Chapter Eight

4.9K 124 7
                                    


NAKATULALA si Jelay sa kape na in-order niya. Hindi niya magawang inumin iyon. She's feeling sad and unsure. Tatlong araw na ang nakalilipas simula ng tangkain nila ni Con na hulihin at komprontahin si Peter. But instead, ipinakilala nito sa kanya ang babae.

Umalis kaagad sila ni Con dahil ang sabi nila'y may pupuntahan sila. Sabi ni Con, masyado daw siyang naging obvious noong unang sinundan niya si Peter. Marahil daw ay nakatunog si Peter na may alam na siya sa pambababae nito dahil tinawagan niya si Peter sa mismong oras na kasama nito ang babae. At bilang escape ay nagsama na ito ng isa pang companion para naman hindi ganoon kahalata ang pambababae nito.

She had to agree with her friend. Maari ngang ganoon. And that's what bothers her.

Katatapos lamang ng training niya sa gym. Nang yayain ni Leandro ang instructor niya na magkape ay pumayag naman ito. At syempre kasama siya.

"You're doing great, Jelay," pukaw ng trainor niya sa malayo nang pag-iisip niya.

Pilit siyang ngumiti. "Thank you, coach."

"Sinabi ko na sa'yo na Gerald na lang."

"Hayaan mo na ako. Para naman lalo ko pang seryosohin ang ginagawa ko," taimtim na sagot niya.

"You loose twenty pounds already. That's actually amazing. Ang maipapayo ko lang, sana huwag mong pwersahin ang sarili mo. You mind if I say something?"

Tila may pag-aalangan sa ekspresyon nito. Tumango siya. "Sige lang, coach."

"You look sad. Sana hindi ka nade-depress sa mga ginagawa mong effort para mag-loose ng weight. Natatandaan mo naman iyong pinaka-importanteng rule? Do not deprive yourself."

Napangiti siya ng totoo. Sana nga ay ganoon lang ang problema niya---kulang sa kain. Para kapag kumain siya magiging okay na ang lahat. Ngunit sa kalagayan ng puso niya ngayon na puno ng duda ay tiyak na hindi siya mapapasaya ng mga pagkain.

"Sorry nga pala sa kakulitan ni Leandro. I hope hindi ka pa naiinis," sa halip ay sabi niya. Nasa restroom ito at tiyak na hindi matapos-tapos sa kakaayos sa sarili.

"Speaking of your friend, masyadong malikot ang kamay niya 'no?"

Napahagikhik siya. Malibang nakakatawa ang sinabi nito ay mas natatawa siya sa ekspresyon nito. Natigil lamang ang pagtawa niya ng mag-ring ang cellphone niya. Nag-excuse naman ang instructor niya upang pumunta sa counter para magdagdag ng order. Nang makitang si Peter ang tumatawag na iyon ay sumimangot siya bagaman sinagot pa rin niya. Hindi na siya nag-abalang lumayo pa.

"Hello?" tinatamad na sagot niya.

"Where are you?"

Natigilan siya sa klase ng tanong nito. Nakagat niya ang labi ng maisip na baka pumunta ito sa shop at hindi siya naabutan doon.

"Bakit mo tinatanong?" sa halip ay tanong rin niya rito. "Nasaan ka ba?"

"Sagutin mo ang tinatanong ko, Jelay."

Natigilan siya. Ngayon lang siya nito ginamitan ng nagsusuhetong tono. "I'm with a f-friend," sagot niya rito.

"Yeah, I can see that."

Nagulat siya. napapalunok na iginala niya ang tingin sa loob ng coffee shop. Walang bakas ni Peter. Napatda siya ng mapatingin sa labas at makitang naroon si Peter. Nakatayo ito sa labas sa mismong tapat niya at nakatingin sa kanya.

"I'm telling the t-truth," muling usal niya. Ngayon lamang niya ito nakitang madilim ang mukha. She felt shiver ran down her spine.

Lumihis ang tingin nito sa instructor niya na nasa counter. "Crystal clear."

Peter, My Beloved Angel (Assassins 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon