No Communication

146 2 0
                                    

1 week na kaming walang communication, naaasar na ako, text o tawag man lang wala! pati sa chat wala! kahit OL ako at OL din siya.. pero alangan naman na ako ang una hindi ba? dapat siya, ang babaw naman niya para yun lang, sinabe ko lang na HINDI kasi takot ako.. pero namimiss ko na siya, namimiss ko na siya -_-

friday night, ng bigla siyang tumawag.. kahit papano, naexcite ako, kaya agad ko ng sinagot yung call

AKO: buti napatawag ka!

JADE: mahal mo ako hindi? sumagot ka..

AKO: ano ba naman yan!

JADE: mahal mo ako hindi?

AKO: ano ba kasing big deal dun ha? kung mahal kita o hindi?

JADE: ano mahal mo ako o hindi?

AKO: hindi!

JADE: hindi naman masamang magpakatotoo ka minsan sa sarili mo eh, sige bye

tooot tooot tooot....

may sumthing sa boses niya, umiiyak ba siya? ano ba nangyayari sakin? ano ba iniisip ko? nagmuni muni ako, tama nga ang kutob ko, mahal ko rin siya, pero bakit hindi ko nasabe? bakit nagpakaduwag ako? bakit? hindi naman ako duwag na tao eh, matapang ako, pero bakit pag sakanya iba? humiga ako sa kama, oo hindi ko maamin na mahal ko rin siya, kasi masyado siyang sikat, masyado syang matalino, at gwapo, nakakatakot, pano pag katulad siya ng iba? pano kung niloloko niya lang ako, pero bakit ganun? seryoso ba siya? hindi ko na mapigilan ang mapaluha.. ang sakit.. ang sakit.. ng biglang tumunog yung phone may tumatawag, yung kaibigan ni JADE..

AKO: hello kuya?

KURT: anong nangyari ading? bakit biglang nawalan ng mood yun?

AKO: wala naman poh, ano bang nangyari?

KURT: binalik mo lang yung tanong ko eh, umiiyak si JADE, ngayon lang namin siya nakitang umiyak, at wag mong ipagkaila saamin, alam namin ang nangyayari

AKO: alam niyo naman pala eh..

KURT: mahal mo ba siya?

AKO: hindi ko alam! naguguluhan din ako sa sarili ko.. eh pano kung oo? oo mahal ko siya, pero natatakot ako! (umiiyak na rin ako) saakin niya kinukwento kung pano niya paglaruan yung mga past niya, at alam natin na sikat siya kuya! madaming nagkakagusto sakanya, hindi mo maaalis sakin ang takot..

KURT: magpakatotoo ka, habang buhay ka nalang bang ganyan? takot? pano ka sasaya? alam mo ading masyado kang selfish eh, hindi mo alam na may nasasaktan ka na, tama nga si JADE bato ka nga, wala na bang mas mamanhid sayo?

AKO: sabihin mo na gusto mung sabihin, basta ako hindi ko sasabhin sakanya na mahal ko siya, ayaw ko ng masaktan.. takot ako.. at hinding hindi ko hahayaan na luluha ako ulit dahil sa pagmamahal na yan! nagloloko lang siya! yun lang yun!

KURT: ano bang alam mo sa nararamdaman ni JADE? bakit kung magsalita ka parang ang alam mo ang lahat, eh sa pagkakaalam ko eh NBSB ka? oh ano?

AKO: hindi ko alam ang nararamdaman niya, pero nagloloko lang siya lagi naman siyang ganun eh! pano kung sabihin ko sainyo.. nafall na ako sa noon? maniniwala kayo? diba hindi? kasi wala kayong alam! minsan na akong niloko at pinaglaruan, kaya hindi mo maaalis sakin ang takot! takot na muling masaktan! (iyak-iyak) 

KURT: hindi lahat ng lalaki ganun, naiintindihan kita, pero mahal ka ni JADE, 1 week na siyang wala sa mood, parang ibang JADE na ang kasama namin, oo kilala si JADE dito bilang isang playboy, pero ngayon hindi na, hindi mo alam kong ganu mo siya napagbago SAYSAY. hindi na siya yung dating mayabang, at mataas ang tingin sa sarili, nagbago na siya, hindi mo na naisip yun?

AKO: pinagtritripan niyo ba ako? pinagpustahan? kung mapapaamin ako ni JADE na mahal ko rin siya ililibre niyo siya? tama na! ayoko na.. parang awa niyo na, nasasaktan ako, tao ako, may pakiramdam, kahit kilala niyo ako sa pagiging matapang may kahinaan din ako, babae parin ako kuya..

KURT: pero ading, to be honest may kaclose ako na may gusto kay JADE, pero hindi ko magawang tulungan kasi ang bukambibig ni JADE ay ikaw SAYSAY. walang araw na hindi niya nababanggit yang pangalan mo, hindi mo ba alam? hindi mo ba napapansin? na minsan ang tunay na nararamdaman sa biro dinadaan?

AKO: patawa ka kuya! (iyak-iyak) 

KURT: tignan mo? hindi lang si JADE ang sinasaktan mo, pati sarili mo! umiiyak ka ngayon bakit? hindi mo alam? kasi hindi mo pinayagan ang sarili mo na maging masaya, dapat lumaban ka, kahit anong resulta at least ginawa mo ang dapat, magiging masaya ka at wala kang pagsisisi. mag-isip ka ng mabuti SAY. asa huli ang pagsisisi

--- end of conversation ----

wala akong ginawa nung gabing yun kundi umiyak ng umiyak! kung alam niyo lang sana ang pakiramdam ng ganun, bakit kasi. eto ang pinakainiiwasan ko, ang mafall, pero anong magagawa ko? anong gagawin ko? :'((

--------------------------

update ako mamaya ;) kakain muna ako haha

Cuz You're Popular, That's Why (true story)Where stories live. Discover now