Snagged

2.5K 110 10
                                    

"I honestly don't know where to begin, but I'll do my best to help you."


I smiled upon hearing Liam's voice message. He always got my back. This is like the millionth time that he had become a helping hand to me. Kung wala siya, malamang ay hindi ko na alam pa kung paano ko itutuloy ang paghahanap ng kasagutan sa mga tanong na meron ang aking isipan.


I was happily typing my reply to my best friend when I heard someone knocking on my door. 


"Pasok." Binaba ko ang aking telepono para tingnan kung sino ang nasa likod ng pagkatok.


"Time for dinner, sweetie," ngiti ni mama. 


Bitbit ng mga kamay niya ang isang tray ng pagkain na hinanda para sa'kin. Sa likuran ni mama ay si papa na malawak ang ngiti habang dala ang isa pang tray ng mga pagkain.


"Dito kami ng papa mo kakain, okay lang ba sayo?"


"Oo naman, ma." It's been a while since the last time we ate together. Nitong nakaraan ay hindi na namin magawang magsalo-salo sa hapag, palagi kasi silang abala sa trabaho.


Ibinigay ni mama ang pagkain sa akin. Naupo siya sa tabi ko habang si papa naman ay nasa may paanan ko. 


We started to eat on my bed. I asked my parents about their day, and they reciprocated. We talked as if we hadn't seen each other in a long time. Pinuno namin ng tawanan at asaran ang aming hapunan. This is what I miss, and at the same time, what I will miss most when they leave.


Sa oras na umalis ang mga magulang ko patungo sa ibang bansa para punan ang tungkulin na meron sila sa trabaho, kakailanganin ko nang lumipat papuntang Drudgens para ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa LVU ('yon ay kung makakapasa ako). 


I will reside in tita Carmela's residence. Nag-iisa siyang kapatid ni papa kaya nang malaman ni papa ang plano ko para mag-aral sa Drudgens, kinausap niya agad si tita para patirahin ako sa bahay nito. Tita does not have a child, but she shares a home with her boyfriend. From what I've heard, her boyfriend has a daughter from his previous marriage kaya't kasama rin nila ang anak nito sa bahay. 


Tahimik kong pinagmasdan ang mga magulang ko na ngayon ay nag-uusap patungkol sa isa sa mga pasyente ni papa. I have no objections to living at Tita Carmela's house, wala rin akong problema sa adjustments na kailangan kong gawin dahil ginusto ko rin 'to mangyari. I'm just upset by the thought of missing my parents and not having them by my side.


Life will undoubtedly change for me when I depart for Drudgens, but I am confident that I can adapt to those changes... hopefully.


"Anak, gusto mo bang sumama sa amin ng papa mo?"


Napatigil ako sa pagsubo at tumingin kay mama. "Saan po?"


"Birthday party of one of our colleagues," si papa. 


Ibig sabihin lang no'n ay puro nakatatanda ang mga naroroon. Should I join them? I don't want to come, but it seems that my parents are expecting me to say yes. 

Beating HeartWhere stories live. Discover now