Chapter 14

44 2 0
                                    

Y/N's POV

Buong byahe akong nakatingin sa bintana ng eroplano. Hindi rin ako kumain dahil wala akong lakas para ibuka ang mga bibig ko. Tinanggihan ko lahat. Pati ang pag-inom ko ng gamot ay tinanggihan ko rin. I just want to punish myself for leaving hin there, alone.

"Anak, pakiusap kahit kaonti ay kumain ka. Kailangan mong uminom ng gamot." pilit muli sa akin ni mama. Kasalukuyan na kaming bumabyahe papunta sa bahay na nabili ni papa dito sa Chicago, USA sakay ang kulay red niyang Van. Sinundo kami ng kaibigan niyang nakasama niya sa paglipat rito sa US.

"Sa bahay na po, Ma." matamlay kong giit at pumikit na lamang. Ilang oras ang lumipas at hindi ko manlang namalayan ang paghinto ng kotse, hudyat na nandito na kami.

Sumikip ang dibdib ko nang maalala ko 'nong una akong napunta sa bahay nila Kib at kinailangan ko ng umuwi kinabukasan after 'nong summer fiesta kaya inihatid niya ako at nagtagal din siya sa bahay. Ayaw niya pang bumaba noon kahit na nasa cubao na kami kasi masyado raw masarap ang tulog niya sa tabi ko. Tinawanan ko nga lang siya noon e at akala ko'y iniwan niya na ako sa kainan ng Mang Inasal.

Alam kong matagal-tagal pa bago ko muling makakasama ang taong 'yun. Hindi ko parin alam ang dahilan niya para hindi siya pumunta sa airport. Hindi kaya nagtampo siya? O hindi naman kaya nagpakamatay na kasi ayaw niya akong umalis?!

Shocks! Y/N naman e! Wag kang mag-isip ng ganyan please!

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil pakiramdam ko ay nagkakabuhol-buhol na ang mga iniisip ko sa isipan ko dahil sa sobrang dami!

"Anak, tara na. Kanina pa tayo nandito. Wala ka bang balak na bumaba?" napamulat ako ng marinig kong muli ang boses ni Mama. Nasa labas na siya ng kotse. Wala na rin sila Papa at mukhang naibaba na lahat ng bagahe namin. Masyado ata akong nag-isip, Hayst!

Hindi na ako sumagot pa sa kanya, dahan-dahan akong bumaba sa kotse dala-dala ang bagpack ni Kib na kulay blue at neon green ang kulay ng zipper. Ito ang gamit niyang bag 'nong una kaming magkita.

Parang muling sumikip ang dibdib ko. Niyakap ko ang bag niya at naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha sa mga mata ko. Agad ko sanang pupunasan kaso napansin na ata ni Mama dahil ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko at hinarap ako.

"I'm sorry anak dahil kailangan mong malayo sa kanya. Alam kong napakahirap nito para sa inyong dalawa. At alam ko ring napakatagal ng panahon ang hinintay mo makasama lang siya." giit ni Mama at halata sa mga mata niya ang lungkot. Magsasalita na sana ako ng muli siyang magsalita.

"Pero anak, isipin mo nalang na, kaya mo ginagawa ito, Kaya mo kailangang malayo sa kanya dahil kailangan mong magpagaling para maging handa kang muli sa muli niyong pagkikita. Para pagdating ng araw na iyon ay malakas at puno ng pagmamahal mo siyang haharapin." nakangiting giit ni Mama. Hindi ko naman na mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

Tama siya. Nangyari 'to dahil may dahilan. At ang dahilang iyon ay para pagnagkita ulit kami ay hindi na niya kailangan pang mag-alala sa kalagayan ko. At hindi na niya ako kailangan pang alagaan dahil ako na mismo ang mag-aalaga sa kanya. Kaya kailangan kong magpagaling. Kahit na alam kong sinabi ng doctor na wala ng pag-asang gumaling pa ako ay hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. Dahil naniniwala akong... Nasa diyos ang awa at nasa tao ang gawa.

"Tama ka, Ma." naisambit ko na lamang habang may ngiti sa aking mga labi na sumisimbolo na punong-puno ako ng pag-asa.

Pagkatapos ng usapan namin ni Mama sa labas ng bahay ay agad naman na kaming pumasok para saluhan sila papa sa pagkain. Nakahanda na rin naman kasi sila Tito ng hapunan. Malapit ng magtakip-silim at napakaganda ng american sky. Kulay pink na may halong violet at blue ang kalangitan.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now