Chapter 10: Favorite Place

8 0 0
                                    

Joaquin's POV



Dinala ko si Anastasia dito sa isang property namin sa Batangas. Madalas ako dito pumupunta kapag malungkot ako, may poblema, at bihira lang kapag masaya ako. Di ko ba alam kung bakit ko dinala ang bungangera na to dito. Sinasabi ng puso ko na dapat ko siyang pagkatiwalaan, kahit na lagi kaming nag-aaway, magaan pa din ang loob ko sakaniya.


"Wow! Ang ganda!" Manghang-mangha naman to.

"Halika! Dito tayo umupo!" Niyaya ko siya sa may ilalim ng puno kung saan lagi akong umuupo.


"Anong---Anong ginagawa natin dito?"


"Ito. Ito ang Favorite Place ko. Dito ako pumupunta kapag may problema ako. Naalala ko nung huling punta ko dito 2 years ago..... sobrang lungkot ko!"




_______________

Ana's POV


Malungkot? Bat kaya! Seryoso ang mukha niya at nakatingin sa malayo. Gusto ko siyang makilala, gusto kong malaman kung sino ang nasa likod ng isang Joaquin Francia.

"Bakit? Pwede ko bang malaman?" Di ko kayang magtaas ng boses sakanya ngayon.

"Because of her" Her? Sino? May iba pa ba kaming kasama dito.

"Sino?!"

"Si Raine! She is my ex girlfriend. Nagiisa lang siya. She is my first and last girlfriend, at siya din ang kauna-kaunahang tao na nanakit sakin ng sobra sakin! Kauna-unahang babaeng nagpatulo ng luha ko" Ano ba tong nararamdaman ko. Naluluha ako. Ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya. Di ko lubos maisip na ang isang Joaquin Francia na super heartthrob ng Campus, at hinahabol ng mga babae ay pinaiyak lang ng isang girl.

"Bat ka umiiyak?" Tanong ni Joaquin. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Di ko mapigilan eh.

"Ikaw kasi eh! Huhuhu!"

"Bakit? Anong ginawa ko?"

"Wala." Pinunasan niya ang luha ko. Nag-eye to eye kami. OMG anlapit ng mukha namin sa isa't isa. Hawak niya pa din ang magkabilang pisngi ko. Di ako makagalaw, para akong nako-koryente. Papalapit na ang labi namin sa isa't isa.

"Teka! Teka!" Iniwas ko ang labi ko. Virgin pa ang lips ko mga be. Gusto ko ang unang makahalik sakin ay yung lalakeng makakasama ko habang buhay.


"Sorry!" Aniya niya.


"Okay lang. So ano na?" Pagiiba ko ng usapan. Naiilang na tuloy ako.


"Kain tayo?!"

"Kain lang walang tayo!" Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hayan! Dapat ngumiti ka lang palagi! Alam mo mas gwapo ka kapag naka-ngiti!" Bigla naman itong tumingin ng masama sakin.

"Oh! Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah!"

"Alam ko. Naiinis ako sayo!" Hanudaw?

"Huh? Bakit?!" Anong ginawa ko.

"Kasi nagagawa mo pa din ngumiti, kahit na hindi kayo ganun karangya!"

"Ganon talaga! yun ang sikreto naming magaganda!" Natawa na naman siya sa sinabi ko. Bakit ano bang nakakatawa? Di naman ako nagjo-joke.

"Tara na nga!" Hinipo niya ang ulo ko. Anueyuwn?. Bigla akong nakaramdam ng mabilis na pagtibok ng puso.

FLASHBACK

Sign No.2
Kapag komportable at magaan ang loob mo sakaniya. Confirm bes, 80% na may gusto ka sakaniya.


END OF FLASHBACKS


"Oy! Tulala ka! Bakit?" Natulala pala ako.

"Ah! Wala! Tara na!" Aniya ko. Atska tumayo.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now