oh ayan gabi na tapos na rin nag meet nila, tutal friday night naman kaya ayun sa nakagawian ko, nanood nalang ako ng ANIME habang kumakain ng junkfoods, ako lang kasi sa barkada ang mahilig sa ANIME eh lahat na sila sinusumpa ang anime at pumunta sa mga KOREAN DRAMAS kaya minsan pag yun ang topic nila, makikinig nalang ako, tatango-tango, kung tatawa sila tatawa narin ako, eh ano ba? just go with the flow hahaha! at ngayon nga ang pinapanood ko ay K-ON ng biglang nagtext NUMBER lang siya
NUMBER: hello, wrong sent po ata kayo?
--- END OF TEXT ----
bigla akong nag-isip kung sino ang mga nakitext sakin, o baka ako? hindi, ah! si SASA siguro na chika niya kasi sakin kaninang uwian na hindi naihatid ni ate niya yung handouts niya buti nalang daw at may meeting kanina nakaligtas nanaman siya, lagi kasi siyang nagaganyan eh..
AKO: halata naman siguro diba kuya/ate? pakidelete nalang number ko thanks!
NUMBER: ay! kuya ako eh ikaw? ilang taon kana? naghahanap rin kasi ako ng katextmate eh, baka ikaw na ang pinadala ng langit hahaha!
AKO: langit? sure ka? baka ako ang pinadala para tapusin yang buhay mo pag hindi kapa tumigil jan. girl ako, eh ikaw ilang taon ka na?
NUMBER: makikipagkaibigan lang eh, ang sungit mo mabait naman ako eh, 15 na ikaw?
AKO: 15 rin.. sige last text na to, kasi po hindi ako nakikipagtextmate sa isang stranger, and news flash, you're a stranger
NUMBER: ha! mabait ako promise, bakit ba ang sungit mo? buti sana kung maganda ka!
AKO: hahaha! tinatanong ko ba kung mabait ka? maganda talaga ako! eh ikaw gwapo ka ba? hindi diba? kaya tsupi!
NUMBER: gwapo ako, walang kasing gwapo, mayaman at matalino pa. oh ano?
AKO: wala akong pakialam sayo!
NUMBER: ano palang pangalan mo? ako pala si JADE :)
AKO: sige na nga. hahaha! ako si CYANN taga san ka?
demanding kasi eh, hindi! wala lang talaga akong makatext sayang rin naman yung unli ko pag hindi nasulit hindi ba? hindi to palusot! hahaha mga chosera kayo!
JADE: ( oh diba jade na) hahaha! cabanatuan, eh ikaw?
AKO: N.E ohmay! malapit lang pala, san ka nag i'school?
JADE: panpasific vista high. ikaw?
AKO: nice! mahal ang tuition fee jan eh -__- sa MANIKIL HIGH SCHOOL
JADE: ha! patawa ka, jan ginanap yung meet namin eh! baka naman nagpapanggap ka lang na nawrong sent ka? ang totoo alam mo # ko!
AKO: oh? ah! ganun ba? haha patawa ka, hindi ako magkakainteres na gawin yang mga yan noh, assuming ka masyado! pasalamat ka nga nagrereply pa ako!
JADE: ay sorry ah? akala ko kasi isa ka sa mga stalker ko haha
AKO: ah, di karin mayabang sa lagay na yan noh? alam mo ayaw ko sa lahat yung nagyayabang na wala namang maipagmamayabang
JADE: sungit mo talaga. sorry naman daw! malay ko ba! hahaha pero mabait ako at humble ba
AKO: mabait? humble? sa "akala ko kasi isa ka sa mga stalker ko" sa lagay na yun humble ka pa talaga? haha! patawa ka neh!
JADE: joke lang yun hindi naman talaga ako ganun eh, wala lang, nakakatuwa kang katext eh.. so anong............
ayan, umpisa na ng interview, syempre mas madami ang tinatanong ko kaysa sakanyan ah! alangan naman papatalo ako hahaha! masaya siyang katext hanggang sa tinanong niya kong may FB ba daw ako. eh sino namang tao ang walang FB ngayon diba? edi sinabe ko na ang e-add ko at accept ko nalang daw kasi nakita na niya, agad agad noh? hahaha!
BINABASA MO ANG
Cuz You're Popular, That's Why (true story)
RomanceReaders! itong story na to ay based sa makulit, magulo at loko-lokong lovestory ng aking matalik na kaibigan, itatago ko nalang siya sa pangalang RIA at ang kanyang loveduds haha! ang chaka.. sa pangalang IAN oh diba? haha! 3 letters lang para tipid...