Portent

1.8K 93 9
                                    

We had to wait for 2 hours before we could board our aircraft. The flight duration then lasted for two and a half hours before arriving at the airport of my new found home.


Nilingo-lingo ko ang aking ulo sa paligid matapos namin lumabas ng airport. Napayakap ako sa'king sarili nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Though there's no snow, the wind felt really cold that I feel like shivering. Ito 'yung lamig na mapapaisip ka kung umuulan na ba ng nyebe sa Pilipinas.


"Ramier! Grace!" malakas na pagtawag ng isang pamilyar na boses.


Matapos sundan ang pinanggalingan nito, nakita ko ang isang pigura ng babae na kumakaway habang may katabing lalaki at dalaga na tila kaedad ko. 


Sinundan namin ni mama si papa na hindi nag-aksaya ng oras para yakapin ang babaeng tumawag sa kanila ni mama. It's tita Carmela, kasama ang nobyo at ang nag-iisang anak ng kanyang nobyo.


"Nadine! Ang laki-laki mo na!" sabi ni tita habang hawak ang magkabila kong pisngi. Kinailangan ko pang iyuko ang aking sarili dahil sa height difference namin ni tita. "Napakaganda mong bata. Natatandaan mo pa ba ako? Ang tagal na simula nung huli tayong nagkita."


As far as I can remember, the last time I saw my aunt was almost a decade ago. I believe she has not changed at all since the last time I saw her. Ang pinagkaiba lang ngayon ay mukhang mas marunong na siyang pumorma kumpara noon. This didn't surprise me because she lived in America for four years. She worked there for several years before coming back to Drudgens two years ago. I guess American culture had a big impact on her in terms of fashion.


"Nadine, this is your tito Geo. Boyfriend ko siya," pagpapakilala niya sa kanyang nobyo na ngayon ko lang nakita sa personal. He was smiling at me, and I did the same out of respect. Mukhang ilang taon din ang tanda niya kay tita. Nagmano ako sa kanya bago bumaling sa dalagang nasa kanyang tabi. "Heto naman si Valerie, anak siya ng tito Geo mo."


I can see Valerie's features similar to her father's. Katulad ng kanyang ama, mabilis mong mababasahan ng emosyon ang kanyang mga mata. She have this distinct eye shape that makes her appear attractive. She has high nose bridge and her lips are pinkish plump. Kung ikukumpara sa buhok ko, ang buhok niya ay medyo kulot. Bumagay iyon sa hugis ng kanyang mukha. 


We ate at a Parisian resto before proceeding to tita Carmela's residence. She gave us a brief tour of her house before I finally decided to rest. Nag-uusap pa sina tita Carmela, tito Geo at ang mga magulang ko nung nagpaalam ako sa kanila para magpahinga.  


Tulad ng bahay namin, may ikalawang palapag ang pamamahay ni tita Carmela kung saan naroroon ang mga kwarto. Nasa dulo ng second floor ang kwarto ko at nagdire-diretso lang ako hanggang sa mahawakan ko ang doorknob ng pinto. 


"Nadine!" Napalingon ako sa tumawag. Nakita ko si Valerie na may dalang puting bath towel sa braso. 


Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang makalapit habang unti-unti kong pinipihit ang doorknob. 


"I have spare towel for you. Here."


Ngumiti ako at tinanggap ito. "Thank you, Valerie."

Beating HeartWhere stories live. Discover now