Liam's Disagreement

1.9K 99 12
                                    

I passed the exam? I still couldn't believe it! Seryoso ba si Larry?


Nakaupo ako sa harap ng study table, nasa aking harapan ang laptop na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabubuksan. I'm still in doubt. I won't believe Larry unless ako mismo ang makakita ng result.


What if pinagdidiskitahan lang ako ng lalaking 'yon? Liam once told me that Larry has a thing for pranks. I swear, kung niloloko niya lang ako, sisiguruhin kong pagsisihan niya ang panloloko niyang 'to.


Nasa likuran ko sina mama at papa na parehong nakatindig, hinihintay ang sunod kong magiging aksyon.


"Sige na, anak! I-check mo na!" Niyugyog ni mama ang braso ko habang si papa naman ay malaki ang ngisi sa labi. 


Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang laptop. I was logging in LVU's online admission when I heard mama saying something.


"Ineexpect ko na next two months pa maglalabas ng result ang LVU."


"Ako rin," si papa. "Mukhang mabilis na ngayon ang proseso ng LVU pagdating sa mga applicants at examination." 


Tulad ni papa, tahimik akong sumang-ayon sa sinabi ni mama. Inaasahan ko na ilang buwan din aabutin bago ang paglalabas ng LVU ng resulta ng mga nakapasa sa kanilang unibersidad ngunit mukhang napaaga ito. Sa tingin ko'y mabuti na rin 'yon. Ibig sabihin lang din no'n ay maaga ko rin malalaman kung may future ba ako sa LVU o wala.


Agad na lumapit sa tabi ko sina papa nang makita ang mabusisi kong pagtingin sa announcement board ng website ng LVU.


"Hindi ko mabuksan 'yung recent announcement post nila," mahina kong sambit habang paulit-ulit na rinereload ang website. Mas lalo ako naging tensyonado.


"Check your email, anak," suhestiyon ni papa. 


Sinunod ko ang kanyang sinabi at walang pag-aalinlangan na tiningnan ang email ko. Matalim kong tinitigan ang screen ng laptop nang makitang wala akong natatanggap na email mula sa LVU. The fuck. Pinaglaruan ba ako ni Larry? He knows how much LVU means to me!


I had just started to curse at Larry on my mind when my inbox loaded and I saw that I had a new unread email which was sent hours ago. With a shaking hand, I clicked the email while holding my breath.


Congratulations, Nadine!


I propose you admission to Les Varde University's Class of 2023 with tremendous pride. Your remarkable application and exceptional achievements have proved to our Admissions committee that you possess the intellectual prowess and ability to succeed at Les Varde. You stood out among the thousands of applications we screened. 


You have been granted the opportunity to enroll and participate in the on-site enrollment which will be held on May 17-21, 2023 at the Les Varde University main campus, located at Rooseven Highway, Drudgens City, Philippines.


Hindi ko pa man nababasa ang kabuuan ng pinadalang email ng LVU, hinatak ako ni mama at papa para sa isang mahigpit na yakap. Mama was squealing like a teenage girl habang si papa naman ay kulang na lang tumalon sa tuwa.

Beating HeartWhere stories live. Discover now