Chapter 13: Weird

21 1 2
                                    

Joaquin's POV





"Hoy!" Aniya ko kay Andrei. Yung sumagot ng dapat na tanong sakin kanina. Agad naman siyang lumingon.

"Ano?!" Sarcastic ang boses mga par.

"Hindi ko alam kung maaasar ako sayo dahil napahiya ako kanina o pasasalamatan kita dahil sinagot mo ang tanong na dapat para sakin kaya di na ako nahirapan pang isipin kung ano ba yon. Ano ba sa dalawa?!" Dere-deretso ang pagsasalita ako dahilan para matulala siya, pero agad naman itong natawa.

"Anong nakakatawa?!"

"Wag mo akong pasalamatan! Di ko ginawa yon para isalba ka. Ginawa ko yon para magka-puntos ako!" Puntos? Puntos saan?.

"Anong ibig mong sabihin?!" Napa-kunot ang noo ko sa sinabi niya, baka magka-puntos sa record.

"Wag mo na ulit akong kakausapin!" Wow, isa pa tong weirdo.

"Ang weird mo!" Aniya ko. Binalewala niya lang ang sinabi ko at naglakad na papalayo.

Yung mga tao ngayon mga napaka-weird. Plano kong sirain ang araw ni Ana pero pakiramdam ko araw ko ang nasisira.

______________

Ana's POV

"Asan na kaya ang bakulaw na yon!" Kanina pa ako palibot-libot sa buong corridor pero wala si Joaquin.





FLASHBACK

"Ms. Louise pinatawag nyo daw po ako?!" Si Louise Fernandez ang President ng Student Council ng Campus

"Hm! Yes Ms. Ibarra, gusto ko kasi na ikaw at si Mr. Francia ang mag-organized ng Wedding Both this coming Foundation Week"

"Ano? Si Mr.Francia at ako?! Bakit kami pa?"  Bakit kami pa? Andami namang iba diyan! Sa dami ng estudyante dito sa Campus.

"Based kasi sa survey! Nagtanong-tanong kami dito sa Campus kung may popular couple pa bang nage-exist, at madaming nagsasabi na kayo ni Mr.Francia are in a relationship, right?! That's why i choose two of you to handle this kind of both" Nilalagay talaga ako sa kapahamakan ng Fake Relationship na to. Bwisit talaga! Bwisit!.

"Kailan naman kami magi-start ayusin ang both?!"

"Next week, I'll give you 1 week para ayusin ang both, paghandaan at pagandahin nyo, dahil ako mismo ang nag-sudggest sa Council na magkaroon ng Wedding Both, at ayokong mapahiya, wag niyo akong pahiyain.!"


"O--Okay, maguusap nalang  kami ni Mr.Francia tungkol diyan. Sige una na ako!"

"Sige!". Nagka-problema pa ko. Kaazarrr!

END OF FLASHBACK






"ANA.....ANA!" May tumatawag sakin. Joaquin. Si Joaquin yon.

"JOAQUIN. Kailangan nating mag-usap!"

"Usap? Para saan?!" Nagtataka ang hulma ng mukha niya.

"Basta wala ng maraming tanong. Tara na!" Hinila ko siya at saka pumunta sa kotse.



"Ano bang paguusapan natin?!" Aniya niya.


"Sabi kasi ni Louise tayong dalawa ang ni-recommend niya na mag-assist sa Wedding Both this coming Foundation Week!" Nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko. Anong problema dun?


"ANO? BAT TAYO PA? ANDAMING IBA DIYAN!" Gulat na gulat talaga. OA neto.


"Sabi ni Ms.Louise binase sa survey eh!"

"What do you mean! Pwede bang sabihin mo ng dire-deretso!" Eh kung sapakin ko kaya to ng deretso.


"Ganito kasi! Nagtanong-tanong ang mga Student Council sa mga Students ng buong Campus kung may popular couple pa ba na nage-exist sa Campus! Most mention tayong dalawa! Kaya pinili tayo ni Ms.Louise para i-handle ng Wedding Both!"


"Pumayag ka naman?!"


"Oo naman! Wala sa choice ko ang tumanggi kaya kahit wala ang approval mo pumayag ako!"


"Hayyys! Nakakaasar ka! Pero sige. Pwede na din. Ako na bahala sa lahat ng gastos ng booth para di na tayo magsulisit, di naman tayo pulubi para mamalimos, baka ikaw pwede pa!"


"Ang ganda ko namang pulubi!....By the way meron tayong 1 week para paghandahan ang Booth, kailangan madaming pumunta sa Booth natin, yung tipong pagkakaguluhan." Kala niya ah. Papatalo ba ako.


"Ako ng bahala diyan. Gagamitan ko lang ng charm ko yan!" Hanudaw? Charm? Mukha neto.


"Ang yabang! Bakulaw na to!"


"Sinong bakulaw?"


"Ikaw.... Ah este yung---yung nakabangga ko kanina!"


"Hmm. Sige hatid na kita!"


"Di na!" Kaya ko magisa


"Nakasakay kana sa kotse ko! Kaya di kana pwedeng bumaba!"

"Pero pano yung kotse ko?!"


"Ipapahatid ko nalang kay Kuya Pio sa bahay niyo!" Muntanga tong lalaking to kahit kailan. Bahala na. Impyerno talaga ang oras ko kapag kasama ko ang bakulaw na to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now