Chapter One

8.3K 146 2
                                    


"DAMMIT get him, Callum!"

Iyon ang malakas na sigaw ni Rome---ang team captain nila---matapos makalagpas ni Peter kay Zander. He felt his blood rushing wildly as he passes Callum's guard. Sunod na sumalubong sa kanya si Gift ngunit muli ay nalagpasan niya ito.

Mabilis niyang naipasa kay Macky ang bola. Dalawa kaagad ang humarang rito kaya naman ipinasa nitong pabalik sa kanya ang bola. The ball was too high for him to kick. He prepared for a high jump and hit the ball with his head.

Napasigaw silang lahat nang maka-goal siya. Sinalubong siya ni Macky at nanggigigil na niyugyog siya. Nang makalapit sa kanya sina Jomi at Sparks ay binuhat siya ng mga ito at itinaas. Nanalo ang team nila sa practice match.

Hinati ni Rome sa dalawang grupo ang mga main players. Kasali rin ang mga reserve players nila.

Ang ka-team niya ay sina Macky, Keith, Jomi at Sparks at iba pang mga reserve players. Si Coby, Callum, Gift, Zander at Rune naman ang sa kabilang grupo. Dahil nanalo ang grupo nila, ang talunang grupo ang siyang mag-aayos ng facilities at maglilinis sa lugar nila para sa buong linggo. Ngunit hindi iyon ang mas masaya sa lahat. Hindi sila kasali sa mga kagagalitan ni Rome.

Humahataw silang lahat sa tuwing si Rome ang in-charge sa practice. Mas masahol pa ito sa coach nila na si Devlin. Marami itong kondisyon at parusa para sa team na talunan. Halos magkaugali si Rome at si Devlin noon ngunit mula ng maging asawa ng coach ang owner ng team nila na si Sunny De Alva ay nag-lie low na ang huli.

"That was hot, man," turan ni Jomi. "Hindi halatang wala kang sex life ngayon."

"You're the best, Peter! You've learned so much from me," tila mapupunit na ang labi ni Macky sa lawak ng ngiti nito.

"Hey, natuto rin siya sa'kin," sabat ni Coby na naroon sa kabilang team.

"Get your ass off here, Casanova," panonopla rito ni Jomi. "Kami ang nanalo kaya humanda kang maglinis buong linggo. Aw, poor heir."

Nagtawanan ang lahat na nagpakunot ng noo ni Coby. Nakitawa na rin si Peter. Nakakatawa naman talaga ang reaksiyon ni Cobalt. Mayaman ito dahil kaisa-isang tagapagmana ng business tycoon nitong lolo. Kaya ngayong talunan ito at kailangang gumawa ng mga bagay na tiyak na hindi nito matatanggihan ay mukha itong nalugi.

"Alam n'yo na ngayon ang mangyayari sa inyong lahat," panenermon ni Rome sa natalong grupo. "Do your best next time. We don't aim for better. We aim for the best!" mariing pahayag nito.

"Isa lang ang lamang nila," tila dumulas ang dila ni Gift. "And of course, we'll do our best next time," maagap nitong dagdag.

"Remember this: second wouldn't be enough," iyon ang huli nitong sinabi bago sila tuluyang iwan. Ganoon ito kalupit. May consequences na ay may sermon pa.

Nang maiwan sila ay tumawa ng malakas si Jomi upang asarin lalo si Coby.

"Dapat kasi idinilat mo ng husto 'yang mata mo, Callum. Ang hirap kasi sa'yo saka lang lumalaki 'yang mga mata mo kapag nakakakita ka ng seksing babae," pabirong baling ni Gift kay Callum.

"Bakit ako ang sinisisi mo? Hey, Rune! Sinadya mo bang huwag harangin ang tira ni Peter? Paano nakalusot 'yon? You did that on purpose, 'don't you?"

Isang malaking hikab ang unang reaksiyon ni Rune. "Why would I want to do something I hate so much? I hate doing chores. Mababawasan ang oras ng tulog ko," anito habang lumalakad palayo.

"Where are you going?" pahabol ni Gift. "You can't just leave us!"

"Hihingin ko kay Coach Devlin ang listahan. Ako na lang ang mamalengke kesa naman maglinis ako."

Peter, My Beloved Angel (Assassins 2)Where stories live. Discover now