Chapter 15

48 2 0
                                    

Y/N's POV

"Hon, anong nangyari?!" nagmamadali at nag-aalalang tanong ni Papa kay Mama. Halos lahat silang nasa salas kanina ay napatakbo na dito sa kusina ng marinig ang pagkabasag ng mug at ang nag-aalalang sigaw ni Mama.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at kasabay nito ang dahan-dahan kong pagtayo. Kunot-noong nakatingin si Papa habang nag-aalala namang nakatingin sa akin sila Tita. Wala rito sa kusina si Jhonas dahil naiwan siyang mag-isa sa sala. Alam ko namang walang pake-alam ang isang 'yun.

"Anak? Bakit? May nararamdaman ka bang masakit? Ha? Sabihin mo at pupunta tayo ng ospital." sunod-sunod na tanong ni Papa at bahagya pang inilapat sa noo ko ang likuran ng palad niya. Oo pa.. Itong puso ko, oh. Kumikirot na.

Wala akong masabi dahil baka kapag ibinuka ko ang mga bibig ko ay magkamali ako. Natatakot ako sa malalaman ko kapag i-no-pen up ko sa kanya ang bagay na sinabi ni Mama.

"Anak, magsalita ka." nag-aalala niyang giit. Naramdaman ko ang paghawak ni Mama sa magkabilaang balikat ko.

"Hon, Sinabi ko na sa kanya pero hindi ko pa man nasasabi ang kabuoan ay nakuha na niya kaagad." giit ni Mama na nasa likuran ko. Walang humpay sa pagtulo ang mga luha ko habang seryosong nakatingin sa mga maa ni Papa.

"Pa!" wala sa sarili kong sigaw sa kanya na ikinagulat nilang lahat. Pati s Jhonas na abala sa pagbabasa ng magazine ay napatingin sa amin.

"Wag mong gagawin sa akin 'to! Kung gusto mo pa akong mabuhay ng matagal sa mundong 'to!" humahagulgol long sigaw at tsaka pumihit ng takbo pabalik sa kwarto ko.

Agad kong i-ni-lock 'yung pinto ko at tsaka padausdos na napaupo sa tapat ng pintuan. Ano bang sumaginsa utak niya?! Bakit niya naisipan ang bagay na iyon?! Alam niya namang may mahal akong iba at alam niya namang hindi ako mabubuhay ng wala siya! Pumayag na nga akong pumunta sito sa US! Pero ang ipagkasundo niya kay Jhonas?! Ugh!!! Can this life get any worse?!

Nagtalo-talo ang magugulong katanungan sa isipan ko. Wala akong makitang dahilan para gawin ni Papa 'to. He said he likes kib for me. He said that he's willing to support our relationship. Pero ano ngayon?! Naisipan niyang ipakasal ako sa anak ng tito ko na hindi ko naman close?! lalo na ang anak nila! Oo, naging magbff kami ni Jhonas pero wala kong maramdaman sa kanya!

Ilang segundo pa yata ang itinagal ko sa sahig. Nang maramdaman ko kasi ang bigat ng dibdib ko at ang pagod na namumuo sa katawan ko ay agad akong tumayo at uminom ng gamot. Na-e-stress ako. Nalulungkot at naiinis. Kailangan kong kausapin si Kib.

Kinuha ko ang laptop ko at agad na nagbukas ng facebook, skype, twitter at kung anong social medias na meron kaming dalawa. Inuna ko 'yung facebook at agad na nagtipa ng sasabihin ko sa kanya ngunit natigil ako sa pagt-type ng may mahagip ang mata ko sa newsfeed ko.

Nicole Velasco posted to Knightinblack Babies. (2m ago)

Kyahhhh~ Kinikilig ako kay Kuya kib at Ate AA! Ang sweet nila sa twitter! Aykennat! My ship is sailing! #Raverymakeithappen

Kaagad na bumagsak ang balikat ko
at hindi ko maialis ang paningin ko sa post na iyon. Wala akong naramdaman. Kusang gumalaw ang mga kamay ko at agad na isinara ang laptop at itinapon ito sa higaan ko. Nahiga ako dahil parang tuluyan kong maramdaman ang pagod at sakit ng buong sistema ko. Ipinikit ko ang ma mata ko at tahimik na umiyak.

Kib's POV

Maghapon akong naging busy kakagawa ng research papers at nakakabadtrip pa dahil sumabay pa ang ojt at thesis namin. Nagpaalam naman ako kay Y/N pero hanggang ngayon ay wala parin siyang reply. Kanina ng magkaron ako ng free time dahil nag lunch break ay umasa akong makakavideo call ko siya pero hindi maman siya nag-online kaya nagtwitter nalang ako.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now