Passed

2K 108 8
                                    

Halos dalawang buwan na akong hindi nakakapunta sa bahay nina Liam kaya napag-isipan kong bumisita ngayong araw na ito sa pamamahay ng pamilya Sy.


Nothing really changed, their home still had its warm ambience. Naka-display pa rin sa living room nila ang litrato ng buong pamilya Sy, kasama na rin ang ilan sa mga litrato ni Liam mula pagkabata.


Habang pinagmamasdan ang mga litrato sa bawat picture frame, hindi nakatakas sa paningin ko ang panibagong litrato ni Liam na pumukaw sa aking atensyon. It's his photo during his senior high school graduation. Malawak ang ngiti nito habang nakausot ng asul na toga at nakaakbay sa kanyang ama na higit niya pang natangkaran.


"Funny how you seemed to look kind in the photos, when in reality napaka-bully mo."


Natawa si Liam sa sinabi ko. "Nahiya ka pang diretsuhin ako. Alam ko naman nagagwapuhan ka sa akin." I gave him a disgusted look before laughing. 


Tulad ko, only child lang din si Liam ng pamilya nila. And just like me, pili lamang ang mga taong kinakaibigan niya. He once told me before that he doesn't want a big social circle; rather, he just wants a few friends that are genuine to him, and I agree with him on that. 


Liam and I see things in the same light, kaya kung iisipin ay parang siya ang nawawala kong kambal na kapatid dahil sa dami ng bagay na pinagkakasunduan namin.


Dahil sa lawak ng pool area na meron ang pamamahay ng pamilya Sy, doon namin naisipan ni Liam mamalagi habang hinihintay ang tatay niya mula sa ginagawa nitong trabaho sa ikalawang palapag ng bahay nila.


Hindi gano'n kalakas ang hangin ngunit sapat ang ihip nito upang maramdaman ko ang tila paghampas nito sa aking balat. 


Liam was talking, pero ni isa sa mga salitang binitiwan niya ay hindi nakapasok sa utak ko dahil sa malalim kong pag-iisip habang nakatitig sa swimming pool.


Magkasama kami ni Liam kahapon. Bumalik kami sa ospital kung saan ako na-admit. Something inside me compelled me to approach the nurses on my own. Gusto kong ako mismo ang makarinig ng sagot mula sa kanila. 


Liam and I have spent the last 45 minutes speaking with 8 nurses. And just like what Brennan told us, wala silang alam sa pagkakakilanlan ng mga taong tumulong sa akin. Nasa dulo na ako ng pasensya ko kung saan masasabi ko nang nawawalan na ako ng pag-asa.


"Miss, hi," panimula ko sa bagong nurse na dumating. Sinulyapan ko si Brennan, nakita ko ang pagtango niya, senyales na isa ang babaeng nurse na 'to sa mga rumesponde nung araw na naaksidente ako.


The nurse greeted me back. Walang pag-aalinlangan akong dumiretso sa pagtatanong. "Isa ka sa mga nag-asikaso sa akin nung naaksidente ako, hindi ba?"


"Opo, natatandaan kita."


"I'm Nadine and this is my friend, Liam." Daglian kong sinulyapan si Liam sa tabi ko. I started to hope for the ninth time. "Gusto ko lang sana magtanong." 


"Nice meeting you po. I'm nurse Joanna, ano pong tanong niyo?"


Beating HeartWhere stories live. Discover now