Miss. Milo

185 2 0
                                    

hanggang sa nakauwi na ako ng bahay hindi parin maalis yung nakajersey #11.. ewan ko kung bakit, kayo alam niyo? hindi naman ako naniniwala sa love at first sight.. lalong hindi ako naniniwala sa love, hay nako!..

nakasakay na ako ng pedicab papuntang school, pagbaba at pagbaba ko palang diretso na ako sa mga may nagtitinda ng palamig 3 flavors yun eh, MILO, NESTEA at MELON, nakagawian ko na yan bago ako pumasok ng gate pag hapon bibili at bibili ako ng palamig ko, once kasi na pumasok ka na bawal na ang lumabas ang higpit nga eh naaasar ako..

tumatakbo ako papunta dun sa palamigan kasi 10 mins nalang eh mag i'start na yung klase naming TRIGO... math kahinaan ko pamandin.. eh kaclose ko na yung nagtitinda dun, sa inaraw-araw ba naman kasi ng pagbibili ko sino ang hindi magiging kaclose nun hahaha! at bigla akong napahinto..

OHMAY! heto yung sinasabe ni CHELL si jersey #11, nakatayo sa gilid ng stall kumakain ng tokneneng kasama yung iba nyang schoolmates at may katabi syang girl! hay kawawang CHELL taken na ang type niya hahaha! 

that time, that very moment hindi ako yung dating CYANN na pagbumili eh pasigaw at tawa-tawa ng tawa haha! syempre ewan ko ba bat naging ganun hahaha.. tama nga si CHELL gwapo nga ang lalaki with or without his shades, pero syempre nagtaka yung mga nagtitinda eh kilala ako sa pagiging maingay eh

MANANG TINDERA: oh? himala hindi ka maingay ngayon, may mali ba sa kinain mo kanina? hahaha

AKO: ay! ganun agad? mainit lang ate, wala ako sa mood mag daldal hahaha!

MANANG TINDERA: wala daw sa mood? mainit daw? eh nagagawa mo pa ngang tumawa eh, oh heto na yung palamig mo..

AKO: wala akong barya eh, mamaya ko nalang babayaran ah? haha! BBYE!

pero bago ako naglakad tinignan ko muna ulit yung guy, and the feeling.. ah! weird! ngayon ko lang napagtanto, nakatingin din pala siya sakin, hindi ako agad nakabawi ng tingin, kasi shocked ako. pero biglang nag bell..  shocks! late na ako, kaya hayon tinakbo ko na, pero hanggang sa tumakbo na ako papasok sa gate ramdam ko parin na nakasunod parin siya ng tingin sa saakin, wow teh masyado naman daw akong ASSUMING hahaha! 

Cuz You're Popular, That's Why (true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon