Chapter 3

146 6 1
                                    

~ 3 ~

"Saan mo gustong pumasyal, Kib?" I looked at him. Hindi siya nakatingin sa akin dahil diretso lang ang tingin niya sa kanyang cellphone. Rinig na rinig ko  rin ang tunog ng notification niya galing sa twitter. He must be busy.

"Hmmm, wala akong maisip e. Ikaw saan mo ba gusto?" he said without even looking at me. Nahiga na lamang ulit ako sa aking kama dahil mukhang hindi niya ako ma-e-intertain.

"I told you, I'm going to give you a tour. Pero first place na pupuntahan natin is 'yung gusto mong puntahan." Sambit ko. I'm just staring at my ceiling. Waiting for his response.

It's odd how things turned to be what it is right now. Him here in my house. In my room. With me. Nung una hindi ko inaakalang possibly palang mangyari ito. I am thankful to god that he granted my wish. I'm more than happy right now.

"I'm already where I wanted to be, Y/N." finally, he stood up from the ground and sat on the edge of my bed. Sa lapag kasi siya matutulog kasi hindi naman kami pupwede magtabi kahit na gustuhin ko. Invading of personal space 'yun para sa kanya besides we're only friends.

"Saan naman 'yun?" tanong ko. Nakatulala pa rin ako sa kisame habang siya ay nakatingin na sa akin. I'm feeling strange right now. And I can't explain it.

"Here." tipid ngunit makabuluhan niyang sambit. I know I'm overreacting inside pero hindi maman talaga kapani-paniwala.

"Why would you want to be here? It's not like you've been here before and besides this house is not your happy place." wala sa sarili kong sambit. Ewan ko ba, parang may mali akong nararamdaman. And I hate this kind of feeling. The feeling of getting hurt by words and actions.

Ayokong malaman na napipilitan lang siya sa ginagawa niya. Ayoko. Kung ginagawa niya lang 'to kasi dahil dun sa nangyari sa event at kung iniisip niya na his at fault to what happened to me? Hindi ko kaya. Hindi ko matatanggap. Mas matatanggap ko pa nga ata na hindi niya ako pansinin e, pero 'yung mapilitan siya sa ginagawa niya at ang makaramdam ng awa sakin? it's a big no no.

"I just want to be here. Lagi nalang akong nasa bahay. Kung walang mag-aayang gumala, hindi naman ako lalabas. And I like your family." he said. Hindi na siya nakatingin sa akin kundi sa sahig na. Parang bigla siyang nalungkot at hindi ko maipaliwanag ang iniisip niya.

"Alright then. E-t-tour nalang kita bukas. Sana ay mag-enjoy ka. Sige na matutulog na ako." sambit ko at tsaka nagtalukbong ng kumot dahil nilalamig na rin ako. Nakafull ata 'yung aircon.

*

Nagising ako ng maaga para lang makapaghanda sa pagtour namin ni Kib. Hindi ko na muna siyang ginising dahil ang sarap-sarap pa ng tulog niya. Gusto ko sana siyang ilipat sa kama ko kaso ang bigat niya at hindi ko siya mabuhat.

Nang marating ko ang kusina ay nandon na kaagad si mama. Nagluluto na siya ng agahan. It's just 6 o'clock in the morning but she's already up and almost done with her work here in the house. Malinis na rin ang buong bahay. Mukhang maaga nga talaga siyang nagising para lang maglinis at maghanda.

"Ma, bakit ang aga mong nagising? plinano mo ba talaga 'to?" tanong ko habang kumukuha ng tasa.

"Yes anak bakit? masama bang linisin ko ang bahay natin?" pagtatanong niya din sa akin. Busy siya sa pagluluto ng kung ano kaya kahit isang tapon lang ng tingin ay hindi niya magawa.

"Hindi naman Ma. It's just that hindi mo naman kadalasan ginagawa 'to. Infact ako pa nga ang pinaglilinis mo e." natatawa kong sambit dahilan para mapatingin siya sa akin. Agad naman akong napa-peace sign ng samaan niya ako ng tingin.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now