Chapter 9: Driving

13 0 0
                                    

Ana's POV



"ANAAAA"  ang malakas na pagsigaw na iyon ng Mama ko ang gumising sa diwa ko.

"Maaa! Ano ba yon? Ang ingay mo, maaga pa!"

"Ana! Ano to?" Ano bang sinisigaw ng nanay kong to.


"KOTSE? SAN NAMAN NANG-GALING YAN MA?" Kotse ang bumungad sa labas ng bahay namin. Itim at malaking kotse, mukhang bago.

"Yun nga eh, ikaw nga ang tinatanong ko kung san nang-galing yan?!" Aba! Malay ko ba.

"Di ko alam Ma!"

"Goodmorning!" Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Si Joaquin. Bwisit na to, anong ginagawa neto dito.

"Joaquin?"

"Ah! Goodmorning po, Tita! Pwede pong tumuloy?!" Kailan pa siya naging pamangkin ng nanay ko.

"Ah! Oo iho! Halika! Tuloy ka!" Bwisit! Panira ng umaga. Ano na naman kayang gimik neto.



"Ah! Sino siya anak?!"


"Ah, ako po?" Tumingin pa sakin! "Kaibigan niya po ako. Joaquin Francia po!" Yabang talaga.

"FRANCIA? YOU MEAN!"

"Opo! Anak po ako ng may-ari ng School namin!" So! Dapat ko na bang ipagmalaki na dumalaw ang isang Francia sa bahay namin.

"Ah! Anong gusto mo iho? Juice? Milk? Nagbreak-fast kana ba?!" Si Mama talaga! Grr.


"Ah Juice nalang po!" Ang aga-aga juice. Sumakit sana sikmura mo.


"Anong trip mo? Atska ano yung kotse sa labas? Alam kong ma-pera ka! Di mo kailangan iyabang sakin ang bago mong kotse!" Ngisi lang ang ibinato niya sa sinabi kong yon.

"Sino may sabing may bago akong kotse?"

"Eh anong tawag mo dun? BIKE? DUHH!" Antanga din talaga neto.

"Sayo yon. Hindi sakin!" Nagbibiro ba siya? 0_0

"Ibig sabihin para sakin yon? Ayoko. Di ko tatanggapin yon! Atska isa pa di ako marunong mag-drive!"

"Problema ba yon? Edi tuturuan kita!" Ang kulit ng ugat neto.


"Di na. Atska may pasok pa tayo. Ibalik mo nalang yan sa pinagbilhan mo!"

"Di na pwede ibalik yun! Atska alam mo ba kung magkano ang tinatanggian mo?"

"Tsk! Magkano ba yan?!"

"3.3 M lang naman!" HANUDAW? 3.3 M. Sa sobrang gulat ko. Nanikip ang dibdib ko, oo may dibdib ako nuh.

"Nyeta! Matatanggal ang matress ko sa sinabi mo! 3.3?"

"Wag ng madaming daldal! Magbihis kana"

"Ayoko nga sabi. Matutulog nalang ako, umuwi kana may pasok pa tayo mamaya!"

"9 AM palang! Since 1 PM pa ang pasok natin. May 3 hours pa tayo!" Ang kulit talagaaaaa!.

"Perooo----"

"Kapag di ka pa nagbihis! Sasabihin ko sa Mama mo na boyfriend moko!"

"Excuse Me! You are not my Boyfriend!" Ayoko ng magkipag-patalo sakaniya. Kaya umakyat nalang ako para magbihis. Hindi yan titigil hangga't di niya ako napapasunod sa gusto niya.


________________


"Ano ready kana?" Aniya ni Joaquin.

"Oo! Pano ba?!"

"Kapag ikakanan mo! Iikot mo lang sa bandang kanan! Ganun din kapag kaliwa! Kapag diretso! Steady mo lang! Kapag pe-preno! Dahan-dahan mo lang apakan ito!" Aniya ni Joaquin. Mukha siyang seryoso. Bakit kaya ako pinaglalaanan ng oras ng taong to.

"Alam ko na! Ano game na ba?!" Tumango siya bilang sagot.

"Dahan-dahan lang muna! WAAAAAAAAAAA! IKALIWA MO! KALIWA!"  Hahaha! Ngayon ko lang siya nakita na ganito katakot! Mukhang masaya to! Makaganti man lang sa mga ginawa niya sakin.

"PANO BA? DI KO ALAM!"

"IKALIWA MO! MABABANGGA TAYO! IKALIWA MO SABI!"  Takot pala mamatay to eh. Whahaa.


"DI KO ALAM KUNG PANO!"

"TAPAKAN MO NALANG YUNG PRENO! TAPAKAN MO NA!" Whooo. Ang saya-saya.

"SAAN? ANONG PRENO?"

"YUNG TINURO KO SAYO KANINA! APAKAN MO NA!" Naawa ako eh! Kaya tinapakan kona. Akala ba niya di talaga ako marunong.


"ANO BANG GINAWA MO? MUNTIK NA AKONG MAMATAY DON AH! PAG-NAMATAY AKO WALA NG TAGAPAG-MANA ANG MGA FRANCIA!" Mamamatay na nga lang siya! Mana pa din ang iniisip niya.

"Pasensya na! Ang totoo. Marunong naman talaga ako eh!"

"A--Ano?"

"Sabi ko marunong akong mag-drive!"

"Yun ba yung marunong ah?!"

"Ayaw mo maniwala?" Pinaandar kong muli ang kotse. Sa una natakot ulit siya, pero nung nagtagal! Tuwang-tuwa ang gag*.

"MARUNONG KA PALA! PERO BAT KA NAGPE-PRETEND NA HINDI KA MARUNONG AH!" Umuusok ang ilong niya. Ang cute niya kapag nagagalit, ops! Hey Ana bawal yan. Bawal.

"PARA GANTIHAN KA!"

"ANO?!"

"WALA!". Namayani muna ang katahimikan.

"Matanong kita. Sino ka bang talaga?!" Pambasag ko sa katahimikan.

"Gusto mo bang malaman kung sino talaga ako?....Kung ganon sumama ka sakin!" nagpalit kami ng pwesto dahil siya naman ang magda-drive. Nung una akala ko gaganti din siya pero hindi pala.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now