This :)

150 2 0
                                    

ilang buwan pa ang lumipas, masaya kami, pero walang kami, mas mabuti na ang ganito, hindi ko isasakripisyo ang friendship namin sa walang kasiguraduhang relationship hindi ba readers? kaya hayun hanggang sa summer na, malapit na siyang pumunta sa ibang bansa, pero hindi kami naaaburido, bakit? may facebook naman ah at twitter hahaha! isang gabi tumawag siya..

AKO: oh? bakit bigla-bigla ka nalang tumatawag?

JADE: may good news ako! sa may pa kami aalis ^_^

AKO: sure na ba yan? nanloloko ka naman kasi

JADE: ayaw mo kasing maniwala eh, oo nga ano ba naman

AKO: kung maniniwala ako hahaha!!

JADE: lagi ka namang hindi naniniwala saakin eh 

AKO: nagdrama ka nanaman, edi masaya kung ganun ( ^^,)

JADE: oo nga eh. oi may gagawin pa ako ha? geh good night

AKO: night!

----------------------------

ayun april 1 na, last day ng sale sa robinson -__- window shopping lang ang ginawa namin ng mga barkada ko, kasi walang datung hahaha! masaya, tawa kami ng tawa, kahit sa pinakamaliit na bagay tinatawanan namin hahaha! iba talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mo hano? asa department store kami, nakatayo lang, pinag-uusapan kung san kami pupunta, kung sa timezone or manonood ng movie, or sa food court.. hinayaan ko nalang sila, wala naman akong pakiaalam kung san kami pupunta eh, kaya kinalat ko muna yung mata ko baka may makita akong maganda at gusto kong bilhin.. ng biglang! may nakita akong familiar na pigura ng tao.. shocks! si JADE! andito rin.. tatalikod na sana ako pero huli na, nakita na niya ako..

lumaki yung mata ko O_O

lumaki rin mata niya O_O nag narinig ko pa yung "OW" niya

nataranta ako kasi andun mga kabarkada ko, pumunta ako sa gitna nila ng mabilis, tas nakipagkwentuhan kunwari.. dumaan pa sila sa harapan namin, nanadya na talaga siya nakakabwesit, kinausap ko yung mga kaibigan ko, ayaw ko sanang makialam kung san kami pupunta pero no choice!

AKO: sa hyper market muna tayo, bibili ng pagkain tapos manood na tayo, dali!

FIONA: oh buti naman at nagsuggest ka! okay ako dun kayo?

BARKADA: tara na garud!

hay! buti nalang .. makakaalis na rin ako.. natapos ang araw na yun, masaya kasi natataranta ako hahaha, habang naglalakad eh tingin ng tingin kung saan, alam niyo yung feeling na may tinataguan? ahahaha, ako yun ;) gabeng-gabe na tumawag siya

AKO: oh! 

JADE: (hindi nagsasalita)

AKO: hoy magsalita ka naman ah!

JADE: (tahimik parin walang imik)

AKO: wag ka nalang tumawag kong ipapakausap mo rin lang ako sa hangin!

JADE: (huminghot)

AKO: umiiyak ka ba?

JADE: alam mo bang gusto kitang lapitan kanina? pero anong ginawa mo? pumunta ka sa gitna ng mga kaibigan mo? alam mo naman kasing sinusulit ko na eh, andun ka na! gusto lang naman sana kitang makasama ulit bago ako pumunta ng ibang bansa, pero pinagkait mo sakin ang opportunity na yun!

AKO: matagal pa naman ang may ha?

JADE: this april na kami pupunta, sinabe ni papa saakin last week! bwesit ako sayo! 

AKO: oh bakit ka umiiyak? para yun lang!

JADE: para yun lang? palibhasa kasi hindi mo naiintindihan eh.. malapit na SAY. next week na kami pupunta! alam mo ba yun?

AKO: b-bakit ang aga naman ata?

JADE: tignan mo! tignan mo na! (gumaralgal na ang boses niya) tapos ngayon ano? nawala na! alam mo ba? ang dami kung plano para saatin, kahit lagi mo akong inaaway, sinusungitan, at sinasabihan ng mga msasakit na bagay!

AKO: h-hindi ko alam na- na next week na.

JADE: huh! alam mo ba? kanina gusto kitang yakapin, at gusto rin kitang ipakilala sa mga kaibigan ko? hinanap ka namin, hinanap kita, pero totoo nga, hindi mo mahahanap ang taong ayaw magpahanap

AKO: (naiyak na rin ako kaya hindi na ako nakapagsalita)

JADE: gusto rin kitang bigyan ng kiss sa noo, para malaman mo na mahal kita, mahal na mahal kita! ngayon lang ako nagkaganito, pero bakit sa isang childish at manhid pa na kagaya mo!

AKO: i am your karma (tumawa ako ng payak)

JADE: ha! siguro nga, ikaw na ang pinakamahirap at pinakamatigas ang ulo na nakilala ko, pero bakit ganito kita kamahal? alam mo ba? wala pa akong iniyakan? ikaw palang, kahit hindi tayo? bakit? kasi tunay ang nararamdaman ko sayo, ngayon sabihin mo sakin yung sinabe mo saakin noon "ang playboy mamatay na playboy" hindi! kasi ang playboy pag nahanap na niya ang tunay na babae para sakanya, gagawin niya ang lahat para magustuhan siya ng taong yun..

AKO: (hindi ko magawang magsalita, nawalan ako ng sasabihin)

JADE: nakakatawa noh? umiiyak ako dahil lang hindi kita nakausap sa personal, sabihin mo ng nag babaw ko naman, tawanan mo na ako kung gusto mo, for the last time gusto kong malaman mo na mahal kita, totoo yan!

AKO: ang hirap paring maniwala (nagawa kung magsalita kahit umiiyak)

JADE: alam ko naman eh, hindi ka basta basta maniniwala, kilala kita, hindi ka tanga, hindi ka yung tipo ng babaeng mas ginagamit ang puso sa ganitong sitwasyon, mas ginagamit mo yung utak mo, pero tanong ko lang (basag ang boses, umiiyak din kasi) masaya ka ba?

AKO: hindi ko alam, magulo ako eh

JADE: (suminghot) magulo ka talaga, alam mo ba nung magkikita tayo nung birthday ko, yung sinabihan mo ako "pano kung masama akong tao" natawa ako dun, may tao pa palang magsasabi nun saakin, kahit napakagwapo ko ha-haha (halatang pilit ang tawa) pero alam mo, yung babaeng nagsabe nun? siya na ang gusto kong makasama forever.

AKO: (shocked) 

JADE: sa-sana magawa mong ma-maghintay, sana dumating ung time na masabi mo sa akin ng personal na mahal mo rin ako. goodnight. masyado na kitang naabala. sweet dreams

----- pinatay na niya

Cuz You're Popular, That's Why (true story)Where stories live. Discover now