Part 2

14.6K 274 1
                                    

"BABALIK AKO. May pupuntahan lang ako sandali. Donna will take care of you." Paliwanag ni Jacques nang ibaba siya nito sa harap ng Donatella. Ang boutique kung saan siya magpapagawa ng gown for her debut three weeks from now. And Donna, the owner of the boutique, is the wife of one of his hiking club members kaya kilala na rin niya ito.

"Jacques, pagkatapos ko rito, pupuntahan ko si Sir Bobby. I need to talk to him about my tournament in Seoul. Kaya 'wag kang magtagal ha?"

"Okay. I'll be back. Promise."

Ilang minuto na siyang sinusukatan ng gowns pero hindi kasi siya makapili-pili kung alin talaga ang gusto niya.

"Here. Have some coffee. Baka makatulong to para maka-decide kana."

"Thanks, Donna. I love coffee."

She sipped some before looking over the gowns again. "Should I call Jacques para matulungan niya akong mag-decide kung alin ang bagay sa akin?"

Nanlaki ang mata ng designer nang marinig ang sinabi niya. "Mavis, bagay naman sa iyo lahat ng sinukat mong gowns. All you have to do is choose one. Kaya mo na iyon. Ayaw mo ba no'n? Masu-surprise ang lahat sa beauty that night."

"Pero hindi talaga ako makapili eh, I need someone to help me think which one ang mas maganda."

"At si Jacques pa talaga ang kelangang mo para mag-decide?"

"Kaya ko nga dinala iyon dito para tulungan ako, ta's ngayon iiwan pala ako rito."

Umupo sa tabi niya si Donna at seryosong humarap sa kanya.

"Huwag kang magagalit Mavis, ha. Pero pansin ko lang, masyado ata kayong close ni Jacques. May relasyon ba kayong dalawa?"

Nasamid siya sa iniinom na kape. "Ano ba, Donna! Wala ah! Talagang close lang kami. We grew up together. Kaya halos dikit na ang bituka namin."

"Akala ko kasi meron. Masyado kasi kayong close. Nakatira pa kayo sa iisang bahay kaya akala ko may ganoong factor na. Ta's parang ang dependent mo sa tao. Kaya naisip kong meron."

"Eh siya lang naman kasi ang nagtatiyaga sa akin. Simula pa noong maliit ako hanggang ngayon. Nobody cared for me like he did. That's why I was stuck with him. He's someone I can't lose. Parang sanggang-dikit."

"Pero paano kung mag-asawa bigla iyon? I think he's already old enough to get married. Gwapo pa naman 'yon. Mayaman at matalino. Madaling makahanap ng babae iyon."

Napaisip siya bigla sa sinabi ni Donna. What if that'd happen? Jacques is twenty five now. A promising engineer in a company he will manage in the future. Girls would love to have him as a husband. She felt alarmed but she brushed that feeling right away.

Aish... Hindi pa siguro. Ni wala ngang naging girlfriend iyon. Paano mag-aasawa?

"Ewan. But I know he isn't getting married yet."

Mag-iisang oras na pero hindi pa rin ito nagre-reply si Jacques sa kanya. Hindi rin nito sinasagot ang tawag niya. She started to overthink what Donna said a while ago. Baka nga kung makakahanap na ng girlfriend si Jacques ay maiitsapwera na siya. Just like now.

"Pwede bang balikan ko na lang ang mga gowns, Donna. I really have to go kasi may usapan kami ng manager ko ngayon."

"You mean hindi mo na hihintayin si Jacques?"

"Hindi na. Sabihin mo na lang kung babalik dito na umalis na ako. Hindi ko na kasi siya mahintay." Ito yata ang unang pagkakataon na inindyan siya nito.

She stood up and picked up her bag. Magta-taxi na lang siya. Kaya naman niya 'yon.

"Mavis, I think you don't have to do that. He's here now."

She doesn't know why but her heart leaped in joy seeing him getting inside the boutique. Abnormal na ata siya. Bakit ba kung anu-anong naiisip niya? It's Jacques alright. Wala pa itong binaling pangako sa kanya.

"Sorry, naiwan ko ang cellphone ko sa kotse. Hindi ko nasagot ang tawag mo kanina."

"Okay lang. Hindi naman ako nag-alala masyado." White lies... arghh...

"Ah okay. So, pagkatapos nating pumili ng gown, shall we have some coffee?"

Coffee? "Sure!"

Checkmate on Love (COMPLETED- Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon