Chapter Two

5.6K 119 1
                                    


"HOW do I? Get through one night without you... If I had to live without you, what kind of life would that be? Oh, I... I need you in my arms, need you to hold. You're my world, my heart, my soul. If you ever leave..."

Handa na sana sa pagbirit si Jelay para sa mga kasunod na lyrics kung hindi lamang sa sunod-sunod na ingay sanhi ng pagkatok. Naroon siya ngayon sa kitchen at baking area na rin ng shop niya. Kasalukuyan siyang naghahanda para sa mga pre-order cupcakes. Siguradong malakas ang pagkatok sa labas dahil umabot iyon hanggang dito sa kinaroroonan niya.

Sigurado siya na nailagay niya ang close signage sa labas ng pinto ng pastry shop. Tumingin siya sa suot na wristwatch. It's eight o'clock in the morning. Her regular customers know that she usually opens at ten o'clock.

Hindi sana niya papansin iyon subalit mas lalong lumalakas. Kung sinuman ang nasa labas ay tila gustong sirain ang pinto ng shop niya. Naiinis na hinubad niya ang suot na gloves. Habang palapit siya sa pinto ay mas lalong lumalakas ang mga katok.

"Sandali lang!" malakas niyang sigaw. Kung sinuman ito ay talagang makakatikim ng matamis niyang pagtataray.

Pagbukas niya ng pinto ay bumulaga sa kanya ang bestfriend niyang si Maricon. Tuloy-tuloy itong pumasok sa loob.

"Bakit ang tagal mo namang magbukas?" tanong nito na naupo sa couch na naroon. All the things inside her shop were homey. Suggestion iyon ng guwapo niyang mahal. Kaagad siyang napangiti sa pagkaalala rito. "Anong itinatawa-tawa mo riyan? May naghahanap sa iyo sa labas."

Kaagad siyang sumilip sa labas ng pinto. May dalawang lalaki nga roon na tila mga delivery man dahil sa print na nakalagay sa damit ng mga ito. May nakaparada ring L300 Van sa may tapat ng shop. Delivery men, she decided.

"Kayo ho ba si Ms. Angelyn Layola?" tanong sa isa sa dalawang lalaki. May hawak itong folder.

"Yes, ako nga. Bakit?"

"May delivery po para sa inyo."

Kumunot ng tuluyan ang noo niya. "Hindi ako nagpapa-deliver ng kahit na ano."

"Pero sa inyo ho naka-address ang delivery. Pangalan n'yo ho at ang address ng shop na ito ang nakalagay," paliwanag nito.

"Ano ba iyan?" curious na tanong niya.

"Dalawang La Germania baking oven ho," maagap nitong sagot. "Isang table oven isang flat series. Pakipirmahan na lang ho itong proof of delivery."

Nang marinig iyon ay namilog ang mga mata niya. Walang pagdadalawang-isip na pumirma siya. Kahit hindi niya itanong kung sinong nagpadeliver niyon ay sigurado siya. Isang tao lang naman ang makakaisip gumawa niyon.

Matapos mai-settle sa loob ng kitchen niya ang dalawang bagong-bagong La Germania ay muli siyang tumungo sa shop kung saan naroon ang kaibigan niya.

"Baka mapunit iyang bibig mo sa kakangiti," matabang na komento ni Maricon.

Mas lalo pa siyang napangiti. "Bakit ang aga mo yata?"

Imbes na maupo sa tabi ng kaibigan ay pumwesto siya sa may counter. Pero bago iyon ay naglabas muna siya ng refrigerated cake sa ref. Inalok niya ito subalit umiling ito ng todo. Pakibit-balikat na nagsimula siyang lantakan iyon. Ginagawa niyang refrigerated cake ang lahat ng mga excess ingredients. Minsan nga ay naibebenta pa rin niya ang mga iyon.

"Ang agang pumunta sa bahay ng landlady ko. Layasan ko nga siya."

"Aba, paano kung pagbalik mo nasa labas na ng bahay ang lahat ng gamit mo?" sagot niya sa pagitan ng pagnguya. "Sigurado kang ayaw mo?" muling tanong niya rito dahil napangalahati na niya ang cake.

Peter, My Beloved Angel (Assassins 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora