Chapter 18

42 1 0
                                    

"I'm sorry." muli kong giit. Inalis niya ako sa pagkakayakap sa kanya at hinawakan ang mga pisngi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata kong namumugto na.

"You don't have to. I'm sorry kung kailangan mong sarilinin ang problemang ito." giit niya. Pinunasan niya ang mga luha kong bunga ng sakit dito sa dibdib ko.

"Ang boses mo ang nagpapalakas sa katawan ko. Ang mga yakap mo ang dahilan kung bakit patuloy akong nabubuhay sa mundong ito. Kaya kung mawawala ka ay hindi ko makakaya kaya natakot akong sabihin sayo. Natakot akong baka magalit ka at isuko mo ako." pagpapaliwanag ko. It hurts saying those last words. Bakit ba kasi kailangan pang mangyari ito? Kung kailan naman nagmamahalan na kami ng totoo.

"Hinding-hindi mangyayari ang iniisip mo. Ipaglalaban kita sa kahit na sino pang tao. Sa kahit ano pang problema. Hinding-hindi ako bibitaw kasi mahal na mahal kita." he kissed me at habang sinusuklian ko ang mga halik na iyon ay patuloy na bumubuhos ang mga luha ko.

After we talked, we ended up leaving the house again. Tulog na si Papa kaya naman kumatok ako sa kwarto nila at naabutang gising pa si Mama. I told her na kailangan kong magpahangin at mag-isip kaya ilalabas muna ako ni kib. She said yes pero pinag-iingat parin kami.

"Ano, pumayag ba?" tanong sa akin ni Kib habang nakasandal sa kotse ni papa. I nodded at tsaka ngumiti ng tipid. Naglakad ako papuntang passengers seat at sumunod naman siya't binuksan ang pinto para makasakay ako.

Napangiti ako ng hawakan niya ang braso ko't kasabay 'non ang pag-ayos niya sa jacket na suot ko. "Wag kang manlalamig ah? I'll always keep you warm." giit niya na nagpatigil sa pagtibok ng puso ko. It somehow means something even more than what he said.

He kissed me on the forehead at tsaka na ako tuluyang pumasok. Nagdrive kami around town at kitang-kita ko kung gaano kaganda ang city of chicago. Ngayon ko lang naappreciate ang ganda nito ngayong gabi dahil bihira lang naman ako palabasin ni Papa. Pakiramdam ko nga ay bumalik ako sa pagiging bata dahil palaging nakalock sa bahay.

"Kamusta na ang pakiramdam mo? may sumasakit pa ba sayo?" tanong sa akin ni kib habang diretsong nakatingin sa kalsada.

"Okay naman ako, Love. Uhm I can't really tell kung may masakit ba." sagot ko na lamang dahil pinapakiramdam ko ang sarili ko. Totoo ngang hindi ko masabi kong may masakit ba sa katawan ko maliban sa puso ko. Parang mas nangingibabaw ang sakit dito kaya siguro natatabunan ang physical na sakit. Nagpapasalamat nga ako sa diyos dahil hindi na ako minsan nilalabasan ng sobrang daming pasa. Paisa-isa nalang o minsan tatlo, dalawa. I really want to over come this illness.

"How come?" naguguluhan niyang tanong sa akin at napasulyap pa ng saglit at tsaka muling ibinalik sa daan ang tingin.

"I can't explain but I'm really thankful." ngumiti ako sa kanya kahit pa hindi siya nakatingin sa akin. Mas lalo akong lumapit sa kanya na busy sa pagd-drive at tsaka ipinatong ang ulo oo sa balikat niya at niyakap siya.

"Saan ba ang punta natin? I didn't know na kabisado mo pala ang Chicago." natatawa kong asar sa kanya.

"Syempre ako pa ba? Nandiyan si Google, e." biro niya rin kaya naman sabay kaming natawa sa kacornihan niya.

Nagulat ako ng bigla niyang iliko ang kotse papunta sa isang bangin. Sisigaw na sana ako ng bigla niyang ihinto.

"Ano ka ba? Hahaha!" tawa niya sa akin dahil nakapikit na ako ngayon habang nakayakap sa kanya ng mahigpit.

"Letche ka! Akala ko itatalon mo 'tong kotse sa bangin, e. Huhuhu!" kunwaring naiiyak ko. Sobrang kaba ang naramdaman ko ah. Kainis talaga 'tong lalaking 'to!

"Tara na." yaya niya sa akin at nauna ng bumaba. Gaya kanina ay pinagbuksan niya ulit ako ng pinto. Hawak kamay kaming naglakad papalapit sa isang bench malapit sa dulo ng cliff. May harang din naman ang cliff na ito at may mga nakaikot na fairy lights na ngayon ko lang din napansin.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now