Epilogue

7.9K 190 38
                                    


A year later...

NANG magsimula ang tugtog ay marahang lumakad si Jelay sa red carpet na nakakalatan ng mga white rose petals. Siya ang humiling na dapat ay red carpet at ganito kahaba ang lalakarin niya bago makarating sa groom niya---ngunit ngayon ay pinagsisisihan na niya iyon.

He's wearing a black tux that fits awesomely perfect to him. She couldn't wait to run her fingers into his neatly combed hair para guluhin iyon. He looks dreamy and most of all he's hers.

Parang kaytagal bago siya makarating sa tabi ni Peter. Tuloy ay binilisan niya ang paglakad---dahilan upang madapa siya. Kung bakit din naman kasi pagkahaba haba ng pinili niyang gown. Nakakahiya! May video footage pa naman ang kasal nila pagkatapos ay nadapa siya ng ganoon?

Her bridemaids were there to rescue her. Ngunit lumapit sa kanya ang kanyang hero at siyang umalalay sa kanya. Ang nangyari tuloy ay dalawa sila ni Peter na lumakad patungo sa pinakadulo ng aisle sa labis na paghahagikhikan ng mga bisita. Imbes na mainis ay natawa na lang rin siya. This is a good day para masira lang ng mood niya.

"Hindi mo naman kailangang magmadali. Hihintayin kita kahit gaano katagal."

Right there and then ay gusto niyang hilahin ang groom niya at halikan. Ngunit nagpigil siya. Sapat na ang nakita niya sa mga mata nito na labis na pagtangi. Pakiramdam niya'y daig pa niya ang beauty queen sa titig ni Peter Hernandez. At ilang sandali na lang ay magiging ganap na Mrs. Hernandez na siya.

Nang makarating sila sa unahan ay hindi na nagbitaw pa ang mga kamay nila.

Pinili nila na ganapin ang kasal sa Love Castle nila. Natapos ang paggawa dito noon pang nakaraang buwan. And it was everything she could ever hope for. Sa attendance ay pulos pamilya at mga kaibigan ang bisita nila. Peter's family and of course, the whole football team. And part of the attendance was her mother.

Matapos na magkaayos sila ay nagtuloy-tuloy na ang pagiging tama ng relasyon nila bilang mag-ina. Parte rin ng bisita nila ang tita niya na umuwi pa mula sa ibang bansa kasama ang buong pamilya nito. Naroon din si Con at si Leandro at ilan pang kaibigan. At siyempre, hindi maaring mawala ang gym instructor niya.

Ito ang dahilan kaya ngayon ay ganito siya. She didn't exactly gain a twenty-four inches waist but twenty-eight wasn't bad. It's actually good enough.

"I will always trust you as I entrust you my everything." Madamdaming pahayag ni Jelay habang binabasa ang vows niya para kay Peter. "I can't promise I won't be ridiculous at times, but I promise I'll always believe in you. Hindi ko rin maipapangako na hindi na ako ulit lolobo, you know." That made the guest laugh. "But I promise this time ikaw naman ang pakakainin ko ng marami. And all these promises, I will prove with our lifetime together."

"Mamahalin kita ng walang-hanggan, lumabis ka man o magkulang," sagot ni Peter, looking straight into her eyes. She could see nothing but truth and promise of forever.

Habang nagpapalitan sila ng singsing ay nagbabara ang lalamunan niya. There's this awesome feeling of joy na hindi niya mawari kung saan nanggagaling. She's filled with contentment and assurance. Parang lahat ng tama at masayang emosyon sa mundo ay pinagsama-samang lahat at pinagkasya sa loob ng puso niya. Ito siguro ang rason kaya't hindi talaga napipigil ng mga bride ang mapaluha sa araw ng kasal nila.

"I'll love you forever and ever. Always," bulong nito malapit sa labi niya matapos iangat ang veil niya.

She went misty-eyed. "I love you too," she managed to answer.

He smiled and bent down to claim her lips. When he did, her heart smiled.

Wakas...

Peter, My Beloved Angel (Assassins 2)Where stories live. Discover now