Chapter 2

160 7 1
                                    

~ 2 ~

Halos hindi parin ako makagalaw dahil sa pwesto namin ngayon. Ano ba kasi ang ginawa ko at puro katangahan ang nangyayare sa akin? Napakalapit parin ng mukha niya at ako naman ay napakipit parin.

Napakalakas ng pintig ng puso ko at feeling ko ay kahit anong oras ay mawawala na ito ng lakas pang mabuhay. Wala ni-isa sa amin ang nagsasalita. Hindi ko alam kung nakatitig ba siya sa akin dahil nga sa nakapikit pa rin ako.

Napamulat ako ng marinig ko siyang bumuntong-hininga. Kitang-kita ko kung gaano kalapit ang mukha niya sa mukha ko. Seryoso ang kanyang mukha at diretso lang ang titig nito sa mga mata ko. Mabuti nalang at hindi ako pango dahil kung ganon ay baka sobrang lapit na talaga ng mukha namin sa isa't- isa.

"Eyebags mo on fleek. Kababasa ng wattpad yan noh?" halos malaglag ang panga ko ng sabihin niya 'yun. Tumawa siya ng mahina at agad akong inalalayang makatayo ng maayos.

Kingina! Akala ko 'yun na 'yun e! Akala ko hahalikan niya na ako! Pero akala lang pala. Awts. Tumikhim ako at inayos ang medjong nagulong buhok ko. Siguro pulang-pula na ngayon ang mataba kong pisngi.

Napagpasyahan kong ayosin na lamang ang lamesa para naman kapag tapos niya ng initin ang adobong 'yun ay makakain na agad kami dahil sobrang kumakalam na ang sikmura ko. Naupo na rin ako at hindi na siya nagawa pang hintayin. Sobrang pagod at sakit ng katawan ang nararamdaman ko ngayon, idagdag pa ang gutom.

Habang kumakain ay wala ni-isa sa amin ang nagsasalita. Magkaharap pa naman kami kaya hindi ako makakain ng maayos dahil pasulyap-sulyap siya sa akin.

"Do you like me because you're a fan or as a girl?" halos maibuga ko ang kinakain ko ng marinig 'yun. Nasamid pa ako at paubo-ubo ako ngayon. Lintik! ang sakit sa lalamunan at nagluluha na rin ang mga mata ko.

Inabotan niya ako ng isang basong tubig at agad ko naman itong nilagok. Nang maramdaman ko na medjo guminhawa na ang pakiramdam ko ay dali-dali ko siyang tinignan sa mga mata. Nagpipigil siya ng tawa niya habang nakatingin lang sa kanyang plato.

"A-ano bang klaseng tanong 'yan?" natatawa kong sambit. Pinipilit kong matawa dahil hindi ko na talaga kaya ang nararamdaman ko. Dahan-dahan niya akong tiningnan. Nawala na rin ang ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng seryosong aura.

"Sagutin mo nalang. Do you like me because you're my fan or do you like--"

"I like you. Not because I'm your fan but because I'm a girl. I like you not because you're amazing and you're my idol. But because I like you as a person, as a guy. I know mahirap paniwalaan pero totoo, maski ako ay hindi ko rin namalayan ang sarili kong unti-unti na palang nahuhulog sayo. That's why I did everything just to see you. Just for you to notice me in that ocean like crowd." seryoso kong sambit habang nakatitig lang sa mga mata niyang kumikinang-kinang na naman.

Wala siyang nasabi. It's as if he was lost at words. Nakatitig lang siya sakin at halatang wala ng masabi kaya ngumiti na lamang ako.

"Now you know. Sana sapat na 'yun." giit ko bago muling kumain. Pagkatapos ng maikling usapan na yun ay hindi na siya muling umimik hanggang sa matapos kaming kumain. Ako na nga mismo ang naghugas ng plato at siya naman ay naligo na muna.

Napapaisip tuloy ako kung may nasabi ba akong mali. Hindi ako mapakali habang hinuhugasan 'tong pinagkainan namin. Ako na lamang ang natira dito sa baba dahil sa taas pa ang kanyang kwarto at doon na din siya naligo. Dalawa raw kasi ang banyo nila.

"Aray!" napahiyaw ako ng may maramdaman akong tumama sa ulo ko. Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko ang isang babae na may hawak na walis tambo. Nakapangtulog na ito at mukhang kakagising lang. Halos maiyak na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa ulo ko dahil medjo malakas ang pagkakapalo niya dito.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now