Chapter 8

56 3 1
                                    

(Ps: Again, hindi po ako si kuya kibby para malaman kung anong klaseng personality ang meron siya, and nirerespeto ko naman 'yun. Ang ginagawa ko pong pov niya dito is only fictional. At 'yung mga mababanggit na pangalan dito ng mga kaibigan ni kib is pure fictional. Hindi ko talaga alam kung ano mga names nila so gawa-gawa ko nalang. Thank you. )

~8~

Kib's POV

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang sinagot niya na ako. Ilang araw na ang nakakalipas ng sabihin niya sa harap ko ang "Oo" niya. Gustong-gusto kong gumawa ng isang bagay na ikakasaya niya pero parang isang galaw niya lang ay napapasaya at napapamangha niya na ako dahilan para hindi ako makagalaw.

She's taking my breathe away with every move she takes. It's amazing how we became lovers. Hindi ko iniexpect na maiinlove ako sa kanya. Hindi ko nga siya kilala 'nung una ko siyang makita but something in her eyes tells me that it's okay to fall in love with a stranger. That it's somehow amazing and unique.  Napabuntong-hininga ako habang tinitignan siyang makipaglaro sa mga kaibigan ko. Ang laki ng ngiti niya and I know that's because of me. Sana nandito nalang siya lagi. Sana wag na siyang umalis pa sa tabi ko.

"Woi! Ang daya mo! Ako na titira eh!" sigaw niya habang nakapout. Naglalaro kasi sila ng jackstones at sa tingin ko ay kanina pa siya dinadaya ng mga kaibigan ko. Samantala kasi hindi marunong maglaro. Natatawa akong lumapit sa kanila at isa-isang tinignan ng masama ang mga kaibigan kong tumatawa.

"Kayo?!" toro ko sa kanila habang salubong ang kilay pero sa totoo lang ay natatawa talaga ako dahil sa naging reaksyon ni Y/N. "Kung isa-isa ko kaya kayong ihulog sa tulay?! dinadaya niyo darling ko!" sigaw ko pero natawa lang sila sakin lalo na si Y/N. Bakit may mali ba sa sinabi ko?

"Ang oa ng boyfriend mo Y/N ah. Sarap bigwasan hehehe."  at nagtawanan sila.

"Grabe kayo sakin, nagbibiro lang eh." kunwaring malungkot kong sambit habang nakapout pa. Niyakap naman ako ni Y/N habang tumatawa.

"Cute mo." naisambit ko na lamang habang niyayakap din siya.

Lumipas ang oras na punong-puno ng tawanan at kulitan. Nag-e-enjoy sila mama at yung mga kaibigan ko na makasama si Y/N. At syempre ako din. Para ko na ngang asawa 'tong si Y/N e, dahil sobrang close niya na agad sa pamilya at mga kaibigan ko. Nasa loob si Y/N ng kwarto ko habang ako ay nandito sa labas nagpapahangin. Aalis sila mama ngayong gabi at tanging kami lang ni Y/N ang maiiwan dito sa bahay. May emergency kasi e.

Y/N's POV

Nagtataka ako sa sinabi ni Tita at Tito kanina. Aalis daw sila kasi may emergency pero hindi naman nila sinabi sakin kung ano 'yung emergency na iyon. Pinagbihis pa nila ako e wala naman akong kinalaman sa emergency nila. Pero maganda 'yung dress na binigay ni Tita ah. Isang simpleng kulay puting dress na below the knee at may mga nakaburdang design. Off-shoulder siya tapos mag ribbon sa likod. Simple but beautiful. Parang ako daw kaya 'yun daw ang gusto nilang isuot ko ngayong gabi. Nakakapagtaka talaga pero hayaan ko nalang.

Nang matapos akong mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako pero laking gulat ko ng walang tao kahit si Kib ay wala dito. Akala ko ba ay sila Tita lang ang aalis? San naman kaya 'yung isang 'yun? Nagtuloy-tuloy pa ako hanggang sa makarating ako sa kusina. Sumilip ako sa bintana at gulat din ang sumalubong sakin. Patay lahat ng ilaw sa labas. Kinikilabutan na ako ah!

"Kib? Asan ka?" nakapout kong sambit habang binubuksan ang pinto palabas. Agad na sumalubong sa akin ang lamig ng simoy ng hangin. Madilim na dahil gabi na nga at tanging ang buwan at mga tala lang ang nagbibigay ng liwanag pero hindi ito sapat para makita ko ang kabuoan ng lugar.

Eyes Nose Lips (Knightinblack Fanfiction)Where stories live. Discover now