Prologue

3.9K 216 94
                                    

Tahimik kong pinagmamasdan ang mga taong naglalakad sa quadrangle mula sa rooftop ng campus habang nakapalumbaba. Damang-dama ko ang lamig ng hangin na humahaplos sa aking balat díto sa itaas. Sa tulong ng liwanag na binibigay ng araw, malinaw kong nakikita ang lahat ng nangyayari sa baba.

Ang mga tao, isa sa mga nilalang na labis na nakakuha ng aking interes. Minsan, masaya sila, maya-maya lang ay hindi na. Ang ilan ay may suot na malapad na ngiti sa harap ng iba, pero pagtalikod lang nila'y hindi na.

It is foolish to think that people tend to hide their pain and then pretend that everything is okay. I wonder why they never wanted other people to see how sad they really are.

Dahil ba ayaw nilang kaawaan sila? Dahil ba sa tingin nila, walang makakaintindi sa kanila?

Do they really think that out of billion living souls in the world, no one has the same problems as them? Hindi ba't mas mapapadali ang lahat kung sasabihin na lamang nila ang totoo kaysa magkimkim?

Tinignan ko ang bulaklak na nasa kaliwa kong kamay at pinaglaruan ito. Sobrang pula ng mga talulot nito.

"She became so aggressive due to her past experiences and she finally built walls for herself."

Poor heart.

Dahil sa mga nangyari sa kaniya, natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa. She loves herself so much to the extent that she doesn't have any space to love someone anymore. She endured the pain and it made her stronger. May tao pa nga bang makakapagtunaw sa bato niyang puso?

"Rory." Hindi ko nilingon ang aking familiar na si Raphael nang bigla siyang lumitaw mula sa aking anino. Naramdaman ko siyang pumwesto sa tabi ko at may iniabot.

"Heto." Kinuha ko ang cellphone mula sa kamay niya at sinipat ito. Pinagpatuloy lamang ni Raphael ang kaniyang pagsisiyasat, "Desidido na ang ating kliyente. Anumang oras ay tatawag na siya."

"A damsel in distress, an alluring mess.

There she goes again, a lamb wearing a dress.

The scent of gin and vodka can be tasted in the air,

"Ecstasy and morphine, the drugs are working well." pagsabay ko sa kanta habang inilalapit ang daliri ko sa accept button nito. Hindi muna ako umimik hangga't wala akong naririnig na boses mula sa kabilang linya. Nung una ay pawang malalalim na hininga lamang ang naririnig ko subalit nang tumagal ay nagsimula na siyang magsalita.

"Pain Reaper." Narinig ko ang paghagulgol niya sa kabilang linya. "P-please, I want to forget everything about him."

Umikot ako sa aking pwesto at ngayo'y nakasandal na ang likod ko sa railings habang hawak-hawak pa rin ang bulaklak sa kaliwa kong kamay. Rinig ko pa rin ang hikbi ng aking kausap pero kahit anong pilit ko ay wala akong maramdamang kahit na anumang simpatya o awa sa kaniya.

"Iyan ba talaga ang gusto mo?" kaswal kong tanong. Narinig ko siyang huminga nang malalim at ilang beses na tumikhim hanggang nakakuha na ulit siya ng lakas para panindigan ang desisyon niya.

"O-oo. Pursigido na mawala 'tong nararamdaman ko." Gumuhit ang isang ngisi sa aking mga labi nang marinig ko ang kasagutan niya.

Ang mga tao nga naman. Gagawin ang lahat para lang makatakas sa sakit na nararamdaman nila.

Napakamadaling mauto.

"Tandaan mo ang pinagkasunduan natin kapalit ng kahilingan mo," saad ko at binaba na ang tawag. Napailing-iling na lamang ako habang binabalik ang cellphone kay Raphael.

Ibinalik ko ang tingin sa bulaklak na hawak ko.

Sayang.

Sayang ang mga panahong pinaggugulan niya ng kaniyang oras kung mas pipiliin niyang mawala lang ito na parang bula. Malinaw ang pagkakalahad ko ng mga kondisyon ko at sa oras na sumang-ayon siya rito, wala na siyang kawala. It's a win-win situation after all. I'll grant her wish and she'll pay for the price.

