Natural Enemies

1.1K 71 26
                                    

Terrence has an older sister? At siya ang directress ng campus? Hindi ko inaasahan 'yon. 


Now it makes sense why a lot of students know him and my friends, may koneksyon sila sa directress ng Les Varde. Given na kapatid ni Terrence si Ms. Angelina, nangangahulugan lamang din na pinsan ni Arleen ang nakatatandang kapatid ni Terrence. 


Nasa gitna pa rin ako ng pag-iisip nang biglang bumagal ang paglalakad ni Jecho para pantayan kami ni Kiel dito sa likuran. 


"Ngayon pa lang humihingi na 'ko ng paumanhin kay ate Angelina," bulong niya. "Medyo topakin 'yon. Parang si lola Dina lang, pero mas malala." Napalunok ako. 


Nakarating kami sa main building ng Les Varde. Umakyat kami sa ikaapat na palapag ng naturang gusali at dito ay tinahak namin ang huling pinto ng palapag. 


Hinanap ng mga mata ko si Terrence ngunit doon ko lang napag-alaman na hindi namin siya kasama. Hindi ba dapat ay kasama namin siya?


Hindi agad binuksan ni Arleen na siyang nasa unahan namin lahat ang matibay na pinto na magtutungo sa amin sa loob ng opisina ng directress. Nakita ko ang pag-ayos na ginawa ni Rupert sa collar ng damit, maging ang pag-ayos ni Arleen sa kanyang suot na palda. Inayos din ni Kiel ang pagkakasakbit ng bag ko sa kanyang balikat.


Tumingin din ako kay Jecho na nag-ayos ng buhok. Dahil sa aking paninitig ay napatingin siya sa'kin. "Ayaw ni ate na mukhang tanga kang haharap sa kanya," pagdadahilan niya. "She has a lot of rules, and you gotta comply if you want her to be nice to you."


Hindi pa man ako nakakasagot, humarap agad si Arleen para i-check ang itsura ko. Inayos niya lang saglit ang blazer ng uniform ko bago kumatok at pinihit ang doorknob ng opisina.


"Ms. Angelina? Naririto na po kami." Ms. Angelina? Hindi niya ito tinawag na ate? The directress probably wants formality pagdating dito sa unibersidad.


Halos maiwan kong nakabukas ang aking bibig nang makita ko ang kabuuan ng office niya. The place was spacious enough for our number. The directress' workspace has a touch of Spain about it. There was an old bookshelf stuffed with heavy books in the far corner. The walls were decorated with vintage photographs of the school.


Kapansin-pansin rin ang office table na nasa gitna mismo ng kanyang opisina na napupuno ng mga makakapal at patong-patong na papel, at ang conference table malapit sa kanyang aklatan na wari ko'y ginagamit para sa mga pagpupulong.


"Miss, we're here," sabi ni Rupert.


Sa likod ng office table ay naroroon ang isang napakataas na bintana. Mula rito ay nakita namin lahat ang nakatatandang kapatid ni Terrence na nakatayo at tahimik na nakatingin sa labas ng gusali.


Ngunit hindi ko nakita ang kabuuan ng mukha niya dahil nakatalikod siya sa amin, at ang kanyang nakatalikod na pigura lamang ang nakaharap sa'ming magkakaibigan. She was wearing a gray formal attire coordinates. Ang buhok nito'y lagpas balikat, at tulad ng buhok ni Terrence ay makikita ang tsokolate nitong kulay.


Doon ko lang napansin ang desk name stand na nakapatong sa office table.


Beating HeartWhere stories live. Discover now