Prologue

14.9K 225 2
                                    

SA kagustuhang makahanap ng mga magagaling na manlalaro ay isang action plan ang binuo ni Devlin. As far as he knows, kung talagang gusto niyang makahanap ng magagaling na manlalaro, dapat ay sa campus na mayroong malalawak na field siya magtungo.

And that's exactly what he's doing right now. His first stop was UPLB campus. At mukhang hindi naman siya nagkamali ng pagtungo rito. Sa malawak na field na mas kilala bilang baker field ay iba't ibang grupo ang nagkakatipon. Ang ilan ay nagkukwentuhan lamang habang sa sulok na bahagi ay mayroong naglalaro ng tennis. Natatanaw naman niya sa kabilang dulo ang siyang ipinunta niya rito.

Mayroong naglalaro ng soccer sa bandang dulo. He fastly strode his way towards that direction. Excitement overflows from within. Nang makarating siya roon ay may bahagyang disappointment siyang nadama. Tila katuwaan lamang kasi ang game.

Gayunpaman, he decided to stay and watch thoroughly. Sometimes, gems can be found in the most unlikely places. Nagmasid siya habang nagpapasahan ng bola ang mga kalalakihan na marahil ay naglalaro sa edad na eighteen to twenty. He even sat on the grass sa tamang distansya lamang na hindi siya maaring makasagabal.

He watched for a few minutes until he almost wanted to yawn and just sleep on the grass. Tatayo na sana siya kung hindi lamang may isang bagong dumating. He decided to stay for a few more minutes. Matapos ang batian ay sumali ang bagong dating sa laro.

He was drawn to him the moment he moved. He wasn't a pro, not even close. But he has the moves. Mabilis ang reflexes nito ay tila mas lalong nakakabagot panoorin ang mga kalaro nito na mataktika nitong naiiwasan. The moment the guy kicked the ball and had a goal he was on his feet. That's it. Ito ang kailangan niya. Thorough practice pa at tiyak na magiging magaling itong manlalaro.

Nang matapos ang game ay hinarang niya ito. May nakahanda siyang ngiti sa mga labi kahit pa hindi siya ganoon. Kung gusto niyang makuha ito sa team niya ay dapat na maging mabait siya. Kahit ngayon lang.

"Hey," bati niya rito.

Tumingin muna ito sa kaliwa at sa kanan bago sa likuran. Nang muli itong tumingin sa kanya ay itinuro nito ang sarili. "Ako ba ang kausap mo?"

Impatiently, he nodded. Pilit niyang pinanatili ang ngiti. "Yes, you. I'm Devlin Mendoza, by the way," inilahad niya ang palad sa harap nito.

Puno man ng kalituhan ay ngumiti naman ito at tinanggap ang pakikipagkamay niya. Sinenyasan din nito ang mga kasama na umuna na. "I'm Peter Hernandez. So?"

He cleared his throat first. "I saw you playin' awhile ago and I'm impressed. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Peter. Bumubuo ako ng football team and I want you to be part of it."

Matagal muna itong tumitig sa kanya bago umiling. Bagaman nakangiti pa rin naman. "You mean, professional football? Like a national team?"

Tumango siya. Smart dude. He likes him already. "So can I have more of your time to discuss everything?"

Noon ito umiling. He looked apologetic. "I'm sorry but I can't do this. Hindi talaga ako player. I just love soccer but no, not really."

Namulsa siya. Hindi siya tumatanggap ng rejection. "Look, if you'll just let me discuss everything siguradong mauunawaan mo. Hindi naman kailangang player ka talaga para mapabilang sa team ko. Actually magiging player ka pa lang kapag sumali ka na sa team ko. So please, Peter."

Mas lalong naging apologetic ang ekspresyon nito. "I'm not really into football thing. You know, I'm a chef. A pastry chef."

Sa pagkakataong iyon ay hindi niya kailangang ipilit. A curvy smile formed his lips.

"Look you don't need to stop being a pastry chef, man. C'mon, let's talk properly."

Matagal bago ito sumagot. "Sige nga. Let's hear it out."

Muli siyang napangiti. He'll make sure he got the player number one of Assasins.

�O��#

Peter, My Beloved Angel (Assassins 2)Where stories live. Discover now