Part 13

10.1K 245 2
                                    

"JUST TELL ME when you're ready. Ihahanda ko na rin ang kotse." Jacques told her when he came up to her room.

Aalis na siya patungong South Korea para sa tournament. Just as she wished, pinaaga ni Sir Bobby ang flight niya.

"Huwag na. My friends are taking me to the hotel. May dadaanan pa kasi kami."

Though it was part of her boycott on him, totoong may dadaanan pa sila nina Pia at Eric. Pia is taking her to a shop where she can buy thick jackets. Malamig kasi sa Seoul at kailangan niya iyon.

"But I take you to airports every time may tournaments ka." Mukhang hindi ito masaya sa sinabi niya.

Does he have any idea how hard it is for her to just even see him? Gusto niyang manalo sa tournament na ito to qualify for the World Championship. She can't afford to be in so much stress.

"Naghihintay na sila sa labas. Kaya ko naman ang sarili ko. I'm not a kid anymore."

She didn't look back at him. Hindi kasi niya gustong makita ang mga reaksyon nito sa sinabi niya. Alam niyang hindi tama ang ginawa niya. Ni hindi niya alam na kaya niya palang gawin iyon kay Jacques. Sa taong nag-alaga sa kanya ng matagal na panahon. Kaagad siyang nakaramdam ng konsensya. She really is just a little kid na parang ninakawan ng kendi. She suddenly wanted to turn around and say sorry but she can't. And that made her even feel worse.

"OKAY KA LANG?" Tanong sa kanya ni Eric habang tinutulungan siya nito sa mga gamit niya papasok ng kotse. Hindi pa kasi siya tinatantanan ng konsensya niya tungkol sa ginawa niya kay Jacques. Una, feeling kasi niya wala siyang utang na loob sa taong nag-alaga sa kanya. Ikalawa, feeling niya ang sama-sama niya para pahirapan si Jacques dahil sa may gusto itong iba at siya ay kapatid lang sa paningin nito. At ikatlo, hindi niya nirespeto ang desisyon nitong magmahal ng iba.

"Mavis?"

Tinapik siya nito sa balikat at doon lang siya nakawala sa sariling mundo. "You were saying?"

"Ang sabi ko okay ka lang ba?" Nag-aalala ang mukha nito.

"I'm fine. Siguro kinakabahan lang ako sa tournament." She tried to sound real. Sa totoo lang, hindi pa niya naiisip masyado ang tungkol sa tournament. She was so busy running after Jacques that she forget how important her games will be.

"Naku. Kaya mo iyan. Ikaw pa. Idol, hindi ka nila matatalo." He cheered.

Napangiti na lang siya sa lakas mambola nito. She's glad nagpahatid siya sa mga ito dahil may nagpapasaya sa kanya kahit papano.

"Dadaanan na lang natin si Pia?"

"Oo. 'Yon ang sabi niya."

Nang makasakay na sila sa kotse ay nagsalita muli si Eric. "Mavis, I think may kailangan kang malaman."

Kaagad siyang kinabahan. "Ano 'yon?"

"I know your fascination with Jacques. Napansin ko iyon at kinumpirma naman ni Pia."

"So?" It doesn't matter anymore kung alam man ni Eric. Eric has been a good friend to her even for just a short time.

"Kanina kasi noong hinihintay ako dito, lumabas ang kuya mo at kinausap ako. He directly asked me if I was your boyfriend. Siyempre sinabi kong hindi at magkaibigan lang tayo. Akala ko iyon lang ang sasabihin niya. Pero may sinabi siyang iba."

"What did he tell you?"

"He said... He'll wait for you. At sa pagbalik mo, tulungan ko raw siya sa'yo. Kasi by that time, you'll be the girl he has been waiting you to be. Mavis, I think... Jacques loves you too."

Checkmate on Love (COMPLETED- Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon