Chapter Seven

4.5K 111 0
                                    


SA NAKALIPAS na mga araw ay dumadalang na muli ang pagkikita nila Jelay at Peter. Busy raw ang huli sa practice. Too busy to even have lunch, breakfast or coffee with her. Okay lang. Sigurado naman na matapos ang football season ay balik na ulit sila sa dating schedule.

Ngayong halos isang buwan na siya sa gym ay nakikita na niya ang epekto. She was surprise to know that she lost nearly twenty pounds when her instructor asked her to weigh in. Ikinatuwa niya iyon. Napapansin nga niya na lumuluwag na ang mga pantalon niya subalit hindi niya naisip na ganoon na kalaki ang nabawas sa timbang niya.

Sa ganoong tagal na rin niya sa pagdyi-gym ay nakakaramdam siya ng inip. Nang yayain niya si Con ay tumanggi ito. Hindi raw nito kayang sabayan siya sa gym tuwing makalwahan dahil malayo raw ang Mandaluyong. Tuloy ay naisip niyang ibang kaibigan ang yayain.

Isang tawag lamang niya kay Leandro---her gay friend---ay pumayag ito kaagad. Lalo pa at sinabi niya rito na macho ang personal instructor niya. At ngayon ang unang araw na sumama ito sa kanya. Tulad ng inaasahan niya, hindi naman talaga ito nag-exercise. He just gaped at her instructor and the guys around.

Okay lang iyon para sa kanya dahil companion lang naman ang kailangan niya.

"Grabe napagod ako d'on, Jelay," ani Leandro ng makapasok sila sa paborito niyang café, pagkatapos nilang mag-gym.

"Anong nakakapagod sa ginawa mong pagtitig sa mga kalalakihan d'on sa loob ng gym?" nakaarko ang kilay na sagot niya.

He smiled dreamily. "Hindi ako aabsent sa sessions natin, girl!"

Natawa siya. "Ikaw na ang um-order, ang sakit kasi ng mga pigi ko," malambing na hiling niya rito.

"Okay fine. Dapat lang pumayat ka talaga, Jelay. Kaya ako ang mag-order for you."

Uminom muna siya ng maraming tubig bilang paghahanda. Sa totoo lang ay kaya niyang umubos ng isang buong cake sa mga oras na ito. Pero hindi niya gagawin. Magtitiis siya. Ang sabi nga ng instructor niya. Mind over matter lang iyan. Ngayon pa ba siya susuko kung kailan naka-twenty pounds na siya?

Definitely not.

Pabalik na si Leandro sa mesa nila ng bumukas ang sliding door ng café. Nabigla siya ng makita na si Peter ang pumasok sa loob ng café. Kaagad niyang itinaas ang hood ng jacket na suot. Nagmamadali rin siyang lumipat sa sulok at tagong bahagi. Halos pigilin niya ang paghinga. Nang sumilip siya ay nakahinga siya ng bahagya ng makitang tila walang ideya si Peter na naroon siya.

"Bakit lumipat ka dito, Jelay?" takang tanong ni Leandro nang makapwesto na sa tabi niya. "Ang init naman dito, eh."

"Huwag kang maingay," pabulong na usal niya. "Nandiyan si Peter."

Nagliwanag ang mukha nito. "Nand'yan si super hot?" namimilog ang mga matang tanong nito.

Nang tangkain nitong tumayo ay mabilis niyang hinila ang lapel ng shirt nito. "Huwag kang magpapakita sa kanya," mahina subalit mariing usal niya.

"Bakit naman?" puno ng kalituhan ang itsura nito. "War kayong dalawa?"

Sumilip siya. Nag-order na si Peter at ngayon ay pabalik na ito sa mesa kung saan naghihintay ang babaeng kasama nito. Her chest heaved in pain.

"Liar," she hissed while staring at him. Nakatalikod ito sa direksiyon niya kaya't ang mukha ng babae ang mas nakikita niya.

"May kasamang girlash, friend," ani Leandro na mas nagpadagdag pa sa galit niya. "Gusto mo sugurin natin?"

Peter, My Beloved Angel (Assassins 2)Where stories live. Discover now