Chapter 7

60 4 1
                                    

~7~

KINABUKASAN ay maaga akong umalis ng bahay. Hindi ako nahirapang sumakay ng bus papuntang pampanga. First time kong bumeyahe papuntang pampanga na walang kasamang iba kundi ako lamang. I'm excited to see him again...

Mga ilang oras din ang beyahe at nakakapagod. Kahit na nakaupo lang ako dito ay feeling ko bugbog ang katawan ko. Masyadong maalog ang bus na'to nakakainis! Hindi naman dapat ganito 'to kasi aircon naman! Hayst.. Pero okay lang para naman kay Kib to e.

Ilang oras pa ang itinagal ko sa loob ng bus na 'yun at ng makababa ako sa terminal ay agad akong nagtipa ng i-te-txt para sabihing nandito na ako sa terminal.

To: Darling R****** ❤️

Woi nandito nako sa terminal. San ka na????

Luminga-linga ako habang nakaupo sa mga waiting area dito sa terminal. Madami-dami naman ang tao. May mga taong papasakay palang ng bus at 'yung mga kararating lang din. Maiingay din sila tulad na lamang ng mga naglalako ng kung ano-ano dito. Napakabusy nila.

Bigla akong nabalik sa realidad ng magring ang cellphone ko— Si Kib.

"Hello? San ka na?"

"Tch, excited ka bang makita ako??"

"Hindi, nilalamok nako dito e!" biro ko at pabiro ding umirap.

"Wag ka ngang umirap, Tch!" natatawa niyang sambit. Agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya at tsaka luminga-linga ulit.

"Nandito ako..." narinig kong sambit niya at rinig ko rin ang boses niya but this time it's not coming from the phone anymore. Nakita ko siyang nakapamulsa sa harap ko hindi kalayuan. Kumakaway siya sakin habang nakangiti???

"Bakit ka nakangiti ng ganyan?" nagtataka kong tanong. Nagsimula siyang maglakad papalapit, at habang papalapit siya ng papalapit ang puso ko ay hindi naman mapakali. Ang lakas ng tibok nito at para akong matutumba dahil sa titig niya.

"I missed you." nakangiti niya paring sambit at ibinaba na ang tawag. Nanlaki naman ang mga mata ko ng hilain niya ang bewang ko at tsaka ako niyakap. As in niyakap niya ako ng super higpit! At syempre ako din! Niyakap ko din siya ng sobrang higpit at nilanghap ang pabango niya. Napakalaki ng mga ngiti ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil sa sobrang saya.

"Mas miss kita." bulong ko habang hindi parin inaalis ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa kanya. Napangiti ako lalo ng marinig ko ang mahina niyang tawa. Wtf? kinikilig ba siya?????

Dahan-dahan kami kumalas sa yakap at sinalubong ang isa't-isa ng nakangiti. Napakalaki ng ngiti niya at ganon din ang sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nangyayari. Para kaming nasa isang teleserye at kami ang mga main characters. Ang mundo ay parang huminto habang nakatitig ako sa kanyang mga mata. Parang tumigil ang mga taong sobrang busy kanina. I'm drowning in those eyes... over and over again.

"Ano magtititigan nalang ba kayo jan?" napalingon ako sa kanan ko ng marinig ko ang boses ng isang lalaki??

"R****** pare, tara na nagugutom nako e. Gusto ko na matikman 'yung luto ni tita!" maarte niyang sambit at bago tuluyang maglakad papalayo ay tumingin siya sakin at kinindatan ako! Napansin ko namang nakita 'yun ni Kib kaya naman ay hinampas niya 'to sa ulo! at tsaka kumaripas ng takbo.

"Weird guy." naiusal ko na lamang. Napatingin sakin si kib ng nakataas ang isang kilay. "Bakit naman?"

"Mas maarte pa sakin e, HAHAHAHA!" sagot ko at natawa naman din siya. Binuhat niya ang mga dala-dala ko except sa dala kong bag na nakasukbit sa likod ko. May mga pasalubong kasi akong dinala para kay tita. I don't wanna come here empty handed. Nakakahiya.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now