What I Feel Inside

164 2 0
                                    

After nong usapan namin na yun ni JADE, hindi ako nakatulog, ewan ko ba kung bakit, magulo kasi ako eh, naawa lang ako sakanya pero noong time na yun habang iniisip ko yung mga kulitan moments namin, asaran namin, may kumirot sa puso ko, selos nga ba ito? o wala lang? nakakatawang isipin, ginawa ko nang bato ang puso ko, pero bakit ganito ang nararamdaman ko? nafall na ba ako sakanya? dahil sa kakulitan niya? dahil sa kadaldalan niya? o dahil sa care niya saakin? wala pa kasing nagpapakita ng ganung care para saakin, pati papa ko.. kasi asa ibang bansa siya, siguro nga kakulangan lang to ng pagmamahal ng isang ama. pero hindi eh..

ilang oras na akong nakahiga sa kama ko, pero wala eh, hindi ako dalawin ng antok.. ayun bagsak ko sa computer, vinisit ko yung profile ng ex niya, hindi ko ipagkakaila na ang ganda niya, sexy (di kagaya ko mejo chubby), matangkad (di kagaya ko kinapos sa height), maputi (di kagaya ko kayumanggi), maganda ang buhok (di kagaya ko laging hinahabol ng suklay) urg! ano bang nangyayari saakin? hindi naman ako ganito eh, hindi ko pa kinumpara ang sarili ko sa iba, ngayon lang! ngayon lang talaga, pero bakit? ang weird ayoko nito.. itutulog ko nalang baka sakaling bukas eh makalimutan ko na rin ito..

magaala 12 na nong nagising ako kinabukasan, syempre late na akong natulog eh, at shocking 21 missed calls na si JADE.. bumalik nanaman yung laman ng isip ko kagabe, ilang minuto ko ring inisip ano nga ba? bakit ganito? ayaw ko na ulit maranasan yun. natatakot ako, kaya napagisipan ko na kalimutan ang lahat. kalimutan ang feelings ko, duwag na kung duwag wala na akong pakialam, hindi ko na hahayan na masaktan ulit ako ng dahil sa lalaki.. tumatawag siya ulit

JADE: ano ba naman yan bakit ngayon mo lang sinagot? kanina pa ako tumatawag ah?

AKO: kasalanan ko kung bakit kagigising ko lang ha? at bakit kasi? pakialam mo ba?

JADE: tulog mantika ka talaga! ang aga aga mo ngang nag good night sakin kagabi eh.. may sasabihin ako

AKO: eh  bakit ba kasi? kulang ako sa tulog eh, dahil sa exam last week hay nako! ano ba yun?

JADE: alam mo ba? birthday ko na next week? kita tayo? sige na!

AKO: ow? advance! eh ayoko nga, ayokong nakikipagkita sa mga di ko kilala hano

JADE: ah so hindi mo pa ako kilala? ganun? sakit mo namang magsalita, i hate you na hahaha!

AKO: arte mo! malay ko ba na pakitang tao ka lang pala, pano kong magnanakaw ka? pano kung mamamatay tao ka? pano kung masama ka pala? oh ano?

JADE: hay nako! pakitang tao pala? sa lagay na to? halos lahat ng baho ko nasabe ko na sayo, tiaka sa GWAPO kung to mamamatay tao? oh come on! hahahaha

AKO: basta ayoko ayoko ayoko PERIOD!

JADE: sige na, kahit yun nalang ang birthday gift mo sakin please?

AKO: pagiisipan ko.. geh kakain lang ako 

JADE: basta ah? sa birthday ko, geh kain ka na, takaw mo talaga! 

AKO: pagiisipan ko pa nga makulit ka, geh bye!

--- end of conversation ---

Cuz You're Popular, That's Why (true story)Where stories live. Discover now