Chapter 3: Rules

26 0 0
                                    

Ana's POV


"Dalawa lang naman ang rules ko eh.Una umakto ka lang na para talagang isang dalaga. Ayokong maging katawa-tawa sa iba" Mukha naman akong dalaga ah....Duhh...


"Bat hindi ba ako mukhang dalaga?Tsk!" Sa ganda kong to.

"HINDI.... Kailangan mong maayusan. Pero bago yan. PANGALAWA... Kailangan hindi mahalata o malaman nila Mom na Fake Girlfriend lang kita.... sa madaling salita galingan mo ang pag-arte!" Di ako na-inform ni God, plano niya palang gawin akong Artista.

"OKAY. OKAY....PWEDE BA AKO NAMAN MAGBIGAY NG RULES?" may karapatan naman siguro ako nuhh!

"Go. Yung madali lang ah!" Tengene naman neto. Wala pa nga eh.

"Rule number 1. May limitasyon ang lahat. NO AKBAY. NO HUG. NO HOLDING HANDS...at higit sa lahat NO KISS" aniya ko.


"Paano naman yon? Edi nahalata nilang hindi tayo. Paano natin mapapakita sakanila na tayo nga kung walang ganon!" Oo nga noh...minsan talaga antanga ko.


"Okay. Okay. Edi kapag sa harap lang ng magulang mo at sa harap ng mga estudyante dito sa Campus! Kapag tayong dalawa lang subukan mong maka-dikit sakin..Babae ako oo pero nananapak ako." Hayst! No choice.

"Perooo. No Kiss. Pwedeng akbay at holding hands.!" Pumayag naman siya at inabot ang kanang kamay sa akin.



"Deal?" Aniya niya.

"Deal!" Inabot ko din naman ang kaliwang kamay ko sakanya.

"Okay bukas tayo mag-iistart! Wag muna tayong mag-klase buong araw!" Ha? Pero paanong.....

"No ayoko! Bawal ako umabsent. Remember Scholar lang ako. Bawal akong mahuli sa mga lessons.!" Ngumisi naman siya na parang balewala lang sakanya ang sinabi ko....

"Don't worry starting tomorrow hindi kana Scholar....Ako na magbabayad ng Tuition Fee mo." What? Magkaka-utang pa ako sa lalaking to....

"Hindi mo na kailangan habulin ang mga lessons at projects! Focus ka nalang sa pinapagawa ko....Atska ngayon may pupuntahan tayo....Inexcuse na kita sa mga Teachers natin." Natin? So ka-blockmate ko siya?.


"Kailan pa kita naging ka-blockmate!" Aniya ko.

"Nagpalipat ako dito sa Section na to. Ka-blockmate ko kasi si Vanes sa dati kong Section.!" Hmmm! So ayaw niya talaga dun sa Vanes...

"Wag ng madaming tanong....Tara na!" Hinatak niya ang kamay ko palabas ng room....Pagbukas ng pinto nasa labas lahat ng kaklase ko. Nanlaki ang mga mata nila ng makita nila kaming dalawa ni Joaquin na magka-holding hands...Azzarr, ang higpit ng hawak niya sa kamay ko kaya di ko makalas...Nahihiya tuloy ako. Dumere-deretso lang kami ni Joaquin hanggang sa makarating sa Parking Lot....Yes may Parking Lot ang School na to...Bongga diba....Puro mayayaman kasi ang nag-aaral dito as if naman halos lahat sila may kotse di kagaya ko na naka-Electric Bike lang.


Nang makarating kami sa tapat ng kotse ni Joaquin, binuksan niya agad ang pinto at tinulak agad ako sa loob....Nakakainis....Napaka-GentleDog niya....


__________________

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now