Part 7

10.8K 218 4
                                    

"WHAT'S WITH THE SUNGLASSES? Are you okay Mavis?"

"I'm fine." Pagsisinungaling niya kay Pia nang maabutan siya nito sa canteen ng university nila.

"May sore eyes ako."

"What? Diba dapat hindi ka na pumasok? Dapat sa bahay ka nalang at nagpapagaling."

When she did not answer nagduda na ito at kaagad inalis ang shades sa mata niya.

"Wait Pia—"

"Oh boy. Not good." Ibinalik nito ang shades sa kanya. "You were crying?"

"Just a bad day."

"Hiwalayan mo na kasi 'yan!"

"Eh hindi pa nga kami, pa'no ko hihiwalayan?"

"Gotcha!"

Aish... ang daldal ko.

"Unrequited?"

"Sobra." Ayaw na sana niyang umiyak pero naalala na naman niya ang sinabi ni Jacques noong nagdaang gabi.

I have a girlfriend. I have a girlfriend. I have a girlfriend.

Nagpunas na naman siya ng luha. Pia then hugged her. "Marami namang boys. Maghanap ka nalang ng kapalit."

"He's irreplaceable."

"That's not true."

Ikinuwento niya rito kung ano ang dahilan ng pag-iyak niya pero hindi siya nagbanggit ng pangalan. She doesn't want to drag Jacques' name.

"You should meet the girl. Malay mo, may makita kang solusyon at maka-formulate ng magandang plan."

"Ayoko. Wala naman akong planong paghiwalayin sila. Baka magalit pa sa 'kin si Jacques."

"Martyr ka naman masyado. You said you are very close like siblings. You can turn that relationship into your favor. At saka Mavis, ipaglaban mo naman feelings mo."

"Ipaglalaban ko kung mutual ang feelings. Eh one sided love nga lang ito."

"But you said he's your fortress, your only happiness, your knight in shining armor, your dream man. Hindi mo pa rin ba ipaglalaban?"

Napailing na lang siya. Ayaw niya ng complications.

"Pwedeng samahan mo na lang ako sa mall? Ayoko pang umuwi agad mamaya. Makikipag-dinner sa bahay ang girlfriend niya. Ayokong pumunta."

"Kung gaano ka katapang, madiskarte at matalino sa chess ay siya ring kaduwagan mo at engot sa pag-ibig. Harapin mo sila. Huwag kang papakita na naaapektuhan ka."

"Okay lang. Hindi naman niya alam na may feelings ako sa kanya. So kung a-absent ako sa dinner mamaya, hindi sila magtataka."

"At hanggang kelan mo balak i-boycot sya? Hanggang sa ikasal na sila. Gano'n?"

"Girlfriend pa lang! Kasalan agad nasa isip mo."

"Eh saan ba papupunta iyon? Hangga't maaga pa baka magawan na natin ng paraan 'yan. Malay mo, may feelings din sa'yo 'yon. Hindi lang masabi dahil 'yon nga halos parang magkapatid na kayong dalawa."

"Pia, ayokong umasa. Natatakot akong sa huli masaktan ko siya at masaktan din ako."

Pia rolled her eyes. Hindi ito approve sa mga sinasabi niya. Naiintidihan naman niya ito, but if it were some other guy, she might have tried. But it's Jacques. She might lose him to some other girl, but she can't lose him as a friend.

"Holy Shit! Jacques Fortich is coming this way!"

"What?!"

"Jacques Fortich? Hindi mo kilala?"

Hindi siya makasagot dahil sa sobrang kaba. Yes, she went to school early trying to avoid morning coffee with him but is he really here?

For me?

"It's really him! My goodness!" Parang mahuhulog na sa upuan si Pia dahil sa sobrang kilig.

And how the heck did she know him?

"Jacques Fortich is the engineer of our business center. My dad personally picked him because he's really good. At saka saksakan pa ng gwapo! "

Really? What a small world Pia.

"Mavis!"

Shit! Kahit magsuot pa siya ng maskara, of course he will know her. Kaya kahit nakatalikod siya ay alam niyang makikilala siya nito.

Tumabi ito sa kanya at inakbayan siya.

"You left early. Kaya—" Mukhang nagtaka ito sa suot niyang sunglasses. "Wait. What's with the shades?"

Akmang aalisin ito ni Jacques pero umilag agad siya.

"Sore eyes. Don't touch it."

"Mavis? You know him?" Balot pa rin ng pagtataka ang mukha ni Pia.

"Ah, hi! I'm Jacques. Mavis' brother."

Napalingon si Pia sa kanya habang nakikipagkamay ito kay Jacques.

"Akala ko walang kapatid si Mavis?"

Sana ay makita ni Pia ang mga nanlalakihan niyang mata para makapagpadala man lang siya ng mensahe rito. But her shades are hiding her eyes. So she kicked Pia on the foot to alarm her.

Pia... please! Huwag kang pahamak ngayon.

"Kinakapatid niya ako. Pero parang kuya na rin."

"Ahh... Anyways, I'm Pia. Classmate ako ni Mavis."

Nakahinga siya nang mabilis mag-catch up si Pia.

"Nice meeting you, Pia. This is the first time I saw Mavis chatting with a classmate like they are so close."

Ipagsabi ba kung gaano ako ka-aloof?

"Really? Well, recently lang din kami naging close ni Mavis."

"Oh wait, you want coffee? My girlfriend is buying."

Nagkatinginan silang dalawa nang ituro ni Jacques ang isang babae na papalapit sa kanila at may dalang apat na umuusok na kape.

Mas lumakas pa ang kaba niya.

How dare him bring her here?!

"She looks familiar." Bulalas ni Pia in which she totally agree.

Yeah, she looks like...

Nagkatinginan muli silang dalawa ni Pia.

Holy shit! We know her.

"You know her, Pia?" Tanong ni Jacques.

Hell yeah, we know her! She's that dancing girl over the table the other night!

Checkmate on Love (COMPLETED- Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon