Chapter Six

4.5K 96 0
                                    


PAG-UWI ni Jelay sa bahay ay mabilisan siyang nag-shower at nagbihis. Darating si Peter at kailangan pa niyang magbukas ng shop. Bagaman wala pang alas-diyes ay kailangan naman niyang ayusin ang mga order para ngayong araw. After lunch kasi ay aalis silang dalawa ni Peter. Birthday ng kaisa-isa nitong kapatid. Hindi maaring wala sila roon.

Kagagaling lamang niya ng gym. Yes, she decided to finally go to the gym to lose some weight. Two weeks na siyang nagpapabalik-balik roon. She even hired an instructor. At habang ginagawa niya iyon ay nagbabawas na rin siya ng pagkain. Alam niya na kaya siya naging ganito kalaki ay dahil din sa pagpapabaya niya sa sarili. O mas tama sigurong sabihing, pagpapalayaw niya sa sarili.

Nitong mga huling araw niya nararamdaman na hindi nga maganda sa kalusugan niya ang sobrang pagkain. Kaya't kahit mahirap ay talagang pinagsisikapan niya. Hindi naman niya goal na ibalik ang dating katawan---though mas maganda kung mangyayari iyon---pero ang goal talaga niya ay mabawasan kahit papaano ang timbang niya.

Walang alam si Peter sa ginagawa niyang ito. Sinadya niyang hindi ipaalam. Gusto muna niyang makakita ng magandang resulta bago sabihin rito ang lahat ng ginagawa niya.

Speaking of him, simula ng mangyari ang insidente sa Mariveles may dalawang linggo na ang nakalilipas ay tila naging mas sweet pa sa kanya si Peter. He even spent more time with her. Dahil roon ay may kung ano-ano na namang hinala si Maricon.

Kapag mas sweet ang mga lalaki---siguradong bumabawi sila. Kasi may kasalanan o may gustong pagtakpan. And don't give me that bull na hindi magagawa ni Peter ang ganoon. What if? Hindi mo pwedeng palagpasin ang gabutil na hinala, Angelyn. Afterall, hindi pa kayo kasal.

Bow lang siya ng bow sa mga sinasabi nito para lamang hindi na sila magdiskusyon pa at kung ano pang mga bagay ang sabihin nito. Baka dahil roon ay magkar'on na talaga siya ng hinala. Kung hindi pa ba hinala ang mga kaba niya minsan.

Tulad na lamang nitong mga nakaraang araw na parating narito sa shop si Peter.

"Lumabas na lang kaya tayo? Parati na lang tayong nandito baka naiinip ka na rin," suggestion niya sa kasintahan.

Nanonood sila ng mga lumang pelikula---paborito nilang past time. Sa harap nila ang napakaraming pagkain na iniluto ni Peter. Mostly, sweets. Kumakain siya subalit sinu-suppress niya ang kagustuhang sobrahan ang pagkain.

"It's okay. Mas gusto ko na nandito lang tayong dalawa. Mas masosolo kita at mas marami tayong time sa isa't isa," nakangiting sagot nito. Inuumang nito sa bibig niya ang kutsara ng chocolate cake. Tinanggap niya iyon. "And I can kiss you..." and he did kiss her. "More and more."

Natatawang lumayo siya rito ng pupugin siya nito ng halik. Sa likod ng isip niya ay nag-e-echo ang boses ng kaibigan niya.

Saang labas, Jelay? Kapag nanonood ka ng practice nila sa Mariveles? Paano ka ide-descriminate ng mga ka-team ni Peter? Sa palagay mo magagawa nila iyon? Saang labas? Sige nga sabihin mo kung saang labas iyon? Sa bahay ng mga magulang o kapatid ni Peter? Hindi kayo lumalabas ni Peter!

Gayunpaman ay pilit niyang isiniksik iyon sa likod ng isip. "Fine, let's stay. And siguro idagdag natin sa menu ang chocolate cake na 'yan. Dapat sabihin mo sa'kin kung anong ingredients nito."

"Uh-oh," umiiling ito. "Exclusive lang para sa'yo ang chocolate cake na yan."

She giggled. Tuluyang nabura sa isip ang lahat-lahat ng kanina lamang ay gumugulo sa kanya. "Sige, sa ngayon exclusive muna 'yan para sa'kin."

He answered by kissing her shoulders. She rolled on the floor when he started tickling her sides.

PAGBABA ng kotse ni Peter ay lumigid si Jelay sa backseat. Kinuha niya ang malaking box ng cake na ginawa niya para sa kaarawan ni Danica---ang nag-iisa at nakababatang kapatid ni Peter. Mabilis na bumaba si Peter sa driver's seat at kinuha sa kanya ang kahon.

Peter, My Beloved Angel (Assassins 2)Where stories live. Discover now