Pinadaan ko ang palad ko sa aking kaliwang pulso kung nasaan ang bulaklak at lumitaw rito ang Grimoire. Napaligiran ako ng pulang liwanag at nagsimula nang lumambot ang tinatapakan ko. Pinikit ko ang aking mga mata at naramdaman ko ang paglipat ng mga pahina nito. Unti-unting rumagasa ang mga letra sa aking isipan at nabuo ang mga katagang dapat kong sambitin.

"Roses are red." Marahan kong dinilat ang aking mga mata.

"Violets are blue," saad ko at itinaas ang bulaklak na hawak.

"Memories are dead." Pinitas ko na ang isang talulot nito at binitawan.

"The soul is anew," bigkas ko sa huling kataga at tuluyan na ngang nilamon ng sahig ang nahulog na talulot.

Unti-unting nawala ang pulang liwanag na nakapaligid sa akin at bumalik na rin sa dati ang konkretong sahig na tinatapakan ko. Wala na rin ang grimoire na kanina ay nakasabit lamang sa kaliwa kong pulso.

Lumitaw sa harap ko ang isang batang babae na binigyan ng isang lalaki ng teddy bear. Lumiwanag ang mukha nito at halos mapunit ang labi kakangiti nang mapasakaniya ang stuff toy. Sinasabi ng memorya sa akin na matagal niya nang hinihiling ang laruan na 'yon.

Niyakap naman agad siya ng lalaki ng sobrang higpit at sinandal ang ulo nito sa balikat niya.

"Anak ko..."

Kumalembang na ang kampana, hudyat na kailangan nang magtipon-tipon ng mga estudyante sa quadrangle para idaos ang flag ceremony. Tiniklop ko ang aking mga palad upang mawala ang bulaklak at nilagay ang aking mga kamay sa aking likuran saka naglakad patungo sa baba.

Pagkarating ko ay sinalubong ako ng isang babaeng nakakunot ang noo na nakatingin sa lalaking nasa harapan niya. Pinagtitinginan na sila ng mga tao dahil sa eksenang kanilang ipinapakita sa may harap ng gate. Magkasalubong ang mga kilay ng lalaki at nakauwang din ang labi nito na para bang hindi makapaniwala sa inaasta ng babaeng kaniyang kaharap. Gayunpaman, mas pinili niya pa rin siyang lapitan.

"Isabelle, ako ito. Hindi mo na ba ako naalala, anak ko?" marahang tanong nito. Bahagya namang umatras ang babaeng kausap niya.

Ang babaeng 'yon.

Siya ang humiling kanina; ang humiling na kalimutan lahat ng pinagdaanan niya sa kamay ng kaniyang ama.

Hindi ko hawak kung ano ang memoryang maibibigay ng mga kliyente sa akin. Kung ang mahalagang memorya ni Isabelle ay ang lahat na may kinalaman sa kaniyang ama—na sa tingin ko'y siya ring dahilan kung bakit siya nahihirapan—hindi na imposible para sa kaniya ang malimutan ito.

"S-sino ka?" pabalik na tanong ng babae.

Iniiwas ko na lamang ang tingin ko at tumungo na sa pila ng mga kaklase ko.

Ang mga tao.

Ano bang magbabago kung sapilitan nilang kalilimutan ang mga alaala ng kanilang nakaraan? Hindi ba nila kayang tanggapin na lamang ang lahat ng nangyari na? Bakit kailangan pa nilang pahirapan ang sarili nila para lamang sa alaala ng nakalipas?

Bumuntong hininga ako at tumingin sa langit. Asul ang kalangitan at nagkalat ang mga puting ulap. Tila ba nakiramdam ang araw at nagtago muna siya sa mga ito upang masilayan ko nang mabuti ang kagandahan ng nasa itaas naming lahat.

Ako si Aurora Blanco, kaya kong tuparin ang kahilingan ng mga mortal: patahimikin ang kanilang emosyon at pawiin ang lahat ng kanilang sakit sa pamamagitan ng mahihiwagang bulaklak. Kapalit lamang ng aking serbisyo ay ang kanilang pinahahalagahang memorya na matatagpuan lamang sa kaibuturan ng kanilang mga puso.

At mas kilala ako sa tawag na,

Pain Reaper.

Pain ReaperWhere stories live. Discover now