Heart In A Chasm

1.7K 85 4
                                    

Para akong napaso. Natataranta kong inilayo ang aking kamay mula kay Rupert na parang nabigla rin sa nangyari.


He looks surprised. Ibinaba niya ang kanyang kamay habang nanatili ang mga mata niya sa aking pwesto.


"Are you okay?" tanong nito na hindi ko nagawang sundan ng sagot.


I even had to ask myself the same question. Am I okay? Am I fine? Why do I feel something is missing?


Nag-iwas ako ng tingin habang pinapakiramdaman ko ang aking sarili.


Binalik ko ang aking paningin sa lalaking nasa harapan ko. Mariin ko siyang tinitigan para obserbahan ang reaksyon ng lalaking si Rupert. Just like what I said, he seemed surprised pero pilit niya iyon tinatago mula sa'kin.


"Have you seen that?" I asked instead. Hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Nakita mo rin ba 'yon?" tukoy ko sa malabong imahe at boses na pumasok sa'king isipan.


Confusion is evident in his eyes. It was his turn to remain silent. Ilang segundo akong naghintay ng kanyang sagot hanggang sa unti-unti siyang umiling.


"I'm sorry, but what are you talking about?"


Right. He didn't see what I saw.


"N-nothing." Umiling ako at nag-iwas ng tingin. "Pagod lang ako." My reason was lame, but I couldn't think of any other way to get out of what I'd asked him.


Rupert looked at me as if he is trying to solve a puzzle mentally. Nang mapansin niyang tinutumbasan ko ang kanyang paninitig, ngumiti siya sa'kin bago nag-iwas ng tingin para kausapin ulit si Valerie. 


I instinctively reached for my chest when I suddenly felt a sharp pain in my heart. It was a pain that happened in a zap that it left me staring into the void.


Napansin ni tita Carmela ang pananahimik ko kaya binaba niya ang kanyang sarili para pantayan ang aking mga mata. "Nadine, okay ka lang? Namumutla ka."


Napalingon sa amin sina Val at Rupert dahil sa narinig nila kay tita. I looked away, and bit my lower lip to make it pinkish before answering my aunt, "Okay lang po ako. Medyo naiinitan lang ako."


"Naiinitan?" si Val. "Ang lamig-lamig kaya. Ang lakas ng hangin oh." Tinuro ni Val ang isang punong tila sumasayaw dulot ng malakas na hangin.


Geez. I'm not really good at making excuses. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang siguruhin kayna tita na maayos lang ang lagay ko kahit na ang totoo ay may mali akong nararamdaman. 


My chest felt heavy. Para bang may kung anong mabigat na bato ang napunta sa dibdib ko at gusto ko na lang lumuha. Bumigat ito matapos kong makaramdam ng panandaliang sakit sa aking puso.


I wanted to cry not because what I'm feeling is physically painful, but I wanted to cry because its affecting me internally. The unclear vision and the unfamiliar voices are causing havoc in my head, especially in my heart. 

Beating HeartWhere stories live. Discover now