Chapter 5: Transformation

15 2 0
                                    

Joaquin's POV





Pabalik na ako sa Fashion House. Kakaboring sa birthday ni Miko. Ano ba yon bata, nagpapa-party pa.

"Hey! Wendy, where's Anastasia?" Bungad ko kay Wendy.

"Grabe ka naman. Nakakagulat ka!" Aniya nito.

"Pasensya na" aaminin ko, excited akong makita ang babaeng yon. Sana naman mag mukhang tao na sya.

"Oh! Andyan na pala siya eh... Mr. Joaquin, meet Ms. Anastasia Ibarra"

_____________

Ana's POV

This is not your ordinary 🎶
No ordinary love 🎶
I was not prepared enough 🎶
To fall so deep in love 🎶
This is not your ordinary 🎶
No ordinary love 🎶
You were the first to touch my heart 🎶
And everything right again with your extraordinary love 🎶

Pakiramdam ko nagiging mabagal ang pagtakbo ng oras sa paligid ko. I feel young, i feel better.

Si Joaquin, nakatingin sakin, habang naglalakad ako papalapit sakanya. Nahihiya ako.

"Arayy!" Aww! Ang sakitt! Bwisit natapilok pa ako. Moment ko na to eh.

"Anong masasabe mo Waki?!" Tinignan ako ni Joaquin, mula ulo hanggang paa. Kung tignan nya ako parang wala akong damit.

"Pwede na" ano? Pwede na? Yun lang, pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko sa bahay na to.

"Yun lang? Describe mo naman sya waki!" Aniya ni Wendy.

"Maganda sya, kaso tanga!" Ano daw? Bastos to ah.

"ANONG SINABE MO?!"

"Di ka lang pala tanga, bingi ka pa!" Bubulong pa eh.

"Bakit di mo ilakas yang sinasabe mo nang tumama tong kamao ko dyan sa mala-drum mong pagmumukha!" Umuusok na naman ako.

"Teka! Tama na yan!" Aniya ni Wendy.

"Sige na pinsan, Una na kami!" Pagpapaalam nito kay Wendy.

"Sige, ingatan mo si Ana ah" aniya ni Wendy na tila nang-aasar. Lumapit ito kay Joaquin at tila bubulong.

________________

Joaquin's POV

"Bagay kayo!" Bulong ni Wendy. Ano bang sinasabe ng babaeng to.

"Di nakakatawa pinsan!" Hindi ko papatulan ang babaeng to noh.

"Ah! Sige na Ate Wendy, una na po kami!" Wow! Close na sila, di ako nainform.

"Sige, bye!" Umalis na kami sa Fashion House. Papasukan pa namin ni Anastasia ang huling 2 subjects. Since magka-blockmate na kami, isasabay ko na to, para wala ng masabe, reklamador pa naman masyado to.

"Anong tinitingin mo?!"

"Masama na bang tumingin ah!" Aniya ko. I admit maganda sya. Konti lang.

"Tss! Alam kong magandang nilalang ako, di mo na kailangan ipamukha saken!"

"Kapal!" Natawa pa talaga sya sa sinabi nya ah. Di ba sya kinikilabutan.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now