita sa aming dalawa ni Mike. Pareho kaming seryoso sa pakikinig.

   
"Kaya nga noong mga panahon na nalaman ko na magkasintahan kayong dalawa." Saka matiim siyang tumingin sa akin at bahagyang ngumiti. "Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pumasok siya sa isang relasyon."

You'll Be Mine Whatever It Takes (Book 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora