Chapter 7: Signs

18 2 0
                                    

Ana's POV





"Bes totoo ba ah? sabihin mo! Totoo bang boyfriend mo si Mr.Francia?" Ito talagang si Kate, kahit kailan hindi mahuhuli sa balita. Daig pa news anchor eh.

"Teka! Bes kalma lang maganda tayo. Oo. Oo boyfriend ko sya, pero may dahilan ang lahat, sasabihin ko sayo ang lahat kapag okay na"

"Paano nangyari yon?" Ang hirap naman ipaliwanag. Naiipit ako.

"Ganito kase, pero bago yon, mag-promise ka muna saken na, Hindi mo ipagsasabi kahit kanino, quiet ka lang ah, PROMISE?" Kahit paano naman ay mapagkakatiwalaan ko tong bestfriend ko.

"OO, PROMISE, PROMISE!"

"Nakipag-kasundo ako!"

"Saan sa demonyo?!" kita moto. Wala pa nga bumibirit na.

"Hindi. Sandali lang. Wala pa eh. Di pa ko tapos!"

"Ahh! Sorry! Sige tuloy mo bes!"

"Nakipag-deal saken si Joaquin na maging Fake Girlfriend nya, kasi ayaw nyang pakasalan si Vanes!"

"Vanes? Vanes Kirsten De Torre? Yung Team Captain ng Volleyball? Bat sya magpapakasal don?!"

"Yun na nga eh! Ayaw nyang pakasalan si Vanes kaya nakipag-deal sya sakanya, Itong sem lang ang tatapusin at pa-planuhin na nila ang kasal!"

"Masyado naman yatang maaga!"


"Yun na nga eh! Bes. Nagsisisi ako na pumayag ako. Tulungan moko! Anong gagawin ko! Kung hindi naman ako pumayag edi nawala na ang Scholarship ko!"

"Bes, wag kang magsisi, prevelage pa nga yun eh, isang Francia ang boyfriend mo bes, chussy ka pa ba? Di ka naman yummy!"

"Correction, HE IS NOT MY BOYFRIEND, OKAY!"

"Okay sabihin na nating Fake lang ang lahat. Pero may posibility na ma-fall kayo sa isa't isa at magiging totoo na ang lahat! Bes, im so happy for you!"

"Kadiri ka. Yon? Hindi yon magkakagusto sakin.!"

"Malalaman natin yan! Alam mo dapat dyan binabase sa mga signs!".

"Signs? Nako! Tigilan moko"

"Bes! Makakatulong to! Kaya chill ka lang!" Ano pa nga ba! Hindi naman ako makaka-hindi sa lokaret na to eh.

"Bes ito ang 'Book of Signs' dito sa libro na ito malalaman mo kung may gusto sayo ang isang tao at kung mahal mo na ang isang tao"

"Sige lang." Sigurado akong puro nonsense lang ang lahat ng nakasulat dyan.

"Sus, kunyare ka pa! Pero sige ito! Babasahin kona!....
Sign no.1 Malalaman mo kung may gusto sayo ang isang tao kapag nahuhuli mo tong nakatingin sayo, hindi lang once, kapag naging twice at nahuli mo pa ng ilang beses, may gusto nga sayo yan!" Hayys!.

"Okay tapos na!"

"Ha? Yun lang? Kabitin!"

"Oh akala ko ba ayaw mo! Sus!"

"Peram nga nyan! Babasahin ko nalang magisa!"

"Sige bes. Support kita"

_______________________

Kate's POV



"ARAY.....SINO YON?"

"Sorry miss. Di namin sinasadya! Okay ka lang?"

"Ah... Eh...Oo...O--Okay lang ako!" Ang gwapo mga be. Mukhang Koreano.

"May masakit ba sayo?"

"Ah. Ano. Oo yung batok ko masakit!" Ang gwepe keshe eh. Bala ka dyan Ana. Dito muna ako kay Kuyang Pogi.

"Pwede ko bang hawakan!" aniya niya.

"Ah ano, sige!" Omg! Hinawakan nya ang batok ko, hinilot nya mga be, kahit di naman talaga masakit. Ang ganda nyang lalaki. Matangkad, Matangos ang ilong, Moreno, at higit sa lahat, Machoooo!

"Ah miss! Miss...Hi!"

"Ah bakit!" Natulala pala ako, gwapo kasi eh.

"Okay kana?!" Napaka-caring pa.

"Ah oo! Salamat!"

"Ahm. Im Prince Villarias, and you are?" Omg! Tinatanong nya name ko.

"Kate. Kate Fernandez!"

"Ah nice to meet----"

"PRINCEEE! TARA NA!"

"Ah sige, Miss Kate, una na ko. Bye!"

"Ah, Si----....Bye!" Bwisit! Panira naman yon. Kainis.

Asan na si Ana ! Yung babaeng yon, nawala lang ako saglit iniwan na agad ako. Pero okay lang may nakilala naman akong gwapo. Sya na ang Princepe ko. Bagay na bagay sakanya ang pangalan na Prince. Sana makita ko ulit sya. Sayang di ko natanong kung anong Year nya. Pero don't worry Kateganda magkikita pa din kayo. Not now, maybe later or soon. Kyaahhh!

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now