Chapter 8: Past

14 0 0
                                    

Joaquin's POV


"Hey waki! What's up?" Bati ni Prince...Prince is my cousin, magkapatid ang Daddy ko at and Mommy niya.

"Okay lang. Gwapo pa din!" Bigla namang nagbago ang hugis ng mukha nila sa sinabi ko. Bakit totoo naman ah.

"Ah, by the way bro, balita ako may girlfriend ka, himala pare" aniya ni Joshua.

"Oo nga! For all this years nakahanap ka din ng babaeng papalit kay Raine!" Aniya ni Prince. Agad naman tinabig ni Joshua si Prince senyales na tumigil.


FLASHBACKS

"Love, please wag mong gawin sakin to, mahal na mahal kita!" Lumuhod at halos umiyak na ako ng isang balde para lang magmakaawa kay Raine na wag niya akong iwan, ang tanga tanga ko.

"Im so sorry waki! Di ko gustong gawin sayo to! pero hindi ko kayang suwayin si Daddy! Alam mo naman kung anong meron sa pamilya mo at sa pamilya ko!" Mortal na magkalaban sa business ang Daddy ni Raine at si Daddy, kaya tutol ang dalawang side sa relasyon naming dalawa.

"Ganun-ganun nalang? dahil lang don bibitawan mo ang 2 years na pinanghahawakan nating dalawa?" Yea! 2 years ang tinagal ng relationship namin kahit na patago nakayanan namin.

"Siguro! Hindi talaga tayo para sa isa't isa, Atska masyado pa tayong bata, Grade 10 palang tayo marami pang iba dyan na magugustuhan mo, tanggap ko na waki. Kaya sana matanggap mo na din, sana mahanap mo yung babaeng mas mamahalin mo ng sobra kaysa sakin. Sana mabuhay ka ng masaya, alagaan mo ang sarili mo, mahal na mahal kita!" Yun na ang huli kong kita kay Raine, sabi nila pumunta sya sa New York para mag-aral.

Siguro nga di pa ako ganun ka-matured pagdating sa love. 2 Years na since nung huling nakita ko siya. I try to move on, sana kapag nakita ko ulit siya, makalimot na ako, at hindi ko na ulit maramdaman yung sakit.

END OF FLASHBACK

"She's not my girlfriend" malamig na boses ang ibinato ko kay Prince.

"What do you mean?" Aniya ni Prince.

"She's my fake girlfriend. Ginagamit ko lang sya para di matuloy ang kasal namin ni Vanes. Nakipag-deal ako sakanya"

"Balita ko. She's one of your haters! Paano mo siya napapayag?!" Aniya ni
Joshua.

"Sinabi ko na kung hindi siya papayag, mawawala ng Scholarship niya"

"Ganun-ganun lang? Bat siya pa ang napili mo? Di naman siya ganun kaganda! Andami namang ibang magagandang babae diyan. Gaya nung babae kanina sa Court" Aniya ni Prince. Kahit kailan, itong lalaking to, puro mukha at korte ng katawan ang tinitignan. Fuckboy talaga.

"Di ko alam! May kakaiba sa babaeng yon! At pakiramdam ko, mapagkakatiwalaan siya! And exaclty, hindi siya ganun kaganda, yun ang tipo na hindi matatanggap ni Vanes na ipapalit ko sakanya. Malaking insulto para sakanya yon"

"Ingat ka pare, baka maging totoo yang Fake nyo ah!" Aniya ni Joshua.

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Na baka magkagusto ka sa FAKE GIRLFRIEND MO"

"Shh! Ano kaba! Wag ka ngang maingay baka may makarinig sayo!" Nandito pa kasi kami sa School, sa VIP Room. Yeah! Meron ako neto! Son of the Owner eh.

"Okay. I mean is, baka mahulog ka diyan, she's not bad, nakita ko na sya eh!"

"Ako? Hello. Im Joaquin Francia. Di ako basta basta pumapatol kung kani-kanino!" Agad naman akong tinignan ng masama ni Prince.

"Ano bang gusto mong sabihin ah!" Napipikon na.

"Wala!"

"Di seryoso bro, ingat ka. Meron na kasi akong mga nae-encounter na ganyan eh. Sa una Fake pero pag tumagal biglang nagbabago ang feelings, hanggang sa naging Real.!"

Napaisip ako. May posibilidad. Pero hindi. Hindi mangyayari yon. Di ako magkakagusto sa isang tao na kung magalit sakin parang may nagawa akong masama sa kanya. Atska isa pa, di naman ako gusto non eh, ayokong maulit yung sakit. Baka masaktan lang ulit ako.

You Stole My HeartWhere stories live. Discover now