Part 5

11.4K 238 1
                                    


HINDI PA man siya nakakalabas ng kotse ni Eric ay bumukas na ng pinto ng bahay. Jacques is standing there with fuming glares.

Aba! Nakauwi na pala ito.

Sabay silang lumabas ni Eric ng kotse saka siya inihatid nito sa pinto ng bahay.

"Hello po. Magandang gabi." Bati ni Eric dito pero hindi ito sumagot. Nakatayo lang ito doon at naghihintay na pumasok siya. Pero pinili niyang hindi ito pansinin bagkus nagpaalam na lang siya sa bago nyang kaibigan.

"Thanks guys. You saved my night. I really didn't know what to do without you." Nilakasan talaga niya ang boses para marinig iyon ni Jacques.

Eric smiled awkwardly. Naramdaman niyang medyo intimidated ito kay Jacques. "S-sa uulitin Mavis ha."

"There will be no next time." Sabi ni Jacques na nakatayo pa rin doon.

She rolled her eyes. Duh... lalabas ako kung kelan ko gusto. Rebelde mode talaga siya ngayon.

"Sige. See you sa school." Paalam ni Eric.

"Okay. Pakihatid mo na lang din si Pia."

"Of course."

"Thanks ulit ha?"

Nagpaalam din si Eric kay Jacques pero hindi ito sumagot.

Dedmahin ba ang kaibigan ko?

Naiinis na talaga siya sa inaasal nito.

Hinintay niyang makaalis ang kotse ni Eric bago siya pumasok sa bahay nila.

Pshh... Bahay nina Jacques pala.

She wondered what time ito nakauwi kagabi dahil medyo late na rin siyang umalis.

"Anong oras na?" Seryoso ang boses nito.

She gazed at the grandfather's clock on the corner of the living room. "Alas dos na."

"Huwag kang ganyan Mavis. You know what I mean." He sounded furious. Pero hindi siya nagpatinag. Siya pa ang may kasalanan ngayon? He's the reason she was like this tonight.

"Nagkaayaan lang kami. Dapat kasi may lakad ako kagabi pero ang lakas mang-indyan ng dapat kasama ko."

"Don't make this about me."

Na-gets agad pala nito kung bakit siya nag-iinarte ng ganito.

Wait, hindi ako nag-iinarte! Maybe a little but not really. Arggh...

"This is the first time I've seen you with a guy. At hindi ko pa kilala. Didn't I warn you about strangers?" Patuloy nito.

"Come on Jacques. Hindi na ako bata."

"Kuya Jacques." Pagtatama nito.

But she didn't budge. Hindi mo pa nga nabibigay ang kape ko! Hindi mo pa ako sinamahan sa concert!

"It's really late. Pwede bukas na lang tayo mag-usap."

"Listen Mavis." She could sense anger in his voice now. "You're still young and it's not right to hang out with men this time of the night."

"I'm not alone with him. Buong klase kaming nagpunta. Si Eric lang ang naghatid sa akin. We even have another female classmate in the car."

"Kahit na. You're still 17. You are not allowed to drink at all."

"Hindi naman ako lasing. Hanggang Cali nga lang ako."

"But you know—"

"I know I'm wrong but I'm tired to argue with you. Please, I just want to sleep." She cut him off. She knew it was inappropriate to answer him like that pero alam niyang mas lalong lalaki ang away nila kung ngayon sila mag-uusap.

Checkmate on Love (COMPLETED- Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon