The Big Day

149 2 0
                                    

mabilis na lumipas ang araw, at ngayon nga ay birthday na nung kumag na yun, maaga akong nagising dahil sa ingay ng alagang manok ng kapit-bahay namin, joke lang, dahil nga birthday niya, eh hindi ko pa alam ang isusuot ko. naligo na ako, ilang beses akong nagpalit ng damit, bagsak ko rin lang pala sa simpleng white t-shirt na may tatak na HELLO KITTY, maong pants, rubber shoes, at sling bag, at ang buhok ko, tinali ko nalang , aka kasi magulo sa byahe eh.

10 a.m pa naman ang bukas ng ROBINSON eh, 9 palang naman kaya nanood muna ako ng naruto, latest episode kasi ngaun ilalabas kaya yun, ng bigla siyang tumawag..

AKO: oh! bakit?

JADE: asan ka na? papunta na ako

AKO: asa bahay pala, ano ba! walang pang 15 mins ang byahe papunta dun

JADE: sabagay, madaya kasi eh, ako ang may birthday dapat ikaw ang pumunta dito hindi ako

AKO: hoy! naimbeta ka lang naman ah! wag ka ngang magreklamo, ikaw namilit eh

JADE: oo na! basta ah sisipot ka ah? kilala kita, nakwento mo na ang dami mo ng hindi sinipot

FLASH BACK: oo nga pala nasabe ko nga pala lahat ng yun sakanya hahaha!

AKO: oo na nga eh! nakabihis na ako, geh may gagawin lang ako! 

-------------------

pareho na kaming andun sa ROBINSON sinabe niya kong anong suot niya at kung asan siya. syempre alangan naman na ako ang pupunta sakanya diba? babae kaya ako, kaya sinabe ko kung asan ako. sa food court ako, nakikiwifi lang hahaha! ng biglang may lumapit OHMAY! ang tangkad syet! 

JADE: hahaha! sabe ko na nga ba ikaw yan eh! ang galing ko talaga, tama ka nga ang liit mo haha! below shoulder lang ata kita eh (sabay upo sa harap ko)

AKO: wag ka ngang mayabang, buti nga pumunta ako eh, pasalamat ka! yabang mo talaga!

JADE: hindi lang pala sa text at tawag ka matapang, pati sa personal, kanina ka pa? kumain ka na? tara kain muna tayo gutom na ako eh, ang tagal mo kasi

AKO: sorry pero kumain na ako kanina, samahan nalang kita. ako pa matagal? sabahin mo, maaga ka lang talaga! hahaha san ka ba kumakain?

JADE : hindi ako kakain pag hindi ka kumain.

AKO: kumain na nga ako, mataba na nga ako patatabain mo pa ulit ako edi wala na!

JADE: sige na kasi, treat ko naman eh. heto birthday na birthday ko. :(

AKO: wag mo akong dramahan ha? osya tara na, buyboy ka talaga (tumayo na ako)

JADE: ang liit mo talaga SAY! parang father and daughter hahaha!!

maganda siyang kasama, nakakatawa.. hindi siya nawawalan ng kwento.. madaldal talga ang isnag to! hahaha. syempre hindi namin maiwasan ang asaran, ng asaran, at sumbatan, kasi nga super anti ako sakanya, at super anti din siya sa akin. hay!  natapos ang araw na yun. hindi kami nagkahiyaan. parehong makapal ang muka namin eh hahaha! i will treasure it.. FOREVER :">

Cuz You're Popular, That's Why (true story)Where stories live. Discover now