Part 21

13K 287 21
                                    


ISANG galit na galit na Jacques and iniluwa ng pintuan ng kwarto niya. Kaagad niyang naitulak si Dmitri palayo sa kanya.

"We're just talking." Sagot niya.

"Really? Come on Mavis. You don't make sense at all!"

"Teka? Eh ano ngayon kung magkayakap kami? Wala ka na doon!" Naiinis na tuloy siya rito. Pinag-iisipan siya nito ng masama.

"It's just fine Mavis. I think I better leave." Kalmadong sabi ni Dmitri.

"You better do that." Galit na galit pa rin si Jacques.

"No you are not leaving." Nahihiya tuloy siya rito dahil hindi niya ito naranasan noong nakitira siya sa bahay nito sa Moscow. Mahal siya ng pamilya nito. Pero ngayon dito sa Pilipinas ay ipinagtatabuyan siya ng tinuturing niyang pamilya.

"He is leaving this house!" Galit na galit si Jacques.

"I'll leave, Mavis. Don't worry I'll be fine. It's for the best."

Naiinis na iniwan niya si Jacques at sumunod kay Dmitri. Nag-eempake ito ng gamit.

"Wait! I'll go with you. There's no point of staying here."

"No." Pigil nito sa kanya. "You will stay here. Fix your problem with him. I'll be fine. I'll just be at the hotel. Call me anytime you need me."

"This is so embarrassing. I didn't think this would happen." Naiiyak na siya rito.

"Oh no! Don't cry. I'll be fine. I promise. Talk to him. Explain everything."

Nang matapos ito sa pag-eempake ay inihatid niya ito sa taxi.

"I'll be fine, Mavis. Go in."

"Call me. Okay?"

Tinanaw niyang paalis ang taxi na sinakyan nito. Nanggagalaiti talaga siya. She almost confessed to Jacques dahil kinumbinsi siya ni Dmitri. Mabuti na lang at hindi natuloy.

She ran up to Jacques room to confront him again.

"Ang galing mo rin ano? Bakit mo binastos ang kaibigan ko?"

"Kaibigan? Hindi nagyayakapan ang magkaibigan!"

"Anong ibig mong sabihin? Isa akong kaladkaring babae ganoon?"

"Come on Mavis! This is still my house and I want some decency around here! Don't tell me you don't know Dmitri's married?"

Kahit galit na galit ay natawa pa rin siya sa ideya nito.

"You're talking about decency? Give me a break!" Naalala niya ang nakita niya sa kwarto nito kanina lang. And how the hell did he know Dmitri is married?

"What the hell Mavis! You can't have a relationship with him."

"So you did some background research on him? Na-research mo na rin ba kung ilang gabi kaming magkatabi sa kama? Ha!"

Namilog ang mga mata nito. "Just as I expected. You'll do everything to seduce a man you want. You've done it to me before."

Sa lahat ng masasakit na narinig niya dito ito ang hindi niya nakaya. Kaya isang sampal ang pinakawalan niya dito. Kaagad siyang tumalikod at akmang aalis ng kwarto nang pigilan siya nito. He grabbed her arm and pulled her back.

"Mavis... I..." Guilt is written all over his face.

"Let me go!" Bawi niya sa kamay niya.

"I'm sorry. I didn't mean to say that."

"Fuck! Hindi ko alam gano'n kababa ang tingin mo sa 'kin. Kaya pala kahit anong pilit kong magbago. Kaladkaring babae pa rin pala ang tingin mo sa 'kin." She started to cry. Hindi na niya makaya ang sakit na nararamdaman niya.

"It's true. Dmitri and I slept on the same bed. It's because he can never leave me on the days I feel like dying. He can't leave me when I cry all night because I regretted leaving this house. Nagsisisi ako dahil napaka-immature ko at basta na lang umalis dahil ikakasal na sa iba ang lalaking gusto ko."

"Mavis..." He tried to hold her but she pushed him away.

Ayoko na. Masyado nang masakit.

"You know what I regretted the most? It is when I realized I fell in love with my brother."


Para po mabasa ang next parts ng story, paki-follow po ako. Maraming Salamat! Muchos Gracias! Daghang Salamat! Komowo! Arigatou! Thank you!

Checkmate on Love (COMPLETED- Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon